12: Don't Even Try

3.4K 154 25
                                        

Kagat-kagat ang kuko na paulit-ulit kong pinindot ang F5 sa keyboard ng laptop. Nananalangin ako na sana, sa isang milagro, mag-iba ang mga numerong nakikita ko sa screen. Pero hindi. Nanatili ang presyong parang hatol ng kamatayan.

Nakakapanghina. Pakiramdam ko, nagkandabuhol-buhol na ang mga bituka ko sa tindi ng kaba. Tila iniwan na rin ako ng sarili kong utak dahil wala akong maisip na matinong solusyon! Basta ang alam ko lang ngayon, I'm so freaking triple, triple dead meat sa h1nayupak na 'yon.

"Pa-refund ng buhay, Lord. Mukhang maling server ang napuntahan ko," bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen na tila ba doon na nakasulat ang magiging epitaph ng kabaong ko.

"H-Hindi naman reliable ang site na 'yan. Kalokohan! Try natin sa Shopee, baka mas mura," balisang hirit ko, pilit na itinatanggi ang katotohanan.

"iPhone ang usapan, baliw, hindi calculator!" pangbabasag ni Nisha sabay "quote signs" sa hangin. "Apple site na 'yan, 'wag kang delusional."

"How to unsee?! Saan ako kukuha ng gano'n kalaking halaga?!" nanlulumo kong sabi sabay sabunot sa buhok at padyak sa ilalim ng mesa.

"How about this: bigay mo na lang sarili mo as payment," suhestyon ni Nisha. Napaisip ako saglit. "Tatanggapin niya kaya ako bilang pambayad?"

Nagkibit-balikat lang silang dalawa. "Ewan. Si Shaun lang ang makakasagot niyan."

Muli akong dumukdok sa mesa, umiiyak na parang may tantrums. Tumatagingting na 80,000 pesos ang halaga ng nawala ko. Just great. "Kumirot kidney ko. Parang gusto magpabenta," biro ko, pero agad akong sinabunutan ni Lex.

"Aray! Bakit?!"

"Para gumana utak mo! Kidney agad? Think outside the box!" sermon ni Lex.

Napabuntong-hininga ako. Ito na nga ba ang napala ko sa hindi pagsasauli agad kahapon. Sinilip ko ang kili-kili ko, "Tumatanggap naman siguro siya ng babaeng maputi ang kili-kili at legs? Keri na siguro 'to?"

Umiling ang dalawa. "Not sure. Sabi mo nga, hindi ka niya type," asar ni Nisha.

"Ouch," hirit ni Lex habang uma-acting na nasasaktan para sa akin.

"Tumahimik kayo!" bulyaw ko. Hinawakan ni Lex ang pisngi ko at pinisil-pisil hanggang sa magmukha akong isda. "Hindi ka naman pangit, baliw. Kulang ka lang sa hilod."

"YAH! Hilod ka d'yan!" bulyaw ko sabay bawi ng mukha. "Wala lang talaga siyang taste!"

Kung sa pagkain, baka mukha lang akong walang garnish o toppings, pero kapag natikman mo, once tasted, always wanted. Yes, I love myself. I thank you.

***

Tamang tambay kami sa school grounds dahil vacant namin ng dalawang subjects. Habang abala ang mga kaibigan ko sa pag-bo-boy hunting, ako naman ay wala sa sariling namumuksa ng damo. Ubos na ang mga damo sa tapat ko, kaya yung mga nasa kanan ko naman ang pinagdidiskitahan ko.

Habang nagbubunot, paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang iisang problema: 80,000 pesos.

Hindi ako anak-mayaman para bayaran 'yun sa isang pitik lang. Hindi rin ako pwedeng umasa sa mga baliw kong kaibigan dahil pare-pareho lang kaming sapat lang ang allowance para mabuhay. Kung uutang naman ako, anong ipapambayad ko? Kaluluwa?

Sa bawat damo na nabubunot ko, lalong bumibigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko, yung damo na yung huling bakas ng katinuan ko bago ako tuluyang lamunin ng utang at ng h1nayupak na si Shaun.

My thoughs were cut off nang magsalita si Nisha, "Gusto mo ng tulong, baliw?"

"Saan?" walang ganang tugon ko. Nakangising nginuso niya ang direksyon ng pinagbubunutan ko ng damo na nakakalbo na rin.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon