10: The Great Pudding Catastrophe

3.7K 157 15
                                        

TITIG na titig ako sa chocolate pudding na 'to na parang ginto. Bawat hakbang, kalkulado. 'Yung pudding naman, todo-hataw sa pag-wiggle. Akala mo ay contestant sa talent show sa sobrang likot.

Kunti nalang, sana. Malapit na ako sa table. Go...go...go!

Kampante akong rampa-sa-catwalk ang peg, hindi alintana ang mga delubyong makakasalubong ko. Akala ko, kahit nakapikit ay maihahatid ko nang buo ang pudding sa tambayan sa table namin. 

Pero mali ako. Masyado akong naging kampante, nakalimutan kong may mga tao palang sadyang ginawa ni Lord para lang bwisitin ang araw ko.  

Napasinghap ako. Nanigas. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo habang sinusundan ko ng tingin ang aking paboritong chocolate pudding na dahan-dahang dumudulas mula sa platito—isang mabagal at masakit na kamatayan. Nakaawang ang labi ko, pigil-hininga, at halos mabasag ang puso ko sa kalunos-lunos na sinapit ng meryenda ko. Pagbagsak sa sahig, ang paborito kong 'dance floor star' ay walang awang nahati sa tatlo. Dead on the spot.

"Watch where you're going, fruitcake."

Rinig kong sambit niya bago ako lampasan. Hindi pag-aalala 'yon; mas tunog 'yung paalala na siya ang may kontrol sa sitwasyon. Huminto ang mundo ko saglit hindi dahil sa boses niya, kundi dahil sa paraan ng pagkakabigkas niya—mababa, paos, at sobrang yabang.

And to think na galing siya sa likod ko?! Sinadya niya talagang banggain ako. Linya ko dapat 'yon.

Tumaas-baba ang dibdib ko sa labis na panggigil. Inis na sinundan ko ng tingin ang mga likod nilang papalayo. Yung lakad ni Shaun, napaka-chill, nakapamulsa pa siya habang sina Louie, Glen at Rob naman ay parang mga escort ng isang rackstar.

Hindi. Hindi ako papayag na ginaganito lang ako. "Hinayupak talaga," bulong ko sa sarili habang hinihimas ang kamao ko. Akala mo kung sinong hari ng hallway!

"HOY, SHAUN!" tawag ko sa kanya.

Walang lumingon. Ni anino nila, hindi huminto. Para silang mga bingi na pinanganak na walang lumingon-mode. Sa pangalawang pagkakataon, nilakasan ko na ang boses ko—yung tipong abot hanggang guidance office. Umalingawngaw iyon sa hallway kaya pati ang mga nag-aayos ng gamit sa lockers, napahinto.

"SHAUN JOSHUA SY! BINGI KA BA?"

Dahil sa panlulumo sa kawawa kong pudding na nasa sahig, dinampot ko ang kalahating parte ng chocolate pudding mula sa semento. Malagkit, madulas, pero puno ng emosyon. Gamit ang lahat ng lakas ng isang babaeng nawalan ng sugar intake, inihagis ko ito sa direksyon niya.

Splat!

Hindi siya natamaan sa likod, pero tumalsik ang pudding sa sapatos niyang puti na halatang mas mahal pa sa kinabukasan ko.

Huminto siya. 

"Sa ating dalawa, ikaw ang nakatingin sa daan. Ang laki-laki ng hallway, jusko! Pwede ka namang umiwas, 'di ba? Pwera na lang kung..." huminto ako at tinitigan siya nang nanghahamon, "...kung nagpapapansin ka?"

"Crush mo ba ako para magpapansin ka ng ganyan?!"

Boom. Nilabas ko na ang ultimate "Kapal-Muna-Bago-Dignidad" card ko. Nagbabakasali na kapag inasar ko siya, titigilan na niya ako dahil sa sobrang cringe.

Tumahimik ang paligid. Ramdam ko ang mga mata ng mga usyuserong estudyante, pati 'yong mga naka-video na sa gilid.

"A crush? On you?"

Dahan-dahan niyang hinagod ng tingin ang buong pagkatao ko—napaka-bagal, parang nagi-scan ng QR code na ayaw gumana. Mula sa sapatos kong may konting putik hanggang sa buhok kong parang dinaanan ng bagyo, walang pinalampas ang h@nyup.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon