KAHIT nakatutok sa kanya ang sandamakmak na baril, walang mababakas na takot sa mga mata ng babaeng nakatayo sa harap nila. Sa halip, puno ito ng poot at galit na tila nanggagaling sa pinakamalalim na hukay ng impyerno. Ang bawat titig niya kay Matteo ay parang matalim na balisong na humihiwa sa hangin.
"Naririndi na ako sa kasamaan mo, Matteo," sambit nito. Ang boses niya ay malamig, matigas, at puno ng awtoridad na nanggagaling sa isang taong wala nang balak pang mabuhay matapos ang gabing ito.
Napagtanto nilang isa itong babae dahil sa boses na narinig. Sino siya?
Sa sulok ng kwarto, tumitig si Xen sa mga mata ng hindi inaasahang panauhin. Pilit niyang kinalkal ang kanyang alaala—ang bawat mukhang nakasalubong niya, ang bawat estrangherong dumaan sa buhay niya. Sigurado siyang nakita na niya ang mga matang iyon! Ang talim ng tingin, ang kurap ng mga pilik-mata... pamilyar. Sobrang pamilyar.
Nagliwanag ang mukha ni Xen nang biglang bumalik sa alaala niya ang isang hapon sa mall kasama si Louie—AH!
SIYA nga. Ang babaeng nakabangga niya sa mall noong kasama niya si Louie. HOMAYGAD, hindi siya pwedeng magkamali. Mula sa talas ng mga mata nito hanggang sa bawat hibla ng kanyang kasuotan, siya talaga ang babaeng iyon! Anong ginagawa niya rito? At anong madilim na nakaraan ang nag-uugnay sa kanya kay Matteo?
"S-sino ka?" lakas-loob na tanong ni Matteo.
Ang kanyang boses, na dati'y parang kulog sa bagsik, ay naging isang hamak na pabulong na tanong. Titig na titig siya sa mga matang buong buhay niya'y hindi niya malilimutan—mga matang akala niya'y matagal na niyang nabaon sa ilalim ng lupa. Gusto niyang banggitin ang pangalan ng nasa isip niya, pero may parte sa utak niya na sumisigaw: HINDI SIYA ANG TAONG 'YAN! IMPOSIBLE!
"Sino ba ako sa tingin mo? Don't you remember me?" malamig na sagot ng babae habang nananatiling matatag ang pagkakatutok ng kanyang baril kina Matteo at Augusto. Walang panginginig sa kanyang mga kamay, tanging ang dalisay na pagnanasa para sa hustisya.
"H-hindi... Matagal na siyang patay. Imposibleng siya—" bulong ni Matteo sa likod ng kanyang maskara, unt-unting umaatras hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pader ng hotel suite.
"Cat got your tongue, Matteo?" malumanay pero mapanganib na sabi ng babae.
Humakbang ito palapit, ang bawat tunog ng kanyang sapatos sa sahig ay tila tunog ng hatol na kamatayan. Ang presensya niya ay sapat na para pigilan ang paghinga ng lahat ng tao sa loob ng kwarto.
"Sabi nila, hinihilom ng oras ang lahat pero mukhang hindi kinaya ng oras na pagalingin ka. Napakasama mo—mas lumala ka pa!" bulyaw nito, ang galit ay sa wakas ay sumabog na parang bulkang matagal na nanahimik.
"K-kung sino ka mang mapagpanggap na babae ka, hindi na ako natutuwa. Tigilan mo na ang kalokohan mo. Umuwi ka na sa inyo bago pa kita ipatadtad ng bala sa mga tauhan ko. Ayaw mo naman sigurong lumabas sa silid na 'to na isang malamig na bangkay, 'diba?" seryosong sabi ni Matteo, pilit na itinatago ang panginginig ng kanyang boses sa likod ng isang banta.
Napatawa nang mahina ang babae—isang tawang puno ng panunuya na tila humihiwa sa bawat hibla ng pagkatao ni Matteo.
"You've got to be kidding me, Matteo. Hindi ka talaga naniniwalang ako 'to? Saglit, tanggalin ko muna 'tong nakatakip sa mukha ko nang makita mo ang itsura ko."
Nakatutok pa rin kay Matteo ang baril gamit ang kanyang kaliwang kamay, matatag at hindi natitinag, habang hinay-hinay niyang tinatanggal ang tela sa mukha gamit ang kanang kamay.
Time seems to slow for Matteo while gazing intently at the woman in front of him. Sinusundan ng kanyang mga mata ang bawat galaw ng kamay nito. Ang bawat sentimetro ng telang nalalaglag ay tila isang pahina ng nakaraang pilit niyang sinunog ngunit muling nabubuhay sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
