82: THE XS PENDANT

642 38 8
                                        

So 'yon nga, lima ang pinaglamayan—charot! Pero kung pwede lang, gusto ko talaga silang sapilitan na ilagay sa kabaong at ilibing nang buhay ngayon din. Mga buset talaga! Walang comatose na naganap, at higit sa lahat... buhay na buhay si Shaun! Walanjo.

Masyadong planado ang lahat—at dahil sa punyeta nilang Prank of the Year, nagmukha akong tangang humahagulgol habang ang logic ko ay tuluyan nang na-comatose!

"Those idiots are lucky I haven't kicked them out of the room that time. But really, fruitcake... you actually thought I'd die that easily?" natatawang sabi ni Shaun.

Inilapit niya ang kutsara sa bibig ko. I chewed it aggressively, pilit iniisip na mukha nina Rob at Lex ang kinakain ko.

"Ayoko nang maalala. Buset 'yung mga 'yon! How did they even make it so convincing? Kung ako ang gumawa n'on, baka humahalakhak na ako sa simula pa lang," reklamo ko. Pero agad akong napangiwi paglunok ko. "Ba't ang tabang ng pagkain dito pati puro gulay? Bili ka nga ng pizza—ARAY!"

Pinitik niya ang noo ko. Hindi malakas, pero sapat para mapanguso ako. Hmf! Baka nakakalimutan niyang may sakit ako!

"This is for your own good, fruitcake. Stop acting like a bratty kid," seryoso pero may himig ng lambing na sabi niya.

"Bakit ba kasi 'yung healthy food, laging matabang, pero 'yung unhealthy, laging masarap?" reklamo ko pa rin habang pilit na nilulunok ang carrots na parang mapait na gamot.

"Eat up so you could grow tall," pang-aasar niya habang pinapanood ang bawat pag-ngiwi ko. Napataas ang kilay ko. Akala mo naman kung sinong matangkad—sabagay, matangkad nga siya.

"Ah, ganon." Inismiran ko siya sabay bawi ng kutsara at nilantakan ang yogurt. "'Wag mo 'kong kausapin, mapapadali ang buhay mo," banta ko sa kaniya bago isinubo ang isang malaking kutsara ng yogurt.

He chuckled, leaning back on his chair with that smug, heart-stopping smirk of his.

"Kung totoo ang logic mo na laging masarap ang unhealthy," humina ang boses niya, dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang init ng hininga niya,, "then I must be the unhealthiest healthy thing you'll ever taste, fruitcake. Dahil masarap naman ako, pero hindi ako masama sa kalusugan mo."

Nabilaukan ako sa yogurt. Literal.

"Ubo! Cough! Ano?!" nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya. "Ang kapal! Kapal ng mukha mo, Shaun Sy!"

"Bakit? May sinabi ba akong mali?" inosente niyang tanong pero ang mga mata niya, nangungutya sa kilig na pilit kong itinatago. "I'm good for your heart, 'di ba?"

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako nakapagsalita agad—hindi lang dahil sa banat niya, kundi dahil rin sa lenggwaheng ginamit niya.

"Teka... nag-Tagalog ka?" gulat kong tanong. "At bakit parang ang tuwid? Anong nakain mo bukod sa kape?"

"Bakit? Masama?" balik-tanong niya, bahagyang lumalayo pero ang mapang-asar na ngisi ay nandoon pa rin.

"Hindi naman, nakakapanibago lang. Bakit ka nagta-Tagalog? Buwan ng Wika ba?"

"Yeah. Why not?" maikli niyang sagot.

"Sira! Tapos na ang Buwan ng Wika, Shaun! August kaya 'yun, anong petsa na ngayon?" Inirapan ko siya habang pilit na ibinabalik ang wisyo ng puso ko. "Maka-Tagalog ka, wagas. Akala mo naman bagay sa'yo."

He chuckled and went back to his usual cool, English-speaking self, leaning back with his arms crossed.

"Well, I just figured I'd explain my 'deliciousness' in a language you'd understand perfectly so there's no room for misinterpretation," he said with a wink. "But fine, if you're done questioning my vocabulary, let's get back to your vegetables."

"Ang kapal talaga," bulong ko, pero hindi ko mapigilang mapangiti habang nilalantakan ang yogurt.

Habang busy ako sa paglamon, tumayo si Shaun at marahang inipitan ang buhok ko para hindi sagabal sa mukha ko. "Don't eat your hair."

Hindi ko pa rin siya pinansin. Kunwari ay galit pa rin ako, pero ang totoo, muntik na akong matunaw sa upuan ko. Natigilan lang ako nang may dinukot siya mula sa ilalim ng kama. My hands flew to my chest in shock nang makita ko ang bagay na kinuha niya.

"Oh my gosh!"

Halos mag-sparkle ang mga mata ko. Ibinigay niya sa akin ang isang 3ft tall na yellow uod ng Larva! "Ang laking uod! Kamukha siya nung anak ko—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may mapansin akong maliit na velvet box na ginawang pendant sa ribbon na nakatali sa leeg ng uod. Sinipat ko ito at dahan-dahang tinanggal.

"Charot, may pa-box si mayor. Ano 'to?" tanong ko, pilit itinatago ang excitement. Bago pa siya makasagot, binuksan ko na ito.

My breath hitched. It was a dazzling heart necklace. Isang gold-plated pendant na may maliit na diamond sa gitna—simple, elegante, at mukhang napakamahal. Pagbaligtad ko sa likod niyon, may naka-engrave na dalawang letra: "XS".

"Alam kong hindi ako katangkaran pero as in, XS talaga? Extra Small? Kailangan talagang i-broadcast 'yung size ko?" reklamo ko habang nakatingala sa kaniya.

Napapikit si Shaun at pinanliitan ako ng mata, 'yung itsura na tila hindi niya alam kung paano ako naging girlfriend sa sobrang bagal ng logic ko.

"That's our initials, stupid," seryoso pero may kasamang ngiti niyang sabi. Inagaw niya ang kwintas mula sa kamay ko at dahan-dahang lumapit sa likuran ko.

Natawa ako sa sarili ko. Buset. Xenica-Shaun pala. Malay ko ba! Akala ko talaga pati sa alahas, nambu-bully siya ng height ko.

Naramdaman ko ang malamig na metal sa balat ko habang isinusuot niya iyon. His fingers grazed the back of my neck, making the small hairs stand up. He leaned in, his chin resting lightly on my shoulder.

"Looks good on you, hon."

Napangisi ako. Gosh. Kinilig ang lola niyo sa HON! Parang biglang nawala lahat ng pait ng kinain kong carrots kanina at napalitan ng asukal ang buong paligid. Hinawakan ko ang pendant at dahan-dahang humarap sa kaniya. Nagtama ang mga paningin namin—'yung tingin niyang malalim at tila ako lang ang nakikita niya sa buong mundo.

"Galing mo pumili, ang ganda," bulong ko, halos mawalan na ng boses sa sobrang kilig.

Mabilis siyang nakalapit sa mukha ko. Bago pa ako makapag-react, naramdaman ko ang maiinit niyang labi na dahan-dahang dumampi sa pisngi ko. Hindi mabilis, kundi isang matagal at damang-damang halik.

"Happy Monthsary, fruitcake."

-------

Discharge day ko na at last! After three days of staying in the hospital, finally, makakalaya na ako. Atat na rin si Shaun na ilabas ako bago pa ako i-prank ng mga anemel gamit ang nurse set.

Tinutulungan ako nina Lex at Nisha na ayusin ang mga gamit ko. Pero deep inside, hindi ko pa rin sila pinapatawad sa "Dead na Dead" prank nila. Pasalamat sila, masaya ako dahil makakauwi na ako.

Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. It was an unknown number at hindi ito number sa Pinas. Nagtataka man, sinagot ko ito.

"Hello?" inipit ko ang cellphone ko sa balikat at ulo habang pinagpapatuloy ko ang pagtutupi ng damit ko.

Nang magsalita ang nasa kabilang linya, natigilan ako sa ginagawa. Nanlamig ang buong katawan ko. Nabitawan ko ang hawak kong t-shirt. Ang boses na 'yon... ang boses niya.

Pano niya nalaman number ko? At bakit ngayon lang siya nagparamdam?

----

A/N: Wala tayong Shaun. SAKLAP. AHHA

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon