"Have you seen my phone?" Malamig ang boses ni Shaun, sapat na para mapatigil ang pastry chef sa pag-aayos ng cake. Ang chef, na ramdam ang kakaibang aura ng kaniyang boss, ay tipid lang na umiling. "Hindi ko napansin, boss," sagot nito bago mabilis na ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Kuno't-noong kinapa ni Shaun ang kaniyang bulsa. Wala. Inilibot niya ang matalim na paningin sa buong kusina. Hindi siya pwedeng magkamali; doon niya lang iyon inilapag sa tabi ng cake kanina.
"Kyla," tawag niya sa kapatid na nasa counter. "Let me borrow your phone." Agad iniabot ni Kyla ang cellphone. Tinawagan ni Shaun ang sariling numero, ngunit busy tone lang ang bumungad sa kaniya. Inulit niya ito—ganoon pa rin. Sumunod niyang dinial ang numero ni Xenica, pero laking gulat niya nang malamang busy rin ang linya ng nobya. Isang malakas na pintig sa sentido ang naramdaman ni Shaun. Something is definitely wrong.
Hindi siya naniniwala sa aksidente. Mabilis siyang tumungo sa control room at nirewind ang footage ng CCTV. Doon, nakita niya ang mabilis at mapangahas na kamay ni Angel na humablot sa cellphone niya. Ang kaniyang panga ay nag-igting, ang kaniyang mga kamao ay unti-unting nanggagalaiti sa gilid. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon; mabilis siyang lumabas ng silid, ang bawat hakbang ay mabigat at puno ng banta.
Eksaktong bumukas ang pinto ng café. Isang lalaking naka-black hoodie, black cap, at black mask ang pumasok. Sa gitna ng kaniyang galit, saglit na dumapo ang tingin ni Shaun dito. So, he is in town, sa isip niya. Pero wala siyang pakialam. Mas malaki ang problemang kailangan niyang ayusin sa labas.
Sa counter, natigilan si Kyla. "Bonjour—"
Ang boses na iyon. Halos lumabas ang mga mata ni Kyla. Kinusot pa niya ang kaniyang paningin, umaasang hindi ito isang ilusyon dala ng pagod. Ang lalaking nasa harap niya, kahit balot ng itim, ay may mga matang kilalang-kilala niya. Nanlambot ang kaniyang mga tuhod.
"C-Can I take your order?" nauutal na tanong ni Kyla. Ang idolo niyang si Kei ay nasa harap niya mismo.
Samantala, lumabas na si Shaun sa parking lot. At doon, sa ilalim ng nagbabadyang dilim ng hapon, nakasandal si Angel sa kaniyang puting 2021 Porsche Taycan—nakangisi, tila ba isang reyna na naghihintay ng kaniyang alipin.
"What took you so long, baby?" mapang-akit na tanong ni Angel.
Walang pasubali na lumapit si Shaun. Walang emosyon ang kaniyang mukha, pero ang kaniyang mga mata ay tila nagniningas na uling sa galit. Inilahad niya ang kaniyang palad. "Give me my phone," utos niya. Ang boses niya ay mababa, galing sa lalamunan, at puno ng panganib.
Sa halip na matakot, mas lalong lumawak ang ngiti ni Angel. Pinalakad niya ang kaniyang mga daliri sa palad ni Shaun, isang malinaw na provokasyon. "Does this tickle you still?" Mabilis na sinunggaban ni Shaun ang pulso ni Angel at itinulak ito palayo. "I don't have time for your nonsense, Angel. The phone. Now."
Dahil may katangkaran si Angel, madali niyang naabot ang buhok ni Shaun. Mapangahas niyang isinuklay ang kaniyang mga daliri sa mga hibla nito habang ang kaniyang boses ay tila haplos ng seda. "Why would you wear your hair like that? Your hair looks sexy when pushed—"
"Stop while I'm being nice," putol ni Shaun, ang boses ay mababa at puno ng babala.
Pero pinalusot lang ni Angel ang banta sa kabilang tainga. Mas lalo siyang lumapit, halos maamoy na ni Shaun ang kaniyang pabango. "I can be your sunny sunshine again, baby. I'll brighten up your day."
Pinagmasdan ni Shaun ang kaniyang ex-girlfriend. Walang paghanga, walang pangungulila—tanging matinding pandidiri ang rehistrado sa kaniyang mga mata. "Do you really want to become my sun again?" tanong niya na tila nagbigay ng pag-asa kay Angel.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
