Imbes na nagre-relax lang ako sa kwarto ngayong weekend, heto ako sa labas—literal na nakikipagsapalaran sa ilalim ng tirik na araw. Naghahanap ako ng trabaho para mabayaran ang cellphone ni Shaun the hinayups.
Gusto ko sanang isumbat sa kanya 'yung pinambayad ko sa taxi noong araw na iniwan niya ako sa airport. Para naman kahit paano, mabawasan 'yung tumatagingting na otsenta mil na 'yon! Alam ko namang barya lang 'yun para sa kanya, pero gaya ng sabi nila, every barya counts! Pero kahit pa i-calculate ko 'yung pamasahe ko, parang kagat lang ng langgam ang bawas sa laki ng utang ko.
Help me, Lord!
Bagsak-balikat akong nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang takbo ng buhay ko. Dinaig pa ng cliché Wattpad story ang sitwasyon ko—'yung tipong kapag may kasalanan ka sa bida, automatic na gagawin kang alila. Buset!
"ONE TASK IS EQUALS TO ONE PESO."
'Yan ang exact words mula sa bibig niya. Sa bawat utos, isang pisong bawas LANG sa 80k. Kumusta naman po 'yon?! Hindi ako magaling sa Math, pero sa calculation ko, kung oras-oras niya akong uutusan, aabot ng nine years ang pagiging julalay ko sa kanya. Siyam! As in nine freaking years with that jerk? NO WAY! Natuwa na sana ako kasi gwapo, hot, at yummy ang na-prank ko, kaso isa pala siya sa matibay na ebidensya ng kasabihang Nobody's Perfect. Kahapon, masyado niyang inenjoy ang unang araw ko bilang alila niya. Benteng nakakapagod na utos! Nabawasan nga ng bente pesos, pero para sa akin, hindi worth one peso ang bawat takbo ko. Nakakainis talaga! Kaya ngayon, desidido na akong maghanap ng trabaho para may maipambayad na ako sa walang-pusong h1nayupak na 'yon.
Walang discount. Walang compassion. 80k talaga ang gusto!
Bente. Bawas na ng bente pesos ang utang ko.
80,000 - 20 = 79,980php
Kunti nalang. Kunti nalang talaga at mababaliw na ako kung saan ako kukuha ng gano'n kalaking halaga. Jesus-Mary-Joseph, pahiram ng savings niyo!
----
Hindi man ako pinahiram ng savings ng mga taga-langit, dininig naman ni Lord ang dasal ko. Sa wakas, natanggap ako bilang part-time barista sa isang café rito sa mall!
"Pwede ka na ba magsimula today? Short kasi kami sa tao," tanong ng gwapong manager na mas lalong nagpaliwanag sa madilim kong mundo.
Agad akong tumango nang walang pagdadalawang-isip. "Ay, walang problema, sir! Kahit ngayon na, keri ko!" masigla kong sagot habang pigil na pigil ang pagtili.
Sumilay sa mga labi niya ang isang matamis at nakakalambot-tuhod na ngiti. Lord, salamat! Kung ganito kagwapo ang makikita ko araw-araw, baka ma-motivate akong maging "Barista of the Year."
"Nice! I like your energy, sissy! Gora ka na do'n sa locker area, nandoon ang uniform mo. Taralets!" Masigla niyang sabi sabay palakpak ng tatlong beses at mabilis na tumalikod.
Natapilok ako sa kinatatayuan ko habang tulala. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko—mula sa pagkembot niya hanggang sa pananalita niya... Confirm! Sister siya!
Sayang naman. Bakit kadalasan sakanila mga gwapo?! Natigilan ako ng maisip ang h1nayupak.
Bigla akong natigilan nang pumasok sa isip ko si Shaun. Pumapatol at nangaaway ng babae ang h1nayupak na 'yon... hindi kaya, member din siya ng LGBTQ?! Iniling-iling ko ang ulo ko para burahin ang naisip. Jusmio, 'wag naman—charot! And speaking of the devil, nasipat ng mga mata-lawin ko ang pamilyar na likod ng isang anghel—este, hudas. Kasama niya ang mga alipores niya na parang mga model na naligaw sa mall. Ano namang ginagawa ng mga 'to rito? Dito pa talaga nila naisipang mag-liwaliw sa dami ng mall sa Pilipinas?
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
