29: Chaos!

2.6K 139 29
                                        

HINDI ko talaga inakala na ang tinutukoy nilang sikat na teenage star na Kei, at ang childhood best friend kong si Cytot ay iisa. I mean, paano?!

Malay ko ba! Noong huli kaming magkita, ang tanging "star" lang sa kanya ay 'yung sticker na nakukuha niya sa school dahil sa pagiging bibo. May itsura naman talaga si Cy noon kahit medyo chubby siya, pero hindi ko inakalang may iga-gwapo pa ang isang 'yon hanggang sa level na pagkakaguluhan na siya ng buong Armani High!

Glow-up of the century? O baka naman uminom siya ng fountain of youth at nag-gym nang 24/7? Hindi makatarungan!

Kanina pa ako kinukulit nina Nisha at Lexie na magkwento kung paano kami naging magkaibigan ni Cy. "Sana all" pa sila nang "sana all," kesyo ang swerte ko raw dahil may kaibigan akong artista na pwedeng mahingan ng backstage pass. Atat na atat din silang malaman kung kailan daw kami muling magkikita dahil—surprise, surprise—sasama raw sila.

Excuse me?! Gagawin niyo pa akong tulay, ah! Napakakulit! Kaya ayun, tinakbuhan ko sila. Hehehe! Mas gusto ko pang mapagod sa pagtakbo kaysa maubos ang laway ko sa kaka-explain tungkol kay Cytot.

Dinala ako ng mga paa ko sa parte ng Armani kung saan nakapwesto ang mga rides—carousel, Ferris wheel, at ang mini-roller coaster. Gusto ko sanang sumakay sa Ferris wheel at carousel para mag-feeling main character sa isang indie film, kaso sobrang haba naman ng linya. Mukhang bago ako makasakay, tapos na ang Foundation Day.

Napa-ismid ako nang mapansin ang isang mag-jowa na nagsusubuan ng cotton candy sa harapan ko. Kulang na lang ay maging langgam sila sa sobrang tamis.

Respeto naman!

Bumili na lang din ako ng sarili kong cotton candy para naman mabawasan ang pagka-bitter ko sa mundo. Kung sila may love life, ako may asukal. Tabla-tabla lang.

Habang nilalantakan ko ang kulay pink na bulak, may dalawang lalaking biglang tumawag sa akin. "Strawberry!" tawag nila.

Napakunot ang noo ko. Strawberry? Hello? Hindi ko naman kamukha ang prutas na 'yon, 'no! Mukha ba akong may butlig-butlig sa mukha? At lalong hindi naman ako kulay pula. Pinagsasabi ng mga 'to? Nilampasan ko lang sila at ipinagpatuloy ang pag-walkathon habang ngumunguya.

"Sigurado ka bang siya 'yon?" narinig kong bulong nung isa sa likod ko.

"Siya nga 'yon! Kilala ko 'yan. Si Miss Strawberry nga 'yan," sagot naman nung kasama niya.

Napahinto ako. Sandali lang. Parang pamilyar ang mga mukha nila... at pati na rin ang bansag na "Strawberry." Saan ko nga ba sila nakita? Parang may kung anong alarm bell na tumunog sa utak ko.

Hindi pa ako nakakalingon nang maayos nang mapapitlag ako dahil nasa likod ko na pala sila—as in, nakabuntot na sa akin!

"Miss, pasensya na, ha! Kailangan lang talaga naming manalo!" sabi nung isa na tila humihingi pa ng paumanhin bago gumawa ng move.

Anong manalo?! Ano 'to, Squid Game?!

Bago pa ako makatakbo o makahingi ng saklolo, bigla silang kumilos.

"Pahiram muna kami ng oras mo, miss!" dagdag naman ng kasama nito habang hinahawakan ako sa braso.

"PINAGSASABI NIYO?! HINDI KO KAYO KILALA—MGA KIDNAPPER BA KAYO?!" sigaw ko habang pilit na kumakawala. Sa liit kong 'to, baka ibenta lang nila ako sa palengke bilang display!

"Bilis mo naman makalimot. Myembro kami ng Wild Lions," pakilala ng isa sa kanila.

Ay. Kaya pala pamilyar ang mga pagmumukha nila. Sila 'yung mga kabanda at kasamahan nina Shaun sa varsity. Pero kahit na! Hindi 'yun lisensya para kaladkarin ako sa gitna ng Foundation Day!

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon