Trenta minutos na ang lumipas simula nang ikulong ako ng kung sino dito sa lumang chemistry lab. May mga tao pa rin naman sa building na 'to kaso may assembly sa gym kaya wala akong nakikitang kahit isang estudyante na pwede kong paghingan ng tulong!
Napamura na lang ako nang mahina dahil nagsisimula na akong pagpawisan. Isa lang ang pag-asa ko para makalabas dito—ang tumalon sa bintana. Pero jusmio, nasa second floor ako. Mabubuhay nga ako, pero isang maling bagsak ko lang, siguradong mababalian ako ng buto.
Napabuntong-hininga na lang ako at naupo. Ayokong maging baldado kaya maghihintay na lang ako na may dumaan. Sana naman napansin na ng mga hinayupak at mga baliw na wala pa ako roon.
Pinagalitan ko ang sarili ko sa isip. I should have trusted my instincts. Bakit kailangan ng pink sticky note kung pwede naman niya akong i-text? Buset one million times!
Baka romantic chuchu niya 'yon! sabi ng kabilang bahagi ng utak ko. Bakit naman siya gagamit ng pink? Alam niyang yellow ang gusto ko! sagot ko naman.
Sino ba kasi ang animal na may pakana nito?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong babae. Hindi nakaayos ang mga uniform nila—maluwag ang necktie nung isa at nakasneakers pa silang lahat. Halatang parating napapaaway base sa mga peklat sa mukha nila; 'yung isa, may sariwang pasa pa. Delinquents.
"Lock the door," utos nung matangkad na babae na nakahalukipkip ang braso habang dahan-dahang lumalapit sa akin. Sinunod naman ng mga alipores niya ang utos.
Oh-uh. They smell like trouble. I swallowed hard as my survival instincts kicked in.
"It's good to see you again, Miss Montel," dagdag niyang bati sa akin.
Napangiwi ako nang idura niya ang bubble gum na kinakain niya at madiin itong inapakan sa harap ko. Nagsukatan kami ng tingin habang lumalapit at tumatabi sa kaniya ang dalawa niyang alipores. Napakunot-noo ako, pilit na inaalala kung saan ko ba nakita ang mga mukhang 'to.
Bigla akong napatakip ng bibig nang mag-process ang memory ko. Bahagya akong natawa—isang reaksyong kitang-kitang hindi nila nagustuhan.
"Sige! Tumawa ka lang. Kami na ang bahalang magbura ng mga ngiting 'yan. Sisiguraduhin naming hindi ka na makakatawa nang ganyan ulit!" asik nung isa.
"A-ang KJ naman. Natawa lang ako sa naalala ko. Hindi kayo ang tinatawanan ko," pagsisinungaling ko.
Sila 'yung mga estudyanteng nahuli kong nag-iinom sa likod ng grandstand last week. Hindi ko naman sinasadyang makarating sa nakakataas ang nangyaring 'yon, pero dahil sinundan pala ako ni Pres Ryu dahil may sadya siya sa akin—ayon, huli ang mga ate mo. One week suspension ang parusa sa kanila. Bago sila umuwi noong araw na 'yon, naghabulan pa kami sa school dahil ako ang sinisi nila. Napadpad kami sa agricultural part ng campus at sa kasamaang palad... nahulog sila sa pit na puno ng fertilizers. Pasintabi sa mga kumakain, pero literal na puro tae ang bumalot sa kanila. Ha-ha.
Napaigtad ako nang biglang ihampas nung isa ang baseball bat sa lamesa. BLAG! Kahit tumatawa ako sa harap nila, deep inside ay naiiyak na ako. Anong laban ko sa tatlong basagulerang 'to?
"Wow, nice bat. M-maglalaro ba tayo ng softball?"
Nagsitawanan sila saglit bago muling sumeryoso ang mga mukha. "Oo. At ikaw ang gagawin naming bola."
Sa isang iglap, kinwelyohan ako nung matangkad na babae. Naangat ako nang kaunti sa sahig dahil, pakshet, ang liit ko nga pala kumpara sa kaniya.
Itinulak niya ako nang malakas sa isang cabinet at sinenyasan ang kasama niya na hampasin ako. Nanlaki ang mata ko nang bumwelo na ang babae—mabuti na lang at mabilis akong nakayuko kaya hangin lang ang nahagip ng bat!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Novela JuvenilWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
