33: Caught Between Shaun and Disaster

2.6K 125 33
                                        

Tila musika sa pandinig ko ang boses niya kapag tinatawag niya ang pangalan ko. Gusto kong kiligin dahil ngayon ko lang siya ulit narinig na binigkas 'yon nang ganoon kaseryoso.

"Xenica, wake up! Stay with me!"

Kyaaah—huhu! Pero ayokong kiligin ngayon! Nasa gitna ako ng isang freakin' embarrassing situation, at para akong timang sa pinaggagawa ko. Hanggang kailan ba ako magpapanggap na bangkay dito? Kailan ba siya aalis para makapag-fly away na ako patakas?

Mukhang wala siyang balak iwan ang "bangkay" ko. Agad akong nakaisip ng ideya. Idinilat ko ang mga mata ko at biglang umupo na parang bumangon sa kabaong.

"You're alive!" gulat niyang sambit.

"Alive na alive. Okay na ako. Iwanan mo na ako rito. P—Pwede ka nang umalis. Shoo!" pinagpapawisan ng malamig na pagtataboy ko sa kanya.

"You collapsed. You're bleeding. How's that okay?!" Inakmang kargahin niya ulit ako—bridal style. No way! 'Yung tagos, baka maging fingerprint niya sa braso!

Mabilis akong napaatras. "WAG NA WAG MO 'YANG GAGAWIN! HUSTISYA!"

Sa gulat niya, naitaas niya ang dalawa niyang kamay na animo'y hinoldap ko siya. "Does it hurt that much?" tanong niya, ang boses ay puno ng kaba na hindi niya maitago.

Tumango na lang ako para matapos na. Buset na 'yan. Hindi ko maimagine kung dumikit 'yong dugo sa puting polo niya kanina. Isang milyong shutaness talaga 'tong buhay na 'to!

"Okay. Calm down. I'll call for help—don't you dare pass out on me."

Natuwa ako sa narinig sa pag-aakalang aalis na siya para manghingi ng tulong. Yes! Lord, thank you! Makaka-grand exit na ako, tatakbo na ako pauwi kahit paika-ika! Pero hindi ganoon ang nangyari.

Laglag-balikat ko siyang pinagmasdan habang kalmado lang siyang nakatayo at nagse-cellphone sa harap ko.

"D—Diba manghihingi ka ng tulong? Ano pang hinihintay mo? Takbo na, bilis!" bugaw ko sa kanya.

"I'm waiting for help," sagot niya naman nang hindi man lang nag-aangat ng tingin. "I called for help already. Don't worry, they're on their way."

Nawalan ng lakas ang mga braso ko na nakatuko sa lupa. Seryoso ba siya?! Wala na talagang pag-asa na umalis ang isang 'to. Paano na 'to? Parang gusto ko na lang talagang maubusan ng dugo at mawalan ng malay this instant para hindi ko na maabutan ang susunod na mangyayari!

Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong wangwang mula sa di-kalayuan. papalapit nang papalapit. Hindi ako pwedeng magkamali.

AMBULANSYA 'YON!

"T—Tumawag ka—bakit ka tumawag ng ambulansya?! Hutang'na. Bakiiiit?!" tarantang sigaw ko.

Halos mag-hysterical na ako. This has all gone wrong! Sa talino ng isang Shaun Joshua Sy, bakit hindi niya naisip na baka "natural disaster" lang ito ng mga babae?! Pagtatawanan talaga ako ng mga paramedics kapag nalaman nila ang totoo. Imagine the headline: "Babaeng nakasuot ng gown, isinugod sa ospital dahil sa tagos." Walanjo!

"Hey. Hey. Calm down. I did what was necessary—"

"Che! 'Wag mo 'kong kausapin! Buset!" bulyaw ko sa kanya habang pilit na tinatakpan ang likuran ko.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, yung tipong akala mo ay may binabantayan siyang pasyenteng malapit nang malagutan ng hininga. Kung alam mo lang, Shaun, yung dangal ko ang malapit nang malagutan ng hininga dito!

Pinilit kong tumayo kahit parang pinupukpok ng maso ang paa ko. Aalalayan niya sana ako pero agad akong nag-iwas. "D'yan ka lang! 'Wag kang lalapit!"

Para akong nakikipag-gyera sa sarili ko habang hinuhubad ang gown. Mabilis ko itong inilukot na parang basahan para itago ang malaking tagos. Mabuti na lang talaga at naka-itim na jeans ako sa loob. Pero sino bang niloloko ko? Kahit pa anong kulay ng suot ko, hindi na mababago ang katotohanan na nakita na ni Shaun ang "crime scene."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon