65: THE TO-DO LIST & THE STUBBORN TENANT

815 49 1
                                        

Hindi ko pa rin talaga lubos maisip na boyfriend ko na ang isang Shaun Joshua Sy. Sino ba kasing mag-aakalang matatamaan ang Ice King na 'to sa akin? Hindi naman ako panget, pero hindi rin naman ako yung tipong "stunning" na nakaka-head turn. Put it this way: if he's a 10/10, then I'm a solid 7. Charisma talaga ang pumatay sa mga magaganda! Charot!

Pero bilang isang first-timer sa mundo ng commitment, hindi ko maiwasang kabahan. Minsan, feeling ko Achievement Unlocked lang ang peg, pero deep down, natatakot din ako. Isang malaking pagbabago 'to sa buhay ko. Minsan tuloy, sumasagi sa isip ko kung tama ba 'tong pinapasok ko, o kung dapat ba akong mag-back out...

Kaso, lahat ng worries ko, naglalaho na parang bula kapag kasama ko na siya. Sabayan pa ng kalandian ng hinayupak—huhu, I kennat!

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatitig sa screen ng laptop. Nangingiti ako mag-isa habang nag-fla-flashback ang mga banat niya. Gosh! Yung puso ko, parang nag-zo-Zumba sa kilig.

Napakagat ako sa labi at mabilis na itinuloy ang pagta-type. Nang matapos ko na ang task ko, isinara ko na ang laptop at nag-unat. Mabilis kong dinampot ang cellphone ko at tumalon sa kama, halos mag-dive na ako makuha lang ang phone bago basahin ang message niya.

📲Shaun: Are you still awake? 

📲Me: Ikaw, matutulog ka na? 

📲Shaun: Yes.

Napasimangot ako sa reply niya. Kung gaano siya kalandi sa personal, kabaligtaran naman sa chat! Parang nakikipag-usap lang ako sa customer service, ah?

📲Me: Ahh.

Inis kong isinuksok ang cellphone ko sa ilalim ng unan at napa-ismid. Matutulog na nga lang ako—ay, joke lang. Kinuha ko ulit ang phone ko. Aawayin ko na lang siya para may thrill.

📲Me: Tamad mo talaga mag-chat! 🙄

"Tch, wala man lang emoji or heart! Napaka-kuripot sa characters!" reklamo ko habang kinakagat-kagat ang dulo ng kumot ko sa inis.

📲Shaun: I'm busy.

Bigla akong naalerto. Kung ano-ano nang scenario ang pumasok sa isip ko—ano'ng busy?! Baka busy siya sa ibang ka-chat?! Baka may bumalik na ex?! Aawayin ko na sana siya nang mag-vibrate ulit ang phone ko.

📲Shaun: I'm so busy thinking of you.

Literal na nangisay ako sa kama! Jusmio! Nagpigil ako ng tili dahil baka isipin ng kapitbahay na kinakatay na ako sa loob. Kagat-labing nag-reply ako sa kaniya, pa-hard to get effect muna.

📲Me: Weh! Weh! WehDiNga! 🤪 

📲Shaun: Are your parents aliens? 

📲Me: Ha? Bakit, hindi mo ba naintindihan 'yung WehDiNga? 

📲Shaun: Nope. Because there's nothing else like you on Earth. 😘👽


In loving memory of Xenica with an X Montel Time of Death: 11:45 PM

Cause of Death: Cardiac arrest dahil sa kilig at aksidenteng pagkakahulog mula sa kama.

📲Me: Hmp! Di ako kinilig! 😤

Nakabungisngis akong nagta-type ng reply nang bigla siyang mag-Video Call! Dahil sa sobrang taranta, aksidenteng napindot ng daliri ko ang answer button.

SH*T! Ang una niyang nakita sa screen? Ang mukha kong mukhang timang na halos mapunit ang labi sa kaka-ngisi.

"Di daw kinilig," bungad niya sa screen. Yung boses niya, medyo paos na ewan.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon