Natagusan ay okay lang, pero ang maiwan ang pinaghubaran sa bahay ni crush ay hinding-hindi okay! Gusto ko sanang habulin ang GT-R noong gabing iyon, kaso wala naman akong mala-kabayong bilis para maabutan ang sasakyang iyon. Sinulit ko na lang ang kahihiyan ko at chinat si Shaun bago pa siya makauwi at makita ang "ebidensya" sa laundry basket niya.
Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa isang iyon. Nakakahiya! Akala ko pagtatawanan niya ako, pero sa halip, he just casually assured me na siya na ang bahala.
Sabi ko sa kanya, 'wag na 'wag niyang gagalawin ang laman ng paper bag at itapon na lang agad. Sana naman sinunod ng hinayupak. Shuta ka, Xen! Tanga-tanga mo kasi, bheee!
Days have passed, Lunes na agad. Hindi ko alam kung paano haharapin si Shaun matapos ang lahat ng drama at kahihiyang naipakita ko sa kanya. Papansinin ko ba siya today? O magmamaang-maangan na lang ako?
Pero pagdating ko sa school... wow. Mukhang hindi ko na kailangang mamroblema.
Ang hinayupak, may topak yata ngayong araw. Hindi niya ako pinapansin mula pa kaninang umaga. Maayos naman ang huling convo namin sa chat, pero pagdating dito sa Armani, para kaming hindi magkakilala. Isang beses niya lang ako sinulyapan—at 'yung tingin na 'yon? Singlamig ng aircon sa GT-R niya.
Ano'ng problema niya?! Sanay naman ako na suplado siya, pero matapos ang nangyari noong Friday—'yung asaran, 'yung pagkain, 'yung kanta—akala ko close na kami. Akala ko may progress na.
E, 'di i-uncrush kita d'yan! Akala mo wala akong spare?!—charot lang.
Nasa canteen ako ngayon, kumakain ng lunch kasama sina Nisha, Lex, Rob, Louie, at Glen. Pinag-aagawan namin ang mga chocolates at pastries na bigay ng admirers nina Glen at Louie. Saya nito, libreng chibog!
Mas dumami ang fans nina Glen at Louie simula noong naging "monsters" sila sa haunted house. May mga gusto ring magbigay kay Rob, kaso hindi nila magawa dahil may tigreng bantay-sarado sa tabi niya na nangangalmot ang pangalan—si Lex. Warw.
May mga nagbigay rin kay Shaun pero hindi namin ginalaw. Wala siya rito. Kasama namin siya kanina pero umalis bigla noong makatanggap ng tawag. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, pero parang international call dahil ibang lenggwahe ang gamit niya. At doon ko nalaman na marunong palang mag-French ang hinayupak.
Super cool na nga, gwapo, matalino, hot, at matangkad... tapos marunong pa mag-French? Marunong din kaya siyang mag-French kiss?
Mukbang muna bago landi, Xen!
Napakaperfect niya. Nakakaproud na sana, kaso nakakapanlumo rin dahil napakarami kong karibal. Kagaya na lang ng babaeng parang model ng toothpaste na lumapit sa amin ngayon. Sobrang ganda ng ngiti at ngipin niya. May dala siyang box ng mamahaling chocolate.
"Hi! Si Shaun?" masiglang tanong niya.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa habang ngumunguya ng sandwich. Mukhang para kay Shaun ang dala niya.
Karibal Alert!
Sikat siya sa campus. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Cherry dito sa Armani? She has the beauty and the brains. Napakahinhin at napaka-friendly niya kaya binansagan siyang Campus Sweetheart.
Minsan na niyang nilapitan si Shaun, at kahit nasampolan na siya ng pagka-suplado ng hinayupak, bilib ako sa isang 'to—go pa rin! Pero seryoso, paano kung biglang sapian ng kabaitan si Shaun at patulan ang isang 'to? Ano namang laban ko? Patatas lang naman ako dito sa Armani na nagkataong "manageable" ang height para kay Shaun.
"Cherry-fruity-baby, para sa akin ba 'yan?" hirit ni Louie habang pilit na nagpapa-cute. Sige, Louie, harutin mo lang nang malihis ang landas niyan!
"Nope. This is for Shaunee," sagot naman ni Cherry.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
