53: Lollipop

839 46 9
                                        

Gigil na gigil pa rin ako kapag naaalala ko yung sagupaan namin ni Cherry Bomb sa mall noong Saturday! At yung bracelet na binigay ni Kyla... 35k lang pala?! Lang?! Halos himatayin ako sa presyo, pero mas hinigpitan ko ang yakap sa unan kong suot-suot ang hoodie ni Shaun.

Amoy na amoy ko pa rin siya. Ang tanging stress reliever ko sa mundong punong-puno ng mga "prutas."

Siyempre, hindi ko mapigilang mag-space out. Naaalala ko na naman yung mukha niya sa isip ko. Those eyes? Parang na-hack ang system ng puso ko. Kennat talaga, hinayupak. Lalo na yung sinabi niya... "I care about you." Grabe, yung puso ko, nag-ja-jump rope na sa loob ng dibdib ko sa tuwa.

Kahit na napaka-labo niya! May nalalaman pa siyang "I hate cats" pero kung makakarga naman kay Miming habang kausap yung French national na may-ari nito, akala mo talaga sa kanya yung pusa. Nag-nosebleed pa ako habang nakikinig sa kanila. Ang galing niyang mag-French, bwisit. Kung nakaka-inlove ang English niya, mas lalo na ang French!

Bonjour, mon amour! Charot!

Hindi naman tuluyang nasira ang Saturday ko kahit hindi ko natapos yung movie ni Cy. Basta huwag lang talagang magpapakita sa akin ang prutas na 'yon sa school. Nag-iinit pa rin ang dugo ko sa kanya.

Nakangiti akong pumasok ng school nitong Monday. Wala lang. May excited lang makita! Pero agad ring nawala ang gana ko, kasabay ng paghinto ng jump rope ng puso ko, nang makita ko sila.

Sina Shaun at Cherry. Nag-uusap sa hindi kalayuan.

Shaun was leaning against the corridor wall, his hands deep in his pockets. He wasn't smiling. He wasn't even looking at her directly. He just stood there, listening with that signature unreadable expression—cold, calculated, and distant.

Pero si Cherry? Todo dikit. Todo pacute. Akala mo hindi nabagok ang ulo noong Sabado.

Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng mukha ko. Ang kaninang "mon amour" na nasa isip ko, napalitan agad ng "mon bwisit."

Tila nagsipasok ang lahat ng negatibong enerhiya sa katawan ko. Binitawan ko ang bag ko at dumampot ng bato sa daan. Parang batang inaway, ibinato ko iyon sa direksyon nila kahit alam ko namang hindi aabot.

Napaismid ako. Puntahan ko kaya para sure na matamaan? Ang landi ni prutas, nakakagigil!

"Kawawa naman 'yong bato," natatawang sabi ni Ryu na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"Mas kawawa ang puso ko," mahina kong bulong habang nanlulumong nakatingin sa dalawa. Hindi pa rin sila tapos mag-usap. O mas tamang sabihin na hindi pa rin tapos si Cherry sa pagdakdak habang si Shaun ay nakasandal lang sa pader, walang emosyong nakatingin sa kung saan.

Biglang humarang si Ryu sa harapan ko para harangan ang view ko. Inabutan niya ako ng... LOLLIPOP!

Napangiti ako kahit papaano. Happiness is receiving tiny gifts on an ordinary day, lalo na kung galing sa isang Pres. "Hala. Thank you!" Excited ko itong tinanggap at hinalikan pa ang balat ng lollipop bago isinubo.

"Cute," mahina niyang sabi.

"Ha?" Nagtataka kong tanong. Tuwang-tuwa yata sa akin si Ryu ngayong umaga. Hindi ko kasi narinig ang sinabi niya dahil masyado akong busy sa lolipop na bigay niya.

Imbes na sumagot, ginulo niya ang buhok ko—iyung buhok na halos 30 minutes kong inayos sa harap ng salamin! Sinamaan ko ng tingin si Pres sabay tanggal ng kamay niya.

"Sinira mo hairdo ko!" medyo naiirita at naiiyak kong sabi.

"By the way, cleared na ang records ng kaibigan mo. 'Wag ka na mag-alala."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon