LIHAM PASASALAMAT!

549 37 32
                                        

AUTHOR'S FINAL NOTE

WOAH! Hindi ko akalaing darating ako sa point ng buhay ko na makakapagsulat ako ng isang nakakabagbag-damdaming AUTHOR'S NOTECHAROT! He-he-he!

So heto na nga... FINALLY!

NDSPC has now reached its end. Tapos na ang kwelang adventure ng ating mga bida. Nakakatuwa na nakakalungkot, but you know, there should be no goodbyes because our dear ANEMELS will always remain in our hearts and minds. Ayiiiieee, charot ulit! 😂🤩😍

Hay, parang kailan lang no'ng sinimulan ko ang storyang ito. Actually, 2014 ko pa ito naisip. Ipinost ko na ito sa Wattpad noon pero tinanggal ko rin dahil wala namang readers—nasa 8 chapters lang siya back then. Then, no'ng January 2021, napanood ko ang True Beauty na siyang naging inspirasyon ko para ituloy ito—si CHA EUN WOO talaga ang may kasalanan! 🤤

Oo! Si Cha Eun Woo dapat ang peg ni Shaun, eh. Kaso, ang dami nang story na siya ang bida. Good thing may nahanap akong model na bumagay sa character ng bebe Shaun ko. Ayon, dami ko nang sinasabi! Ha-ha-ha!

Ipinost ko ulit ang kwento at hindi ko akalaing tatangkilikin ito ng madla ngayong 2021. Hindi man tayo umabot ng millions, malaking bagay na sa akin na nag-eexist ang mga supportive readers na tulad niyo. 😊💕

Okay, magdadrama na ako.

Gusto ko kayong pasalamatan sa bonggang support na ibinuhos niyo. I owe it all to you, guys. Hindi ko akalaing magiging isa ako sa mga author na magiging paborito niyo. Ganito pala ang feeling... ang feeling ng may fans! Ha-ha-ha! Feelingera talaga ako—pagbigyan niyo na.

Marami rin akong paboritong authors. Noon, I always asked myself: "Bakit ang galing nila? How did they do that?" Daebak! Ang tataba ng isip nila. To be honest, I envied them. Gusto kong maging katulad nila kaso ang utak ko, kalat-kalat ang ideas. Kaya sabi ko sa sarili ko noon, "Writing is not for me."

Kaso, sa bawat basa ko ng story, may nagtutulak sa akin na isulat ang sarili kong mga ideya. Punong-puno na ang isip ko at kailangan ko na itong ilabas. I thought to myself: If those authors were able to do it, why can't I?

So, I challenged myself. Totoo nga ang kasabihan na: "You'll never know what you're capable of unless you try."

Ito na nga ang bunga ng aking imahinasyon. Akala ko hanggang Chapter 50 lang ito, pero jusko, umabot ng 100 plus! Kayo talaga ang may kasalanan kung bakit humaba nang ganyan! 😂 Kung hindi dahil sa suporta niyo, sa mga comments, at kahit sa simpleng react o "NEXT" niyo, hindi ako aabot sa Author's Note na ito. 💕

Ngayong naranasan ko nang maging writer, hindi pala talaga biro. Ilang beses natuyo ang utak ko at na-mental block. Pero dahil sa inyo, I was able to overcome those hurdles. Kahit hindi ako binabayaran sa ginagawa ko, worth it lahat dahil minahal niyo ang kwentong ito.

Love you guys! Wala pa akong maisip na tawag sa fandom natin. ACEBUKO ang pen name ko, so siguro...BUKOPIES? BUKOZENS? Hahahah! Corny! Baka may idea kayo, I'd appreciate your suggestions! 😊

Sobrang na-touch ako sa long messages at comments niyo. Grabe, super heartfelt, tagos hanggang bones! Nasa point na ako ng buhay ko na gusto ko nang ipa-print at ipa-frame ang mga messages niyo. Wala akong maireply minsan dahil you guys just leave me speechless. Saya-saya ko lang. 😭😭😭😊

Salamat sa sobra-sobrang pagmamahal. 💕

I still have lots of ideas, but for NDSPC, tatapusin ko na siya rito. Alam kong nabitin kayo at gusto niyo pa ng more, pero guys, lahat ng bagay na may simula ay may hangganan (maliban na lang siguro kay Cardo Dalisay).

Seryoso, I would like to leave the rest of the story to be a fragment of your imagination. Salamat, salamat! 😊 (Flying kiss)

Ang version ng NDSPC dito sa FB Group ay unedited. If you want the edited version, you can read it on Wattpad. Aayusin ko rin ang version dito soon.

Follow me on Wattpad: ACEBUKO

Sana sa mga susunod kong story, makita ko pa rin kayo. 💕

Love you, guys! SALAMAT and MAAYONG ADLAW!

Ang siraulo niyong author,

— ACEBUKO

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon