Kumaripas ng takbo si Xenica palabas ng mansion, walang pakialam kung masira ang heels niya o mapunit ang gown niya. Binalaan na siya nina Lex at Nisha, pero binaliwala niya. Did they know all along, or am I just too slow to notice? Ang utak niya, parang sirang plaka na paulit-ulit na sumasumbat sa kaniya.
She tried to hold back the seething avalanche of tears that had been building up. Gusto niyang mag-internal scream. SHT talaga! Lord, bakit ang hirap maging maganda na broken-hearted?!
Wala sa sariling naglalakad si Xenica sa gitna ng driveway, hindi man lang napapansin ang mga headlight ng isang paparating na sasakyan. She was a walking disaster.
Sakto namang nagpapahangin si Ryu sa garden nang mahagip ng paningin niya ang dalaga. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang hindi man lang humihinto si Xenica habang papalapit ang kotse.
"Xenica!"
Mabilis pa sa alas-kwatro na tumakbo si Ryu. In one swift motion, he snatched her waist and pulled her back, saving her from becoming a permanent part of the pavement. Sa sobrang lakas ng hatak, napasubsob si Xenica sa matigas at mabangong dibdib ng binata.
"Muntikan na 'yon! Ayos ka lang ba? Wala ka ata sa sarili mo," nag-aalalang tanong ni Ryu, habang hawak pa rin ang magkabilang balikat ng dalaga.
Kumalas si Xenica. Kagat-kagat niya ang nangangatog niyang labi, pilit pa ring nilalabanan ang luhang kanina pa gustong kumawala. Pero hindi na niya kaya. Ang pigil na hikbi, unti-unting naging hagulgol. Humahaba ang nguso niya at nag-uumpisa na siyang ngumawa—'yung pang-world class na iyak.
"What's wrong? May masakit ba sa 'yo? Saan ang masakit?" tanong ni Ryu na tarantang-taranta na. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng tissue o kung kailangan ba niyang tumawag ng ambulance.
Iling at iyak lang ang tugon ni Xenica. Dito ang masakit, Ryu! Sa puso! PUSOOOO!
Napakunot ang noo ni Ryu, pilit na iniintindi ang sitwasyon. "Bakit ka naiyak? Dahil ba... dahil ba hindi ka natamaan ng kotse?"
Biglang natigil sa pagngawa si Xenica. Unti-unti siyang tumingala kay Ryu, basa pa ang mga pisngi at medyo tumutulo ang sipon, pero ang tingin niya ay sapat na para magpaliwanag.
Sinamaan niya ng tingin ang binata na tila sinasabing: NAGJO-JOKE KA BA?! Akala ko ba matalino ka?!
"Sabi ko nga, hindi. Sorry na agad," mahinang bawi ni Ryu nang maramdaman ang talim ng tingin ni Xena. Bilang Student Council President, sanay siyang mag-handle ng gulo, pero pagdating kay Xena, mabilis siyang sumusuko. "Kung ano man 'yon—kasalanan ko man o hindi—ako na ang hihingi ng dispensa sa 'yo."
Hagulhol at singhot pa rin ang tanging sagot ni Xena. Inakay siya ni Ryu paupo sa isang bench, ang bawat kilos nito ay puno ng ingat. Ibibigay sana ni Ryu ang hawak niyang wine glass, pero bigla niyang naalala ang huling beses na uminom ang dalaga. Walang sabi-sabi niyang itinapon ang mamahaling alak sa damuhan. Mas safe na 'to.
"May nagawa ba akong masama sa past life ko at pinapahirapan ako nang ganito?" hikbi ni Xena habang nakatingin sa malayo. Nakinig lang si Ryu, tila naging instant therapist sa gitna ng party.
"Ang sakit, Ryu. Pinagkatiwalaan ko siya, tapos gano'n lang?" Ginamit ni Xena ang sleeves ng gown niya para punasan ang mga luha at sipon niyang hindi na mapigilan.
Muling ngumawa si Xena nang bongga, kaya natawa nang bahagya si Ryu—hindi dahil sa natutuwa siya, kundi dahil sa pagiging totoo ng dalaga. Kinuha ni Ryu ang kaniyang panyo at marahang pinahid ang pisngi nito.
"Sabi niya sa akin, over na siya. I made it clear na gusto ko si Shaun! Tapos malalaman ko, balak niya palang agawin sa akin?" sumbong ni Xena na parang bata.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
JugendliteraturWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
