30: Marriage Booth Madness

2.4K 122 13
                                        

Niyugyog ko pa ang mga rehas (na gawa lang naman sa bakal na kinalawang yata o PVC pipe na pininturahan), pero dahil sa ingay ng paligid at sa dami ng mga nagtitilian sa labas, ni hindi man lang nila ako nilingon. Dedma ang beauty ko!

Kaya naman, ang kasama ko na lang sa loob ng selda ang sumagot sa akin.

"Sampu hanggang bente minutos ata," kalmadong sabi ni Jeric.

"M—Matagal-tagal pa pala..." mahinang sagot ko habang dahan-dahang nag-iiwas ng tingin.

Shuta. Bakit kailangang sa maliit na selda pa kami ikulong nang magkasama? Naiilang kasi ako! Lalo na't sariwa pa sa utak ko 'yung "3-point shot" na hirit niya kanina. Feeling ko tuloy, ang sikip-sikip ng paligid kahit kasya naman kaming dalawa.

Tumingin ako sa labas, nagbabakasaling makita ang kahit sino sa mga hinayupak o sina Nisha para tubusin ako. Pero wala. Nasaan na ba ang "Bossing" ko kapag kailangan siya? Baka naman si Shaun pa ang nagbayad para ipakulong ako rito?

Tinakasan ko na nga s'ya kanina dahil hindi ko alam kung pa'no siya pakikitunguhan matapos 'yong biglaang confession niya. Tapos ngayon, 'tong mga ligaw na leon na'to, gumawa talaga ng paraan!

May maiihaw akong mga leon mamaya!

Gustuhin ko man na lumayo sa kanya at umupo nang mag-isa roon sa upuan sa tabi, hindi ko rin magawa. Paano ba naman, nakaposas kami gamit ang iisang handcuffs! Hay nako. Literal na "soulmates" kami ng isang bente minutos dahil sa bakal na 'to.

Biglang lumapit sa amin ang isa sa mga crew ng Jail Booth. Nagliwanag ang mukha ko! Akala ko ay himala na at papakawalan na nila kami nang maaga, pero nagkamali ako. Mukhang mas malala pa ang parating.

"Habang nasa loob kayo ng selda, kailangan niyo munang gawin ang isang challenge!" sabik na anunsyo ng crew. Ipinakita niya sa amin ang isang bowl na puno ng mga nakalukot na makukulay na papel.

"Bumunot kayo," utos niya. "Kung ano man ang makukuha niyo ay dapat niyong gawin. Dahil kapag hindi niyo tinapos ang challenge..."

Itinuro niya ang katabing Marriage Booth na kasalukuyang may "ikinasal" na dalawang estudyante. May pa-veil pa at plastic na bulaklak. "Ikakasal kayo d'yan whether you like it or not!"

"Bakit may gano'n?!" alma ko. Grabe naman ang marketing strategy ng mga 'to! Forced marriage agad? Hindi ba pwedeng community service na lang?

"'Yon ang mechanics ng booth namin!" masiglang sagot ng crew sabay kindat sa amin. Inalog-alog pa niya ang bowl at inilahad na sa harap namin. "Bunot na!"

Walang bumunot sa aming dalawa. Nagtatakang nilingon ko ang katabi ko. At doon, lalong lumundag ang kaba sa dibdib ko. Imbes na mairita gaya ko, sobrang lapad ng ngiti ni Jeric! Animo'y kinikilig siya sa kung anuman ang tumatakbo sa isip niya. Captain, nasa kulungan tayo, hindi sa park!

"Pa'no kung ayaw namin bumunot?" biglang tanong ni Jeric, pero bakas sa boses niya na hindi siya natatakot sa "punishment."

"Edi diretso kasal na agad!" sagot ng crew.

Nanlaki ang mata ko. "Hoy, Jeric! Bumunot ka na! Ayoko pang maging young bride sa peke na kasalan!"

Lumingon sa akin si Jeric. Sa tingin niya pa lang, alam ko nang may tumatakbo nang kung anong milagro o magandang ideya sa utak niya. Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko at ang pagkaputol ng hininga ko sa sumunod niyang binitawan.

"What if mas gusto ko 'yung punishment?" bulong niya. Mahina pa itong tumawa.

Shuta. Ano raw?!

Hanimal! Naka shabu ba 'to?!

Nagsi-alulong na naman ang mga Wild Lions nang marinig ang sinabi ng Captain nila. Jusmio! Hindi pa pala nahihimasmasan ang isang 'to. Akala ko ba laro lang? Bakit parang balak niya na talagang ipangalan sa akin ang lahat ng properties niya?!

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon