15: Lenient

2.8K 128 4
                                        

Nagpumiglas ako, pero ang siraulo, ayaw talaga akong bitawan. Ngumisi pa ito nang nakakaloko habang nasa ilalim lang ng mga kamay namin ang tray ng drinks nina Shaun. Makawala lang ako rito, isasaboy ko talaga 'to sa pagmumukha niya!

Huminga ako nang malalim at sinamaan siya ng tingin. Mukhang kailangan ko nang gamitin ang vocal chords ko. "Bitawan mo ako habang nakikiusap pa ako nang maayos," banta ko. "Kapag sumigaw ako, paniguradong hindi lang trabaho ang mawawala sa'y—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, isang mabilis at matitigas na kamay ang walang-pasabing humila sa braso ko para ilayo ako sa malanding barista. Halos ma-out of balance ako sa bilis ng pangyayari. Hindi ko inasahan 'yon, pero laking pasasalamat ko nang makitang si Shaun ang humablot sa akin.

He didn't say a word. Hindi niya rin ako binalingan ng tingin—na parang isang sagabal lang ako sa schedule niya. Dinampot niya ang tray ng mga inumin, pero bago siya tumalikod, ibinigay niya ang isang mapagbanta at nakamamatay na tingin sa barista. Sige, Shaun! Saksakin mo siya ng mala-stalactites mong titig!

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Buset na barista 'to. Imbes na matakot, masama pa ang naging tingin nito kay Shaun at maangas na ngumisi.

"Pakialamero," hamon ng barista. "Ikaw ba ang boyfriend?"

"Hindi ko siya boyf—"

"You're paid to work here, not to flirt with the customers," putol ni Shaun sa sasabihin ko. Ang boses niya ay animo'y isang CEO na nananermon ng palpak na empleyado. Minsan talaga, kahit nakakainis, natutuwa ako sa kasungitan at intimidating aura ng hudas na 'to.

"Ano bang paki mo? At sino ka ba?" maangas na hirit ng barista.

Hindi na binigyan ni Shaun ng kahit isang segundo ang tanong nito. Tinalikuran niya lang ang lalaki na parang wala itong kwentong kausap. Nakakabastos man ang ginawa ni Shaun, deserve niya 'yon! Zero effort for a zero person.

Bago ako sumunod kay Shaun, hinarap ko muna ang baristang mukhang kulang sa aruga. Dinilaan ko siya para asarin, "Papalampasin ko muna 'to dahil ayaw ko ng gulo," sabi ko sabay irap at talikod.

Pero hindi ko inasahan ang biglang pagtaas ng boses niya. Nanggagalaiti na siya, "HOY! BASTOS KA. KINAKAUSAP PA KITA. GAG*!" sigaw niya kay Shaun.

Natahimik ang buong café. Agad na nagsitayo sina Glen, Rob, at Louie. Seryoso ang mga tingin nila na parang naghihintay lang ng signal para mag-world war. "Easy ka lang, boy," sabi ni Rob.

"Nangangati pa man din kamao ko," dagdag ni Louie habang pinapatunog ang mga daliri. Si Glen naman, nakangisi lang na parang nanonood ng suspense movie. Si Shaun? He just smirked. Isang maikling ngising nang-uuyam bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa mesa namin.

"Takot ka bang makita ng girlfriend mo na hindi ka marunong sumuntok?!" huling hirit ng barista sabay turo sa akin. What made him think na girlfriend ko si Shaun? Nakaka-flatter naman—yuck, erase!

Pero dahil sa topak ko, ibinulong ko sa sarili ko, "Sige na, Shaunie. Patikim mo nga 'yan ng kamao para manahimik! Go! Suntok na!" Pero mukhang may radar ang pandinig ni Shaun dahil bigla siyang tumingin sa akin. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Jusmio, narinig kaya niya?

Buti na lang at tarantang nagsiawat ang ibang staff bago pa maging action movie ang eksena. "Kung mahal mo ang trabaho mo, bumalik ka na sa pwesto mo," makahulugang sabi ni Glen bago sila nagsi-upo na parang walang nangyari.

Pagbalik namin sa table, hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga kamay ko. Inilapag ni Shaun ang tray sa gitna nang walang kahirap-hirap. Inasahan ko na tutuksuhin kami nina Nisha at Lex, pero dahil sa aura ni Shaun na kasing-lamig ng North Pole, kahit sila ay napatahimik.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon