Sabi nila, ang pinakamasakit na pagtatraydor ay hindi nanggagaling sa kaaway, kundi sa kaibigan. Mas madaling patawarin ang taong dati mo nang hindi gusto, kaysa sa taong pinagkatiwalaan mo ng buong puso.
Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Naririnig ko ang bulungan ng mga tao sa banquet hall, pero wala na akong pakialam. Nilalamon na ako ng galit at pait. Nawala na ang hiya ko sa kalingkingan.
"What the hell is wrong with you?!"
Ang boses ni Shaun ay parang kulog na nagpatahimik sa paligid. Pumagitna siya sa amin ni Kyla, ang kaniyang aura ay kasing lamig ng yelo. Magkaabot ang kilay ko habang matapang na nakipagsukatan ng tingin sa kaniya.
Tumabi naman sa kaniya si Kyla, nakahalukipkip at tila nagpapa-victim. "Yeah, Xenica. What the hell is wrong with you?" segunda niya. Nakataas ang kaniyang kilay at may mapang-asar na ngisi sa kaniyang mga labi. Animo'y nanonood lang siya ng isang murang palabas.
Doon na ako sumabog. Ang lahat ng naipong sakit sa control room, ang lahat ng selos, at ang pagod ko sa kakahabol sa lalaking ito—lahat 'yon, lumabas na sa talapindas kong bibig.
"What's wrong with me?! Naiinis ako! Nagagalit ako dahil niloko niyo ako! Tinraydor mo ako, Kyla!" sigaw ko sabay duro sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nag-uunahan sa pagdausdos sa pisngi ko. Wala na itong preno.
"Alam na alam mo, Kyla... alam na alam mong may gusto ako kay Shaun! You were fully aware of it! Pero anong ginawa mo?" Humikbi ako, ang boses ko ay gumaralgal sa tindi ng pighati. "You tried to get back with him behind my back! You're a traitor!"
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang hall. Tila pati ang hanging dumadaloy ay huminto para makinig. Dahan-dahang binaling ni Shaun ang tingin sa akin. Ang galit sa kaniyang mukha ay naglaho, napalitan ng isang ekspresyong hindi ko kayang basahin.
"You... like me?" mahina at paos niyang tanong.
Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Huli na nang ma-realize kong nadulas na ako. Pero dahil sa adrenaline rush at sa tindi ng emosyon, imbes na bawiin, lalo ko pang pinanindigan.
"OO! GUSTO KITA, BUSET KA!"
Huli na nang marealize kong nadulas ako, pero dahil sa adrenaline rush, imbes na tumakbo, lalong uminit ang ulo ko. Bahala na!
"Ano, masaya ka na?! Ikaw lang naman 'yung ungas na nanggulo ng buhay ko! Akala mo ba madaling gumising nang maaga para lang makita 'yang pagmumukha mo sa school? Hindi, 'no! Napilitan lang ako kasi hindi kita maalis sa isip ko, bwisit ka!"
Natawa ako nang mapait habang sumisinghot. Bigla kong naalala ang GT-R deal kaya lalo akong naiyak—'yung iyak na parang batang naagawan ng lollipop.
"Buset ka talaga! Ano nang gagawin ko ngayon? Wala na 'yung GT-R ko, wala pa akong lovelife! Lugi na lugi ako rito, Shaun! Alam ko namang wala akong pag-asa sa 'yo, 99.9% sure na akong ayaw mo sa akin, pero 'yung malantong na 0.01% sa puso ko, ayaw pa ring tumigil! Isang milyong beses na buset! Awit talaga!"
Parang dinaanan ng anghel ang buong banquet hall. Pati ang mga tao, nagsitahimik na tila nanonood ng isang seryosong opera sa teatro at hinihintay ang susunod na mangyayari. Tanging ang mga hikbi ko na lang ang maririnig na pumuputol sa katahimikan.
Mali yata 'to. Pakiramdam ko, useless lang ang lahat ng sinabi ko. Di man lang kasi natinag si Shaun—nanatili siyang nakatitig sa akin na parang sinusuri ang bawat hibla ng pagmumukha ko. Pagkatapos, kunot-noo niyang binalingan ng tingin si Kyla na nakatayo pa rin sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
