35: Pink Jealousy

2.3K 121 22
                                        

NANGGAGALAITING lumabas ako sa CR. Agad kong nilapitan si Shaun na relax na relax na nanonood ng TV. Sa sobrang inis ko, halos magliyab ang paningin ko. Galit na hinagis ko sa pagmumukha niya ang pinaghubaran kong damit na ikinagulat niya.

"KELAN MO PA AKO NILOLOKO?!" sigaw ko.

"What the—"

Hindi ko siya pinatapos. Inihagis ko sa center table ang dala kong pink na towel, girl shampoo, at 'yung pink na toothbrush. "Now tell me everything!" nagtitimpi at nakapamewang na sabi ko.

Tumayo siya at humakbang papalapit sa akin. Umatras ako at itinaas ang mga palad ko. "D'yan ka lang!"

"I can explain, fruitcake," he said, looking actually rattled for once.

"Give me one convincing reason why—AND WHO THE HELL IS KYLA MARIE?! WHO?!" Umalingawngaw sa buong penthouse ang boses ko.

"Fruitcake, she's just a friend! She just used the shower last night because their building had a water interruption!"

Tumawa ako nang pagak. "Last night? A shower? Just the two of you?! Do you honestly expect me to believe she just came here for the water? Don't tell me nothing happened, or I'll lose it!"

"Nothing happened, I swear—ugh, damn it!"

Walang pagdadalawang-isip na hinambalos ko siya gamit ang baseball bat na nakita ko sa tabi. Bulls-eye!

CUUUUUT!

WINASIWAS ko ang mga kamay ko sa hangin na animo'y binubura ang napakaintense na imahinasyon na 'yon. Hooo! Kalma, Xen. Ano bang karapatan mo para mag-eskandalo ng ganoon? Napatingin ako sa damit ko na nasa laundry basket. Paniguradong itatapon talaga ako ni Shaun sa bintana mula rito sa 30th floor kapag totoong itinapon ko 'yung damit ko sa pagmumukha niya.

Pero seryoso... sino ba kasi 'tong Kyla Marie na 'to? Bakit ang dami-dami niyang gamit dito? Napanguso ako. Iba talaga ang kutob ko sa babaeng 'to. Feeling ko may invisible na karibal na ako sa toothbrush pa lang.

Ayoko mag-overthink pero ayaw makisama ng utak ko. Pwede naman na kapatid niya, o kaya pinsang babae, 'di ba? Tumango-tango ako. Possible 'yon. Teka, may kapatid ba siyang babae o pinsan?

Hindi ko alam! Ni hindi ko nga alam kung ano ang paborito niyang kulay, tapos family tree pa kaya?!

Teka... teka. Isang malupit na theory ang nabuo sa utak ko. Paano kung kay Angel-Higad talaga 'tong mga 'to tapos ang totoo niya palang pangalan ay Kyla Marie? Tapos mag-live-in partners pala sila?! Pinalabas lang nila na hiwalay sila para pagtakpan ang isang bawal na pag-ibig?! Shuta. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Hanimals! Akalain mo 'yon, sa sobrang selos ko, nakagawa na ako ng script para sa isang 500-episode na drama.

Teka, paano kung mahal pa nila ang isa't isa?!

Waaaaah! Napatakip ako ng bibig sa mga nabubuo sa isip ko. Aksidente ko atang nadiskubre ang pinakatatagong sekreto ni Shaun Joshua Sy! Baka ako ang "third party" sa bawal na pag-ibig nila ni Angel-Higad also known as Kyla Marie!

Mas mabuting tanungin ko na lang siya para masagot na ang mga katanungan ko. Hindi talaga titigil ang utak ko na feeling author at direktor sa kakaisip ng kung ano-anong plot twist.

Tama. Tama. Confrontation is the key!

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla akong matigilan. Napabalik ako sa harap ng salamin at parang timang na kinausap ang sarili.

"Xen, baka isipin no'n na may gusto ka sa kanya kaya interesado ka sa buhay niya!" Umiling-iling ako nang mabilis. "Wala akong gusto sa isang 'yon, 'no. Asa naman siya."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon