MASYADONG malakas ang kalaban. Kahit anong pagpupumiglas ko'y hindi ako makatakas. Walang awang hinigpitan nila ang pagkakahawak sa akin, tila ba sadyang pinagkakaisahan ang maliit kong katawan. I can't escape. Katapusan ko na ba? Lord, kukunin Niyo na ba ako nang wala man lang suot na maayos na undies?!
Hindi maaari!
"TAMA NA!" sigaw ko sa abot ng aking makakaya.
Pero hindi man lang nila pinansin ang hinaing ko. Mas lalo pa nilang nilaro ang emosyon ko. Sinabuyan pa nila ako ng pulang likido, at doon na nga ako tuluyang nawalan ng malay—CHAROT LANG!
Napadura ako nang may mangilan-ngilang fake blood na tumalsik sa bibig ko.
"Pweh! 'No ba 'yan? Panget naman ng lasa! Lasang kinalawang na ewan!" reklamo ko habang pinapahid ang pulang malapot na likido sa gilid ng labi ko.
"Ubos na kasi 'yong chocolate milk flavor," paliwanag ni Nisha, ang salarin na walang awang nagsaboy sa akin niyon. "Pero sabi nila, masarap naman daw 'yang corn syrup flavor. Baka panis na 'yung nakuha natin kaya maasim-asim."
"Corn syrup? Eh mukhang syrup ng ubo 'to, eh!" busal ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
"Wala ba silang strawberry flavor?" tanong ko habang ninanamnam ang pakla ng fake blood sa dila ko. Umiling lang si Nisha.
Binalingan ko ng tingin ang dalawang nilalang na kanina pa nakahawak sa dalawang braso ko. Todo bantay ang mga lolo niyo, akala mo naman tatakas ako—well, tatakas naman talaga ako kung may pagkakataon.
"Bitawan niyo 'ko. Sasamain kayo sa'kin pag nakawala ako rito," banta ko kina Sid at Bret. Mga kaklase ko silang loyal followers ni Lexi. Utos lang naman kasi ng reyna nila na bantayan ako para hindi ako makapag-back out sa pagiging horror cast.
"Ayan. Tapos na!" anunsyo ni Nisha sabay bitaw ng brush. Natapos na rin niya sa wakas ang paglalagay ng nakakatakot na make-up sa'kin. Feeling ko ang bigat-bigat na ng mukha ko sa kapal ng foundation at kung ano-anong kulay na nilagay niya.
"Pwede niyo na siguro akong bitawan?" asar kong tanong sa dalawang bantay ko.
Bumitaw nga sila at pumwesto sa harap ko. Pero imbes na matakot, hindi napigilan nina Sid at Bret na humagalpak ng tawa.
"Bagay!" naka-thumbs up pa ang loko-lokong si Sid habang tawang-tawa.
"Bagay niyo mukha niyo!" Mabilis silang nagsitakbo palayo nang itaas ko ang kaliwang paa ko para sana sipain sila. Akala mo naman mga gwapo, eh mukha lang naman silang mga sidekick ng maligno.
Inagaw ko kay Nisha ang dala-dala niyang malaking hand mirror para tingnan ang pinaghirapan niya.
"JUSMIO MARIMAR!" napasigaw ako sa gulat. Halos mabitawan ko ang salamin nang makita ko ang halimaw na nakatitig sa akin.
Hahawakan ko sana ang mukha ko pero mabilis na pinalpal ni Nisha ang kamay ko. "Don't touch! Fresh pa 'yang latex!" suway niya.
Naiiyak na sinuri ko ang prosthetic make-up ko sa salamin. "Baliw ka! Matatanggal pa ba 'to?" nag-aalalang tanong ko habang nakatingin sa kulubot at tila nabubulok kong itsura.
Jusko, ang lala. Sabog na sabog ang wig na suot ko, gutay-gutay pa ang t-shirt na akala mo'y nilapa ng aso, at higit sa lahat, mukha akong galing sa isang madugong krimen dahil sa malapot na fake blood. Nilagyan pa ako ng matatalas na pangil, at 'yong mata ko? Pulang-pula dahil sa contact lens—homaygaad! Kung makikita ako ni Shaun ngayon, baka imbes na iligtas ako ay i-exorcise niya ako!
Ibinaba ko ang salamin at ngumawa. Nakakatakot! Paniguradong babangungutin ako nito mamayang gabi pagtingin ko sa salamin. Napapitlag ako nang may isa pang nakakatakot na nilalang ang pumasok sa tent na pinagbibihisan ko.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
