32: Fruitcake in Danger

2.4K 119 5
                                        

Third person's POV (before habulan scene)

Hindi na mabilang ni Shaun kung makailang beses na siyang napamura sa isip. Hindi na nga narinig ni Xenica ang gusto niyang sabihin kaninang umaga dahil sa istorbo, ngayon naman ay nakita niyang niyakap pa ito ng "childhood friend" daw nito. At para mas lalong sumama ang timpla niya, nakita niya pa ang dalaga na naglalakad sa aisle ng Marriage Booth patungo kay Jeric.

He clenched his hands into tight fists. Gusto niyang manapak ng kahit sino ngayon din. He heaved a deep sigh and forced his hands to relax. Bakit nga ba siya nagkakaganito? Wala naman siyang karapatan.

His eyebrows pulled down together. B*llshit. Inalis niya ang tingin sa dalaga at pilit na ibinaling ang atensyon sa ibang bagay. Ayaw niyang isipin ni Xena na nagseselos siya. Bakit naman ako magseselos? I don't care if she talks to other men, but—ugh, damn it.

Sa sobrang inis, sinipa niya ang isang maliit na bato sa daan. Natamaan nito ang isang kahina-hinalang lalaki na may hawak na litrato.

"ARAY! P*TANG-INA! SINO 'YUNG NAMBATO?!" sigaw ng lalaki.

Shaun just stood there, hands in his pockets, looking completely deadpan as the man's companions laughed at him. He didn't care. His eyes drifted back to Xenica, who was now walking away from the booth.

Sinulyapan niya ulit si Xenica na ngayo'y naglalakad na palayo sa Marriage Booth. Silly fruitcake. Wala atang balak magbihis ang babaeng ito; mukhang balak pang pangatawanan ang pagiging bride sa buong campus.

Humakbang siya papalapit sa direksyon nito, ngunit huminto rin siya sa isang pwesto kung saan hindi siya agad makikita ng dalaga. Nanatili siyang nakatayo roon, seryoso ang mukha at ang mga kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. Pinanood niya ang pakikipagbuno ni Xen sa suot nitong gown. Pilit na inaabot ng dalaga ang zipper sa kanyang likuran, ngunit halatang bigo ito dahil hindi niya talaga maabot ang lock.

Lumingon-lingon si Xenica sa paligid. Hinahanap niya ang pamilyar na pigura ni Shaun para sana hingan ng tulong sa zipper niya, pero ibang mukha ang nahagip ng mga mata niya.

Mula sa kanyang pinagtataguan, napansin din ni Shaun ang kakaibang kilos ng isang grupo ng mga lalaki sa di-kalayuan. Seryoso ang mga ito at direkta ang tingin kay Xen—hindi kailangang maging henyo si Shaun para malaman na ang dalaga ang pakay ng mga ito. Malakas ang kutob niya, at hindi nga siya nagkamali.

Papalapit na ang mga goons. Kitang-kita ang panlalaki ng mata ni Xenica habang hindi masukat ang kaba nito. Sa pagmamadali niyang makaiwas, natisod pa siya sa sariling gown kaya imbes na makatakbo ay nanatili siyang nakadikit sa semento.

Shaun knew he had to move—now.

Bago pa man makalapit ang mga goons sa dalaga, mabilis na sumulpot si Shaun at dali-dali itong kinarga. One arm under her legs and the other supporting her back—a perfect bridal carry. Mabuti na lang at magaan ang dalaga kaya hindi siya nahirapang itakbo ito palayo.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na ganoon sila kalapit sa isa't isa. But whenever it happens, he always notices it—her fruity, playful, and soothing scent. It was a sweet, warm aroma that always seemed to cut through his guarded walls, making him momentarily lose his train of thought.

She smelled so good, and much to his irritation, he liked it.

Hindi pa rin sila tinantanan ng mga humahabol sa kanila. Sinubukan niya silang iligaw sa mga kanto, pero tila linta ang mga ito. Mabilis siyang pumasok sa isang makipot na eskinita. Alam niya ang pasikot-sikot sa lugar na ito, at agad na gumana ang kanyang isip para sa isang plano.

"Magsitigil kayo!" sigaw ng mga goons mula sa likuran.

"HALER! AYAW NAMIN. WALANG TRAFFIC LIGHT!" hirit ni Xenica.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon