GUSTO ko na sanang bumitaw, pero ayaw talagang maki-cooperate ng puso ko. Sinubukan ko namang humanap ng bagong crush online para ma-distract, pero heto pa rin ako—nakapako sa isang Shaun Joshua Sy.
Apakasulsol din kasi ng FLAMES naming dalawa, LOVERS ba naman ang kinalabasan? Dagdag mo pa 'yung pungpong ng dahon ng malunggay na pinagtyagaan kong pitasin kanina; HE LOVES ME raw ang huling dahon. Pati ba naman gulay, pinapaasa ako? Kaya heto, hindi ko matigil-tigil ang labang 'to dahil sa mga walang kwentang senyales na 'to.
Pero kapag naalala ko ang mga sinabi ni Rob tungkol sa ex-fiancée niya, parang lobong natusok ng karayom ang pag-asa ko. Mga hinayupak talaga. Dapat pala hindi na ako nagtanong. Tatanong-tanong tapos masasaktan—shunga mo, gurl.
On the other hand, naiibsan naman ang sadness ko kapag naaalala ko ang sinabi ni Glen. Paano kung may gusto talaga siya sa akin? Kyaaaah! Ayan na naman tayo sa kilig na 'yan. Parang hindi nagasgasan ang puso kanina, 'di ba? Sarap hampasin ng walis-tambo para magising.
Hay, imbes na mag-move on, ginawa ko pa siyang laptop wallpaper. Shuta. Hoping na hoping talaga. Para akong sira na kinakausap ang picture niya sa screen—minsan nilalandi ko, minsan inaaway ko. Nakakaulol.
Para hindi ako tuluyang masiraan ng bait, naisipan kong gumala. Pero isang malaking pagkakamaling lumabas ako ngayong araw. Sana pala tinali ko na lang ang mga paa ko sa paa ng lamesa sa bahay. Dahil sa sobrang pag-iisip ko sa mga nalaman, dinala ako ng mga paa ko sa harap ng isang yayamaning SALON.
At doon nangyari ang krimen.
Nagamit ko ang pambayad-utang ko sana kay Shaun! Nagpa-makeover ako nang wala sa oras—kasalanan niya rin naman 'to! Dahil sa kanya, stressed ang beauty ko. Nagpakulay ako ng buhok sa "pinakamurang" halaga na nakita ko—3,000 pesos LANG naman!
Napagastos man ako nang malaki, nakakuha naman ako ng tips galing kay Ate Gurl sa salon. Sabi niya, ito raw ang mga paraan para mapansin ng crush.
Number 1: Makeover!
Dalang-dala naman ako sa marketing strategy ni Ate, pero hindi ko itatatuwa—bagay na bagay sa akin ang bago kong kulay. Newborn feels! Charot. Feeling ko, kahit si Shaun, mapapalingon sa bagong aura ko. Para akong dumaan sa filter sa personal.
May iba pa siyang tips, pero may isa na talagang tumatak sa isip ko.
BUY YOUR CRUSH A CUP OF COFFEE.
Napatingin ako sa huling barya sa wallet ko. May fifty pesos pa naman ako rito. Saktong-sakto pambili ng isang paketeng 3-in-1 coffee. Ang plano? Hingi na lang ako ng baso sa Starbucks, tapos doon ko tutunawin.
Haha! Brilliant!
Pero jusmio, biglang nag-sink in sa akin. Nakaka-turn off naman yata 'yon? Yayamanin pa man din ang hinayupak na 'yon. Baka imbes na ma-in love sa akin, i-report pa ako sa security dahil sa pag-smuggle ng Nescafe sa loob ng mamahaling coffee shop.
Mahaba pa naman ang araw kaya hindi na muna ako umuwi. Bagkus, tumungo ako sa mall para mag-window shopping. Gusto ko ring i-check 'yung stuffed toy na gustong-gusto kong bilhin—'yung dilaw na uod sa Larva! Paborito ko 'yon dahil sa bawat tingin ko sa mukha niya, parang naririnig ko 'yung tawa niya.
Pagkarating ko sa boutique, agad akong binati ng store owner na si Ate Precy.
"Kumustahin ko lang ang anak ko, Ate Precy!" sabi ko sabay dampot at yakap nang mahigpit sa uod na matagal ko nang pinagnanasaan.
"Kailan mo ba 'yan kukunin? Baka ma-ampon na 'yan ng iba," biro ni Ate Precy.
"Eh! Huwag mong ibigay sa iba, Ate! Malapit na akong makaipon, promise. Soon, soon, kukunin ko na siya," pangako ko habang hinihimas ang malambot na tela ng uod. Isinandal ko ang ulo ko rito at bumulong nang parang baliw.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
