84: THE DICTATOR'S ORDER & THE BREAKING POINT

762 34 9
                                        


Lesson learned: Huwag na huwag magbubukas ng pinto hangga't hindi mo itinatanong ang mahiwagang linyang, "Sino 'yan?"

Kung nakinig lang sana si Xenica sa mga pangaral ni Shaun, sana ay may oras pa siyang itago ang kasintahan sa loob ng cabinet o kahit sa ilalim ng lababo. Pero huli na ang lahat. Hindi makapaniwala si Xenica sa bumungad sa kaniya. Akala niya ay sa Cebu ang diretso ng kaniyang ama, pero heto ito—nakatayo sa harap niya, bitbit ang awtoridad na tila nagpapakulob sa buong paligid.

Is it a prank? Sana nga prank na lang. Pero sa seryosong mukha ng ama, alam ni Xenica na totoong-totoo ang panganib na nasa harap niya. Hindi masukat ng pinagdugtong-dugtong na ruler ang kaba sa dibdib ng dalaga. Namamasa ang kaniyang mga palad sa lamig, rinig na rinig niya ang marahas na kabog ng kaniyang puso, at pakiramdam niya ay nag-a-alboroto ang kaniyang tiyan sa sobrang anxiety.

Para silang mga kriminal na isinasailalim sa isang matinding interrogation. Xenica and Shaun sat side-by-side at the table, habang ang ama ni Xenica ay nakaupo sa tapat nila. Kanina pa ramdam ni Xenica ang panganib nang makita nito ang pagkunot ng noo ng kaniyang ama nang mamataan si Shaun sa likuran niya.

There was nothing wrong with Shaun. In fact, he was the kind of man any girl would be proud to introduce to her parents—intelligent, composed, and looks like he owns the building. Pero iba ang sitwasyon ni Xenica. Sa mata ng kaniyang ama, bawat kilos niya ay pagkakamali. Natatakot siyang ipakilala ang binata dahil alam niyang hindi marunong sumuporta ang kaniyang ama.

Akala ni Xenica ay mapapagalitan siya agad o palalayasin sa harap ni Shaun, but to her surprise, her father simply uttered a cold statement while looking at Shaun:

"You have a visitor."

Hindi ito tanong. Walang emosyon ang boses nito, parang yelong humahapdi sa balat. Tumingin ang ama ni Xenica sa mga gamit ni Shaun na nasa lamesa—ang plastic ng pagkain at ang helmet nito.

Sa kabila ng katahimikan, tila may bumarang kung ano sa lalamunan ni Xenica. Natuyo ang kaniyang bibig at hindi niya mapigilang mangamba dahil alam niyang ito na ang calm before the storm. Isang malaking misteryo rin sa kaniya kung bakit biglang umuwi ang ama nang walang pasabi.

Huminga siya nang malalim, pilit na itinatago ang panginginig ng kaniyang boses. Ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa hita ay kanina pa niya pinapatunog ang mga buto ng daliri—isang habit na hindi niya maalis-alis tuwing nilalamon siya ng kaba. Ngunit natigilan siya nang maramdaman ang mainit at malaking palad ni Shaun na humawak sa kaniyang kamay sa ilalim ng lamesa. Isang lihim na pagpapakalma.

Napatingin si Xenica kay Shaun, ngunit agad ding napabitaw nang biglang tumikhim ang kaniyang ama para basagin ang katahimikan.

Sht. Hindi sa ganitong sitwasyon gustong ipakilala ni Xenica si Shaun. Wala man lang briefing, walang orientation sa mga do's and don'ts kapag kaharap ang kaniyang "diktador" na ama. Dagdag pa na nadatnan silang dalawa lang sa apartment—isang malaking "red flag" sa mata ng isang striktong magulang.

Okay, good luck na lang sa akin. RIP Xenica—charot!

Napansin ni Xenica na tila hindi man lang tinatablan ng kaba si Shaun. Habang siya ay parang matutunaw na sa upuan, Shaun remained assertive. He looked like a seasoned businessman facing a tough client—calm, collected, and full of confidence. Hoy, nakakabighani pa rin siya sa ganitong setup!

Bahagyang umubo si Xenica para basagin ang katahimikang tila bumibingi sa kanila. Gusto niyang magsinungaling, gusto niyang sabihing "school project" lang ang ginagawa nila, kaso caught in the act na sila. At isa pa, hindi naman talaga siya magaling magsinungaling.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon