HINDI ako makapaniwala na naka-face-to-face ko na ang kabit—este, ang karibal ko na si Kyla Marie!
Nakasubsob ang ulo ko sa desk habang nakalingon sa dako ni Shaun na abala ngayon sa pagsusulat. Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang, kahit paano ay nakakabawas ng sadness ang kagwapuhan ng hinayupak na 'to. Tila kumikislap ang balat niya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Lord, bakit Mo naman ginawang ganito ka-perfect ang likha Mo?
Napangiti ako nang bahagya nang maalala ang Saturday coffee date namin. Yiiieee!
'Yung landian—este, kwentuhan namin noong araw na 'yon. Kahit kaunti lang at kayang-kaya kong bilangin ang palitan namin ng salita, nakakakilig pa rin. Shuta kasi! Kinabahan ang ferson niyo noong oras na 'yon kaya biglang nag-evaporate ang kadaldalan ko!
Naalala ko pa noong pasimple niyang pinunasan ang gilid ng labi ko dahil nanglalaway na raw ako sa kanya. Nang-aasar ang loko! Gusto ko tuloy siyang sipain sa sobrang kilig. Bwahaha! Giddy giddy yup yup yup yup ang malantong kong puso!
Pero ang ngiti ko ay agad na naging ismid nang muling pumasok sa isip ko ang magandang mukha ng "kabit" ni Shaun. Bakit ba kasi kailangang maging ganoon kaganda si Kyla Marie? At bakit kailangang maging mabait pa siya sa akin?
Mas madali sana kung masama ang ugali niya, eh. Mas madali sana siyang kainisan kung hindi niya ako niligtas sa ilalim ng counter—este, kung hindi ko siya niligtas sa mga lalaking 'yon! Ngayon, paano ko na siya aawayin kung "bestie" na ang tawag niya sa akin bukas?
Napatingin ulit ako kay Shaun. Hoy, Shaun. Alam mo bang ang ex-fiancée mo ay nakatago sa ilalim ng counter ko kanina? At bukas, ililibre niya ako ng kape sa mismong workplace ko?
Gusto ko sanang isigaw sa kanya 'yon, pero pinili ko na lang na manahimik. Hihintayin ko na lang ang bukas. Bahala na si Batman, si Wonder Woman, at ang kulay pink na tadhana na 'to
Abot-kilay ang pagtitig ko kay Shaun. Nakakainis kasi! Parang naramdaman naman ng hinayupak ang himutok ko kaya bigla siyang napalingon. Nagtama ang mga mata namin. Dahil nga may topak ako ngayon, agad akong lumingon sa kabila para iwasan ang tingin niya. Kala mo ha.
Sa kabilang side naman, natanaw ko si Nisha na may hawak na notebook na nakabuklat. Kunot-noo kong binasa ang nakasulat doon mula sa malayo. Sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako para agawin ang notebook at isara ito nang marahas.
Baliw talaga! Kinurot ko nga siya sa braso nang pasimple.
Paano ba naman, ang laki-laki ng pagkakasulat niya: HOY AWAT! BAKA MATUNAW SI SHAUN!
Jusmio. Nawa'y hindi 'yon nabasa ni Shaun kung hindi ay magpapakain na talaga ako sa lupa. Nakakahiya! Pero seryoso, nahuli na rin naman niya akong nakatitig sa kanya kanina, 'di ba? Ano naman ngayon? Mukha namang hindi niya nabasa ang pasabog ni Nisha dahil abala na naman ito sa pagsusulat.
Tch. Ewan.
"Girls. May papabili ba kayo? Pupunta kaming canteen," tanong ni Glen out of nowhere habang tumatayo sila.
"Pudding!" mabilis kong sagot.
"Ilan?" dagdag na tanong niya sa akin. Dahil tinatamad akong magsalita, walang gana kong itinaas ang limang daliri ko na agad namang inapir ni Louie.
"Five. Five puddings it is," sabi ni Rob habang natatawa. Inakbayan naman ako ni Louie at nilapit ang mukha sa akin.
"Tamlay mo yata ngayon, babes? Basa ba ang tae—ughh!"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil kinurot ko na siya nang pino, kaya napabitaw ang loko. Binatukan pa siya ni Rob. "Pucha naman, dude! Ang dumi ng bibig mo!"
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Fiksi RemajaWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
