Chapter 1

11.1K 242 9
                                    


ANGELA'S POV

"All students especially freshmen and transferees are required to proceed in the gymnasium. "

"I repeat, All students especially freshmen and transferees are required to proceed in the gymnasium. " tatlong beses itong inulit ng speaker. Paulit-ulit? Tsk.

"Gel,  let's go. " ani Wency sa akin. Nakatayo lang kasi ako, habang ang lahat halos magtakbuhan na papunta sa gymnasium. Tsk. I hate this. First day of class dito sa new school na pinagtransferan ko eto na agad,tsk , yeah nagtransfer ako.

"Gel, ano ba. Dalian mo. " ani Danila sabay hila sa akin.

Hindi lang pala ako ang nagtransfer dito kasi kasama ko ang dalawa kong kaibigan sina Danila at Wency. Gaya-gaya kasi. We're from Davao.  Right taga davao kami and decided to transfer here at manila.

"Danila bitaw. " halos sigawan ko siya. Tsk, halos kaladkarin niya kasi ako.

"Ang bagal mo kasi." ani Wency naman.

I just rolled my eyes.

"Okay fine, just release my hand. " bulyaw ko.

"Arrg, basta dalian mo. " ani Danila na nauna na sa paglalakad nakasunod kay Wency.

Kahit ayaw ko mang sumunod wala na din akong magagawa. Ang bigat ng paa ko sa paghakbang. Basta nakakatamad ang ganitong pngyayari. Puro salita lang din naman mangyayari doon.

Pagpasok namin sa gymnasium ang ingay, ang gulo, ang daming mga estudyante. 'yan ang nakakainis. Nakakarindi, nakakasakit da tenga.

"Dito tayo. " ani Wency hila ako pasiksik sa mga students. Arrg, ano bang nakakainteres sa ganitong pangyayari? Wala ehh. Just wasting time, diba? Agree ka rin?

Nakahanap na din kami ng mauupuan sa pakikipagsiksikan namin.

"Grabe, ang dami pala ng students dito. " ani Danila habang nililibot ang paningin sa buong gymnasium.

"Tsk. " aniko lang sabay cross arm at sandal sa chair.

Kahit nakakarindi ang ingay ng mga bubuyog I have nothing to do but to endure this noisy place.

Ilang sandali pa nagsimula na. Mabuti naman kung ganon at matapos na din ito.

"Good morning everyone. " anang nasa ibabaw ng stage. Medyo naging mahina na ang mga bubuyog.

Wala ako sa sariling nakinig, tsk. bakit ba? Wala akong pakialam sa mga school officials,  staff,  etc. etc.  na iyan. Sa kung ano 'yong pinag-uusapan nila.

"New students,  transferees,  we decided to introduce all of the team captains, presidents and coaches of different sports,  clubs and student government of the school so, you should aware of them. " napabuntong hinga ako at bagot na bagot na napapikit.

Wala akong pakialam sa kanila. Kung sino pa ang mga iyan.

"Hoy, nakikinig ka ba. " bigla akong kinalabit ni Wency. Napamulat naman ako at sinamaan siya ng tingin. Mukha bang interesado akong makinig sa kaartehan ng school? Tsk.

"Naman ehh, hayaan mo na siya. " ani Danila.

"Makinig kayo kung gusto niyo, huwag niyo kong pakialaman. " aniko. Napakibit balikat lang sila at muling tinuon ang atensyon sa nagsasalita sa ibabaw ng stage.

Halos tatlong oras din kaming nakaupo at nakinig sa sinasabi nila, tsk, okay, hindi na ako nakinig,  sila lang yong mga interesado.

Nang matapos iyon, agad na akong naunang lumabas ng gymnasium.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon