Chapter 134

2.5K 49 3
                                    

STANLEY'S POV

"Stanley." Hinarangan ako ni Rico.

"May problema kayo ni Gel, she said ikaw daw ang may laking isyo dito. So what this all about?" Rico said seriously. Napabuga ako nang hangin.

Wala akong ganang pag-usapan iyon. Ewan basta naiinis ako kay Gel dahil sa lalaking iyon, 'yong amerikano.

Nag-explain nga siya pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi, hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya pero kasi two years, hindi imposibleng magboyfriend siya. Tsk, sinabi niya nanliligaw lang daw pero hindi mawala sa isip ko kung paano yakapin at hawak siya nang lalaking iyon.

Sa ilang araw na pagmamatyag ko hindi ko nakikita silang magkausap nang sila lang dahil laging naroroon sina Wency pero hindi ko naman maiwasan isipin kapag gabi na baka nagpupunta ang lalaking iyon kay Gel, malayo ang room na tinutulugan namin ni Gel nung una sa room ni Lola kung saan si Gel lumipat, hindi ko nakikita sila.

Naguguluhan ako, may part kasi sa akin na naniniwala sa paliwanag ni Gel pero hindi ko naman maiwasang  mag-isip nang kung anu-ano.

"Mahal niyo ang isa't-isa, bakit di niyo ayusin?" Sabi pa ni Rico.

"Stanley, mahal ka nang kapatid ko, alam mo 'yon, kung iyong si Klent ang pinagseselosan mo ay hindi na dapat, haven't you see how Angela talk to that guy? Ibang-iba sa'yo. Tandaan mo, bumalik siya dahil sa'yo."

Nakuyom ko kamao ko.

Hindi ko naman nakakalimutan iyon ehh pero di ko lang maiwasang mag-isip nang kung anu-ano at ayoko munang makipag-ayos kay Gel, may mga bagay pa akong gustong alamin.

"Huwag mo nang patagalin itong problema niyo, ayusin niyo bago pa kayo magsisi." Aniya uli then tinapped ako sa balikat then iniwan na ako.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa bleacher nang team namin.

Ginala ko paningin ko wala si Angela, nagtataka lang ako bakit wala siya, hindi pa tapos ang game. Lumapit ako kay Tommy.

"Si Gel?" I asked.

"Umalis, dala na niya 'yong gamit niya, nagpaalam na kina Coach, gusto na muna daw niyang magpahinga." Sagot ni Tommy, napakunot noo ko, gustong magpahinga? May dinadamdam ba siyang sakit? Sabi niya magaling na siya, nagsisinungaling lang ba siya?

"Mataas ang lagnat ni Gel, ewan kanina okay pa naman siya bigla bigla na lang." Napalingon ako kina Coach. Mataas ang lagnat? Bakit?

"Hindi lang iyon Coach, may napansin akong mga pantal sa balat niya." Sabat ni Markiel.

Lumapit ako sa kanila.

"What happen to Gel?" I asked. Lahat sila napalingon sa akin.

"Hindi pa namin alam kung anung reason, sabi nang isang kaibigan niya habang pabalik sila nang hotel nilagnat si Gel." Anang Coach Sany.

Mabilis akong tumalikod pero pinigil nila ako sa akmang paghakbang.

"Ikaw ang pag-asa nang team kapag umalis ka lalong malulubog ang team natin." Seryosong sabi ni Coach William.

"Coach William was right Captain, kapag umalis ka paano na ang team?" Ani Orlie naman.

Napabuga ako nang hangin at napakuyom nang kamao, importante sa akin itong laro but Angela was more important.

"Hindi mo pwedeng iwan sa ere ang team Stanley, do you remember last time you leave us behind?" Ani Coach Gillian, naalala ko na naman ang nangyari noon dahil sa ginawa kong pag-iwan sa team, si Angela naaksidente at ayokong may isa na namang tao ang bubuhat nang responsibilidad ko bilang Captain.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon