STANLEY'S POV"Stanley, wala pa din ba si Angela?"
"Wala pa din coach." Sagot ko. Gweez ang babaeng iyon ngayon pa talaga nalate, ngayon ang araw nang pagsisimula nang National Football League pero kita mo ang babaeng iyon wala pa din ilang minutes na lang magsisimula na ang parade.
Ilang beses ko na din siyang tinatawagan pero walang sumasagot, hindi niya sinasagot.
"Paano na 'yan, wala pa din siya." Ani Solyie. I heave a sighed then I massage my forehead, nakakafrustrate ang babaeng iyon. Humanda siya sa akin mamaya.
"Let's wait for her." Ani Arvin na inirapan ko. Sasagot-sagot eh no, kausap namin ba siya?
Nagsimula na ang music at nagsasalita na din ang host, nagsibaba na din ang mga nasa unahan naming school, sumunod ang iba at kami. Luminya kami sa field, Kumpleto na ang 55 teams from different school all around the Philippines ang kasali. Magulo at maingay ang paligid. This is going to be exciting. 55 teams 55 schools for only one trophy na magkakaroon nang chance to compete for International Football League.
A prestigious football competition where all the best team from different country will be joining.
Nabalik ako sa realidad nang magsalita na ang host.
"Everyone be ready."
Nagpalinga-linga ako wala pa din ang babaeng 'yon. Now we will start without her. Tsss. Yan ba sinasabi niyang siya ang magiging Centre forward? Tsk, hindi maaasahan.
Luminya na kami, lumapit si Coach sa amin.
"So, kayo nalang hindi na talaga makakaabot si Angela." Ani Coach. Tsk, ano ba kasing ginagawa nang babaeng iyon? Sa daming araw na hindi siya magpapakita ngayon pa talaga kung kailan magsisimula na ang League.
"Oh ayan na siya." Ani Arvin, napatingin ako sa direksyon na tinuturo ni Arvin, geeez, kita mo ang walang hiya, talagang sa dami pa nang mga tao dumaan at nakipagsiksikan na pwede naman sa harap siya dumaan na walang masyadong tao.
Humihingal siya nang makarating sa amin.
"Coach, sorry." Aniya while breathing so heavy. Puno din nang pawis ang mga noo niya at nang mapatingin ako sa mga mata niya, namamaga ito. Kumunot noo ko, umiyak ba ang babaeng 'to?
"Sige na, buti na kaabot ka." Anang Coach. Ngumiti ito nang tipid at naglakad papunta sa likod nang padaan siya sa akin hinila ko siya at sa harap ko siya pinatayo. I wipes her sweat using my face towel. Wala din naman siyang imik. Natapos ko nang punasan ang mga pawis niya tapos tinitigan ko siya, nakatitig din kasi siya sa akin.
"Psh, umayos ka nga para kang walang tulog." Aniko.
Napaiwas siya nang tingin at hindi man lang umimik. Himala at tumahimik. Ano kayang problema nito?
"Sige na guys magsisakay na kayo sa truck." Anang Coach.
Nagsisakay na kami sa truck na gagamitin namin para sa parade around the cavite. Inalalayan ko siyang umakyat. Si Bryan nakatingin kay Angela pero agad ding umiwas nang makita ako. Tsss.
"Kapit ka diyan." Aniko kay Angela, kumapit naman siya sa bakal.
Wala siyang imik o reklamo hanggang sa magsimula na ang parade. I heave a sighed, nakakapanibago.
Nasa tabi ko siya and she's still silent, okay. Gusto ko mang mag-usisa hindi ko na lang ginawa, sabihan pa akong tsismoso ehh. O kung hindi man baka mambulyaw.
Biglang tumigil ang truck kaya muntik na kaming masubsob at buti na lang hinawakan ko si Angela sa baywang at hinila agad kaya hindi siya napasubsob sa unahan. Napatingin ako sa kamay kong nasa baywang niya, hinawakan kasi niya ito nang mahigpit, nanlalamig ito na nanamamawis. Kumunot noo ko. Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Aist, nakakainis, gusto ko siyang usisain kaya lang may pumipigil sa akin. Sinilip ko mukha niya pero she's serious.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...