STANLEY'S POVNapakunot noo ko na naman nang mapansing wala si Angela. Kanina hindi na nga siya tumulong, ngayon naman kahit magpresintang maghugas nang pinggan hindi niya ginawa at talagang nagtago pa. Geeez, 3 weeks akong maiinis, maaasar, magagalit, mababadtrip sa babaeng iyon.
Pero di na bale hindi ko na lang siya papansinin, mas lalo lang siyang mang-iinis kung pinapansin ko siya, kung binibigyan nang atensyon, kung sinasayangan nang oras para ituwid ang pagkakamali niya kasi kapag pinagsasabihan mo may isasagot at may isasagot talaga siya, ewan ba't sobrang talino nang babaeng iyon, hindi papatalo.
Tsk, like kanina, maayos ako na nagpasalamat pero tinawanan niya ako, sinabihang may taning daw ang buhay ko, tsk, ganon ba iyon kapag nagpapasalamat ka? Tsk, hindi ba pwedeng magpasalamat ang tulad ko? Hindi man lang siya nakiramdam, tsk. Nakakairita plus ang video ni Nica, inasar pa ako, tsk, pinipilit ko na ngang huwag siyang bulyawan, sigawan, sampalin pero geeez nakakairita talaga siya, may words talaga siyang sasabihin na ikakainis mo at kahit pinipilit mong maging mabait hindi nangyayari dahil kung siya kaharap mo mamamatay ka sa asar sa salita at galaw nang babaeng iyon.
"So, sinong maghuhugas nang mga plato? Mukhang si Gel nagtago na sa room niya." Ani Bernie sabay ngisi.
Kakatapos lang naming maghapunan at siyempre naunang natapos ang babae kaya nga wala na siya dito, tsk, ang lakas niyang kumain at ang bilis pa, geeez siya lang ata ang kilala kong hindi alam ang salitang diet, tsk, seriously? Siya kumakain nang walang arte, walang pili, tapos walang hiya-hiya. Psh, wala naman talagang hiya iyon bakit magtataka pa ako? Pero I admit I like the way she is. Mayaman pero iba sa mga babae sa school. But No, hindi ko siya gusto, ayoko sa bastos.
"Sige ako na." Presinta ni Solyie, I just raised my brow, seriously? Marunong maghugas nang plato ang isang 'to?
"Tutulungan ko siya." Ani Arvin naman tapos tumayo na ito at umalis nang lamesa.
Then? sila na ang masipag.
"Guys, Captain." Napakunot noo ko nang patakbong pumasok si Tommy.
"Why?"-Bryan.
" Si Gel may show maya-maya sa bar." Tuwang tuwang pagbabalita nito.
"What?" Biglang bulalas ko na ikinatahimik nang lahat. Show? Anong show? Anong kalukuhan nang babaeng iyon? Hindi na nga maghuhugas nang plato nagawa pa niyang magshow sa bar? Tsk.
"Anong show?" Walang emosyon kong usisa.
"Ahmm captain, kakanta po siya at sasayaw mamaya." Turan nito.
Kanta? Sayaw? At paano siya napadpad don? At paano siya nakapasok don?
"Talaga? Wow, ang saya non. Manonood tayo." Tuwang tuwa namang sabi ni Bryan.
I clenched my fist, talagang ang babaeng iyon, ang daming alam, ang daming pasikat sa buhay. Puwes, pupuntahan ko siya ngayon at kakaladkarin paalis nang bar at hindi ako papayag na may aalis, walang pupunta nang bar, walang magsoshow, walang manonood.
"Walang aalis." Matigas kong sabi. Napatingin silang lahat sa akin.
"Bro."-Bernie
" Matutulog tayo nang maaga dahil bukas na magstastart ang training." Mariing sabi ko.
"Geeez, Bro, manonood na muna tayo. 7 pm pa lang naman. Sige na Solyie maghugas na kayo nang plato para makapanood tayo." Anang Bryan. Napatiim bagang ako.
"Walang manonood. Hindi ba kayo susunod sa akin?" Pabulyaw ko.
"Captain bukas pa official na magsisimula ang training kaya ngayon walang pakialaman kung anong gagawin nang bawat isa." Napataas ang kilay kong tumitig kay Arvin. I have given him a right to speak? Are he really trying me? Matagal na din akong nagtitimpi sa isang 'to.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...