Chapter 67

3.5K 79 3
                                    


ANGELA'S POV

Kuyom ko kamao ko habang tinatakbo ang building kung saan ang office ni Mr. Serano. Hindi ako papayag na hindi ako makakapaglaro. Andito na ako magpapapigil pa ba ako?

Walang hiya talaga ang lalaking iyon, pati ba naman pangarap ko sisirain niya? Hindi pa ba sapat sa kanya ang pangtatanggi niya kung sino ako? Kulang pa ba ang sakit na dinulot niya? Ang mga salitang binibitawan niya?

I accidentally heard kanina ang pinag-uusapan nang team namin at ni Coach, nagtaka pa ako kung bakit sila lang ang nag-uusap at hindi ako sinali then don ko naintindihan na hindi ko pala ako kasali sa usapang iyon kundi ako ang topic.

Para akong nabuhusan nang malamig na tubig kanina nang marinig ko ang balak ni Mr. Serano same time umakyat ang galit ko.

Gumagawa na naman siya nang kawalang hiyaan.

Pinahid ko ang mga luha ko, lalo kong binilisan ang takbo ko, gagawin ko ang lahat huwag lang niyang alisin ang pangalan ko, huwag lang niya sirain ang pangarap ko.

Hindi ko napansin na may mababangga ako kaya naman napaupo ako sa lakas nang banggaan namin.

"Miss pasensiya na." Napaangat mukha ko at tiningan ito. Nasa mid 40's na babae ang nakabanggaan ko. Parang nagulat siya nang makita ang mukha ko. Pinahid ko uli ang mga luha ko na patuloy na pumapatak.

Tinulungan niya akong tumayo.

"So..sorry po Maam." Aniko sabay yuko. Tapos mabilis na akong umalis, hindi ako pwedeng magsayang nang oras.

Nakita ko si Mr. Serano na papaakyat palang nang hagdan.

Hindi ko siya tinawag o ano man bigla lang akong sumigaw nang malakas, I don't care people around. May klase pa naman ngayon at medyo marami ang nasa hallway at field. But who cares? Halos lahat napatingin sa akin, si Mr. Serano napalingon at kumunot ang noo.

"PATI BA NAMAN ANG PANGARAP KO SISIRAIN MO?" Sigaw ko habang papalapit.

"Don't make any scandal here." Mariing sabi niya habang tinitigan ako nang matalim. Lalo kong kinuyom kamao ko.

"Bakit? Bakit pati ang paglalaro ko nang football pipigilan mo? Bakit? Inaano ba kita? BAKIT MO PINAALIS ANG PANGALAN KO? ANO BANG KASALANAN KO SA'YO AT GINAGANITO MO AKO?" Wala na akong pakialam kung anong sasabihin nang mga nakakakita at nakakarinig, I was really in anger this moment and noone could stop me. I don't care about people, I don't care of him.

"Angela tumigil ka. Mahiya ka nga. Anong sasabihin nila sa'yo? Huh? Na bastos ka at ginaganito mo ang may-ari nang pinapasukan mo?" I smirked to his words.

"Concern? Or ayaw mo lang malaman nila kung ano ang totoo?" Aniko. Matalim niya akong tinitigan.

"I warned you, stop this before you regret." Mariing sabi niya tapos dinuro ako.

I smirked.

"Regret? Mag pagsisisihan pa ba ako? Ginagawa mo naman ang gusto mo ehh, kahit nanahimik ako at walang ginagawa gumagawa ka pa din nang paraan para sirain ang buhay ko. Tama na ang ikatuwa mo ako o itanggi, huwag mo lang sirain ang pangarap ko. All my life, all my time I spend in playing football. And I want to be part of an international team pero ngayon nanganganib nang mawasak iyon dahil sa ginawa mo." Hindi ko na napigilang maiyak. Kahit pinipigilan kong huwag maiyak, huwag magpakita nang kahinaan pero I can't help it.

"Dahil ang tigas nang ulo mo. Ginawa ko iyon para umalis ka na dito, hindi ka nadala sa mabuting usapan so, I use those way to push you out." Mahina ngunit mariing sabi niya. Mas dumarami pa ang nakikinig at nanonood, alam kong ito ang kinakatakot niya pero wala akong pakialam, ito ang gusto niya ih kaya binibigay ko lang. Nanahimik na nga ako pero talagang sinusubukan niya ako.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon