AEIN'S POV"So paano Pres? Susuko ka na?" Tanong ni Gessalie.
I heave a sighed. Binitiwan ko ang ballpen at nagtakip nang mukha.
Naiinis ako kapag naaalala ko na si Angela ay girlfriend na ngayon ni Stanley. Damn that, nakakainis, nakakafrustrate. How it happen?
"Sabi ko naman sayo ligawan mo na agad kasi naman totorpe-torpe." Ani Gessalie tapos hinila ang kamay ko paalis sa mukha ko, kumunot noo ko siyang tinitigan bigla niya ako kinurot sa mukha.
"Bakit kasi ang hina mo? Ayan tuloy. " aniya pa. Tinabig ko kamay niya at muling kinuha ang ballpen at nagpatuloy sa pagpirma nang mga papers.
Oo na torpe na kung torpe. Kasalanan ko na ang hina ko. Arrg kung pwede ko lang ibalik ang kahapon edi sana ginawa ko na.
Aist, hindi ko naman naamin sa kanya nong nagdinner kami sa bahay dahil kasama naman niya ang kaibigan niyang si Jane na nalaman kong nagtatrabaho ito sa kanila, hindi ko naman pwedeng pigilan siya na isama ito. Aist, pero kung kaming dalawa lang ang nandoon, umamin na sana ako pero paniguradong magmukha lang akong tanga at masasaktan din ako kasi sila na pala ni Stanley. Mas mabuti ngang hindi ako nangsabi sa kanya at least hindi ko siya magugulo.
Arrgg, hindi ko maiwasang mainis kung sana noong una palang umamin na ako edi sana ngayon kami na arrg, iyon kung sasagutin niya ako at kung gusto niya ako, psh, nagustuhan niya nga si Stanley ako pa kaya? Oh bakit? Mas mabait naman ako kay Stanley at mas close kami, sila nga ni Stanley laging magkaaway dati at sinampal pa nga siya ni Stanley eh, naalala ko non sa isang resto. Aist, bakit naging sila? Paano nangyari iyon? Hindi ko talaga maisip kung paano nangyari iyon.
"Aist naku Pres. Tama na nga iyan. Kung bigo ka man ngayon wait for another girl. Baka hindi para sa'yo si Angela kaya move on move on pag may time." Anang Gessalie sabay palo sa mesa.
"Ngayon naman pinagmomove on mo ako, dati tinutulak mo ako para umamin sa kanya." Aniko sa kanya.
Naupo siya sa harap ko.
"Dati iyon, iba na ngayon. I want her for you pero dahil may boyfriend na siya ngayon gusto ko nang mag-move on ka para hindi mo na siya isipin at gustuhin." Aniya. Inirapan ko siya.
"Hindi kita maintindihan. I still want her okay kaya tumahimik ka." Aniko.
Napabuntong hinga siya.
"May boyfriend na nga Pres. Hindi pwedeng umasa ka pa. You should find another girl to love."
Umiling ako at sumandal tapos tinitigan ko siya.
"Bakit ikaw? Kahit may girlfriend na ang crush mo patay na patay ka pa din sa kanya."
Napanganga siya tapos biglang napasigaw. Lahat nang nasa opisina sinita siya.
"Geeez, umayos ka nga Gessalie." Saway ko.
"What the heck Pres. Paano mo nasasabi iyan?" Aniya.
"Psh, ang ingay mo kasi kaya umayos ka."
"Not that Pres iyong may girlfriend na patay na patay pa din. Saan mo nakuha iyan?" Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan niya ako.
I smirked.
"Parehas lang tayo ngayon Gessalie kaya huwag mo akong utusan na mag-move on dahil ikaw nga ilang taon na lumipas patay na patay ka pa din sa kanya." Aniko sabay tawa. Bigla niya akong kinurot.
"Pres naman ehh."
"Oh bakit? Totoo naman ahh." Aniko. Kumamot siya nang ulo sabay tayo at iniwan ako.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...