Chapter 147

2.6K 58 11
                                    

STANLEY'S POV

"Stan." Napabuga ako nang hangin.

Naupo sa tabi ko si Abby inabutan ako nang alak, andito kami ngayon sa condo niya, nagyayang makipag-inuman, sa bar sana kaya lang hindi siya pinayagan nang handler niya sa pageant at sinabihan akong sa bahay nalang at samahan ito. Wala na naman akong magawa kundi sumunod. Aist ewan nakakapagod na din pero wala akong choice ehh.

Kumunot noo ko nang maghubad siya nang cardigan niya at natitirang suot niya is sleeveless na fitted, kita ang hulma nang katawan, damn it. Agad kong iniwas paningin ko, wala akong pakialam sa katawan niya.

"Stanley." Napatingin ako sa kanya.

"Gusto mo pa din ba si Gel?"

"Of course." Mariing sagot ko. Si Gel lang naman ang kahit kailan hindi ko pagsasawaang magustuhan.

"Talaga?" Tumayo siya, sinundan ko siya nang tingin, napakunot noo ko na naman nang makitang hinubad niya ang damit niya.

"Damn it, umayos ka Abby." I angrily said. Umiwas ako nang tingin.

"Bakit? You don't like me?" She asked. Lumapit siya sa akin, umatras ako without looking at her.

"You don't like to taste me?" She whisper. Tumayo ako.

"I don't like this Abby. Umayos ka. Nirerespeto kita." Seryosong sabi ko, hinawakan niya ako sa braso.

"Stanley, you and me, only two of us will know this. Give me this night, give me this night to be with you in my bed." She said in seductive tone. Tinabig ko kamay niya at walang emosyon siyang tinitigan.

"I hate flirt girls. I am not stupid Abby, you can't use me, you can't fool me." Mariing sabi ko tapos tinalikuran siya, pabagsak kong binaba ang baso, inayos ang sarili.

I step forward pero I was stop when I heard her sob.

"What the... I didn't do anything to you Abby, huwag buhay ko ang sirain mo, find other guy." Sabi ko tapos nagmadaling lumabas nang condo niya.

She plan this, I sense it from the beginning. Plano niyang lasingin ako at akitin buti na lang hindi ako lasing, buti na lang hindi siya nag-isip nang magandang plano kaya maaga palang nasira ko na ito.

Hindi lihim sa akin na gusto niya ako, I am sure gagamitin niya ang gabing ito to own me, to tell everyone na kami na at may nangyari sa amin, hindi ako tanga para hayaan iyon, hindi pwedeng mangyari ang gusto niya dahil si Angela lang ang gusto kong makasama habang buhay.

Pumasok ako sa kotse ko, napabuga ako nang hangin, buti na lang talaga walang nangyari.

Papaandarin ko na sana ang kotse nang may humarang dito, si Abby.

I open the window.

"What the hell. Ano bang nangyayari sa'yo Abby?" I shouted.

Hindi siya sumagot, hindi din siya umalia kahit nagbeep na ako.

Inis akong bumaba at hinila siya palayo sa kotse ko.

"Abby, what's this? Are you crazy?" Mariing sabi ko.

Tiningnan niya ako nang mabuti.

"I want you." Mahina niyang sabi. Binitiwan ko siya at namaywang.

"Abby please. I don't like you. You know that." Mariing sabi ko.

"Sige na bumalik ka na sa bahay mo." Sabi ko tapos tumalikod pero nagulat ako nang hinila niya ako paharap sa kanya at hinalikan ako, pinipilit kong itulak siya pero hindi niya ako pinapayagang kumawala kaya naman I used my whole strength, tinulak ko siya nang malakas.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon