Chapter 94

4K 95 11
                                    

ANGELA'S POV

Napabuntong hinga ako, ang tagal bumalik nina Wency at Danila, may pinabili lang ako kanina pa sila umalis pero hanggang ngayon wala pa din.

Sumandal na lang ako sa unan at napatitig sa ceiling, kakagising ko lang kanina, two days daw akong tulog after nang surgery. Kanina chineck nang doctor ang lahat sa akin, tapos kinuha na mga apparatuses na nakakabit sa akin, okay naman na lahat at ang pakiramdam ko maayos na din maliban na lang sa kirot paminsan-minsan sa ulo ko dahil sa surgery na ginawa. Hindi ko pa pala natatanong sa kanila bakit nag-undergo ako nang surgery. Mamaya na lang pagbalik nila.

At isa pa pala, nanghihina pa katawan ko at di ko pa maigalaw nang maayos ang mga paa ko at katawan pero kamay ko nagagawa ko namang igalaw nang maayos at yong pagsasalita ko pa pala medyo utal-utal pa.

Bumukas ang pinto, napatingin ako don, sina Wency at Danila bitbit na ang pinabili ko, nagugutom na kasi ako, gusto ko nang kumain.

"Oh heto na huh, uubusin mo 'to." Ani Danila, sinalin niya ang pinabili kong lugaw sa kanya, si Wency naman naghanda nang iinomin kong tubig.

"Mamamaya pa pala dadating si Lola, may meeting pa ehh." Ani Wency. Napatango lang ako.

Napatingin ako sa dalawa. Nung isang araw pinaalis ko sila pero heto nandito pa din sila. Sa totoo lang hindi naman sila dapat kasama don, sina Rico lang maman gusto kong umalis pero wala ehh nadamay sila. Sana maintindihan nila.

"Susubuan kita." Ani Danila na naupo sa harap ko then nakangiting hinipan ang lugaw at isusubo sana sa akin. Hindi ko binuka bunganga ko, ginalaw ko kamay ko at kinuha sa kanya ang kutsara.

"Ka...kaya..ko." Aniko.

Tiningnan niya ako nang mabuti kaya naman ngumiti ako.

She heave a sighed pero ngumiti din.

"If hindi mo kaya just tell us." Ani Danila. Tumango ako.

"Pero dapat hindi ka naggagalaw muna baka mabinat ka." Ani Wency.

"I..I-I'm...okay." Aniko then give them a smile, nagsubo na din ako dahan dahan.

Nagkwento sila nang mga masasayang araw namin, napapangiti ako habang inaalala ang mga nangyari noon.

I was stiffen when I remember one man.

"Gel, are you okay? San masakit?" Usisa ni Wency. Dahan-dahan akong umiling tapos pinilit kong ngumiti.

"Sabihin mo sa amin. We're here to listen." Ani Danila.

I heave a sighed. Hindi ko talaga maiwasang isipin siya, alam ba niya nangyari sa akin? Nagpunta ba siya dito? Binantayan din ba niya ako?

I clenched my fist, bakit iyon ang iniisip ko? Iniwan niya kami sa ere nung final game, alam niyang iyon ang pinakaimportanteng laro sa buhay namin. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at ano ang ginawa niya pero sana nagparamdam siya, sana dumating siya kahit late na pero hindi, ni hindi niya kami inisip tawagan, ni hindi siya nagtext. I heave a sighed, maybe it is much more important than our game.

Tapos ngayon mag-eexpect ako na pupuntahan niya ako dito? Na iisipin din niya?

Ano ba ako sa kanya? Isang babaeng nagmakaawang magpanggap kami for my own reason, ginawa lang niya ang pinapagawa ko, wala nang higit pa don, ang halik niya at pinagsasabi niya nung huling araw paniguradong hindi niya iyon gustong sabihin, napilitan lang siya or maybe because he was a guy, likas na sa kanila ang ganong sistema, makikipaghalikan at uso ngayon ang sinungaling. At isa pa hindi niya ako gusto diba?

He just do what he needed. Walang kami, kung nag-usap man kami na gawing totohanan noon well hindi naman nagwork, hindi niya ako gusto ni hindi niya magugustuhan.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon