ANGELA'S POV
"Tomorrow will be our start for the league. Umuwi kayo ngayon and have a rest para bukas. Tandaan niyo, came early at nang makasama sa parade." Anang Coach Gillian. Walang sumagot. Ako naman napabuga nang hangin.
Bukas na, bukas na ang simula nang pinakamalaking league. Ang pinakakaabang na palaro para sa football.
Naeexcite ako kung paano namin maipapanalo ang laban.
"Naiintindihan niyo ba? Everyone get ready." Ani Coach.
"yes coach." Sabay naming sagot tapos pinadismiss na kami ni Coach. Lumapir ako sa bleacher at kinuha mga gamit ko.
"Umuwi ka at magpahinga." Naparolled eyes ako sa boses nang nagsalita. Psh, sobra na kung umakting ang lalaking 'to, napakunot noo ko nang may face towel na dumampi sa leeg ko.
Umayos ako at hinarap siya. Napansin ko na nakatingin sa amin sina Bryan. Arrrggg. Here we are acting na naman.
"Kaya kong magpunas. Ano ka ba." Aniko tapos hinawakan kamay niya.
Naparolled eyes siya kaya inirapan ko siya.
"Sige na umuwi ka na. You need to get a long rest para bukas." Aniya. Nagcross arm ako.
"You should Ex-captain BJ." Aniko.
"Tsss. I am not ex-captain stupid. Tapos na ang deal nakabalik na tayo dito kaya I am now the Captain." Aniya. Sinamaan ko siya nang tingin at tinalikuran.
"Oo na ilang beses mo na 'yan sinabi." Aniko.
"Psh. Mauuna na ako. Ingat ka sa pagmamaneho." Aniya tapos bigla akong hinila at pinaharap sa kanya.
"Geeez, nakakairita ka." Singhal ko. Ngumiti siya tapos nilapit mukha niya sa akin. Kumabog ang dibdib nang sobrang lakas. Geeez, ganito na 'to lagi kapag magkadikit mga balat namin nang lalaking 'to, na sa tuwing gumagawa siya nang sweet gesture. Damn that, ano nang gagawin ko? Paano ko pa 'to mapipigilan?
Napapikit ako nang malapit na ang labi niya sa labi ko ilang sandali pa akong naghintay pero walang lumapat sa labi ko kundi sa noo ko.
"Expecting something. Tsss." Aniya nang bitiwan niya ako, sinamaan ko siya nang tingin. Ang sweet talaga nang FAKE BOYFRIEND ko. Binelat ko siya.
"Pervert." Aniko sabay talikod sa kanya at umalis.
Nakakainis no. Ang sweet pero tss akala mo totoo pero fake nga lang, kasi nga andiyan ang mga team mates namin, malaki nga ang tulong nang pagpapanggap namin dahil hindi na ako kinakulit nina Bryan at hindi din pinapansin o diba ang galing nang acting namin paniwalang-paniwala at ang nakakairita na nakakatawa halos alam na nang mga school mates namin.
Aist, dibale na nga, bahala sila pakialam ko basta ako alam ko sa sarili ko na walang katutuhanan iyon, ako magboboyfriend nang Jerk? What? No way. Never.
Nanlaki mata ko nang makita ang kotse kong butas ang gulong. What the..
Mabilis akong lumapit at inenspeksyong mabuti ang mga gulong nang kotse ko at ang nakakabwisit dalawang gulong pa. What hell, sino ang gumawa nito?
"Oh, hello Ms. DASU." Nilingon ko ito at apat na babae ang nakatayo sa di kalayuan sa akin. Ngising ngisi.
Kumunot noo ko. Kilala ko sila. Psh, sina Cherry ang squad of bitches.
Tumayo ako at inayos ang sarili ko tapos humarap sa kanya.
"Oh kayo pala long time no see huh. Anong atin?" Aniko. Nagcross arm pa ako.
Ngumisi si Cherry at naglakad papunta sa harap ko.
"Miss. DASU, bakit ikaw pa ang pinalit ni Stanley kay Nica? Tell me stupid girl naghubad ka sa harap niya no." Napakunot noo ko. Letche siya. Anong gusto niyang sabihin? Na nilandi ko si Jerk?
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...