Chapter 118

3K 72 3
                                    


THIRD PERSON'S POV

Napabuga nang hangin si Rico nang makita si Angela, ang galit nito na gumuhit sa mukha habang kausap nito ang kanilang Daddy.

"Paano mawawala ang galit niya kay Daddy?" Napalingon si Rico, nakatayo sa likod niya si Renjie.

"Wala tayong magagawa. Hindi natin mapipilit si Gel na patawarin siya." Ani Rico.

"Hayaan na lang muna natin siya Kuya, maaayos din tayo." Sabat naman ni Rey na kakarating lang.

"Ayan na pala ang Daddy niyo." Napalingon silang lahat nang may magsalita sa likuran nila.

"Tita, please huwag ka nang gumawa nang gulo." Ani Rico.

Hindi ito nakinig, nagmadali itong sinalubong ang Mr.

Nagmadali namang sumunod silang tatlo.

"Tita stop." Harang ni Renjie, tinabig lang siya nito, sinalubong nito nang malakas na sampal ang Daddy nila.

"How dare you to show your face here. Ang kapal nang mukha mo." Bulyaw nito.

Nakatitig dito nang seryoso si Mr. Serano.

"Pinatay mo ang kapatid ko. Wala kang hiya." Anito.

"Tita ano ba tumigil ka na." Hinila ito ni Rico.

"Bitiwan mo ako Rico, kailangan kong sabihin ang lahat nang ito sa walang hiya niyong ama." Galit na galit nitong bulalas.

"Rico bitiwan mo siya." Utos nang Mr.

"No Dad, kanina pa siya, sumusobra na." Turan ni Rico.

"Anong sumusobra? Tama lang ginagawa ko." Sabat nang Ginang.

"Shut up Tita, kanina ka pa. Pinahiya mo si Angela." Mariing sabi ni Renjie.

"Bitiwan mo siya Rico." Mariing sabi uli ni Mr. Serano, binitiwan naman ito ni Rico.

"Umalis ka dito Arnel, you don't have right to be here. You are the reason why my sister die."

"And how about you? May karapatan ka bang manatili dito? Have you forgot what you've done to her? Parehas lang tayong may kasalanan sa kanya. Ngayon kung papaalisin mo ako puwes hihilahin kita paalis dito." Mariing sabi ni Mr. Serano.

Natahimik ang babae pero matalim na tinitigan ang Mr.

"Arrrgg. " anito at padabog na umalis.

Nagkatinginan ang magkapatid na Serano.

"Sinaktan niya ba si Angela?" Tanong ni Mr. Serano sa mga anak.

"No, pinagsalitaan lang niya nang kung anu-ano. " sabat ni Rey tapos nauna itong tumalikod, sumunod naman si Renjie dito.

Tinitigan ni Rico ang ama.

"Hindi kita sisisihin sa nangyari kay Mommy, sinabi sa amin ni Mommy na wala kang kasalanan at huwag sa inyo ibunton ang sisi, nawala si Mommy, masakit but we should accept dahil she accept her fate, I saw her happy and that's important to me. Sana ipagpatuloy mo iyang ginawa mo, don't stop to show Angela your concern and care, soon she will accept you and forgive you." Lintaya ni Rico.

Hinawakan si Rico sa balikat.

"Sorry sa inyo, sorry kung ito ang naging kapalit nang ginawa ko, pero pangako hindi ko kayo pababayaan, kayo, si Angela magiging pamilya tayo." Anang Mr. Serano tapos niyakap nito si Rico.

*---***---*

Napakuyom nang kamao si Cherry habang nakikita si Angela na kasama nang mga kaibigan nito, ni Stanley at Aein at iba pa.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon