Chapter 33

4.7K 108 2
                                    


ANGELA'S POV

Nagulat ako nang pagbukas ko nang pinto sina Wency at Danila nakaupo sa couch na paharap sa pinto ko.

Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Wency pero agad kong iniwas iyon at binalingan ang pinto at sinara ito.

Nakaready na ako para sa registration sa league, tsk, pasalamat ang Captain Jerk na iyon at gusto kong makapaglaro sa league kung tinatamad ako nek nek niyang makita pa ako, tsss, paniguradong mababaliw sila sa kakaintay na dumating ako at I am sure mawawasak sila kapag hindi sila makapasok nang league, buti na lang talaga gustong gusto ko talaga makapaglaro kaya pasalamat siya.

Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Danila.

Hindi ko sila nilingon pero naghintay ako nang sasabihin nila.

"Hindi ka ba namin mapipigilan? Hindi ka ba nag-aalala sa kondisyon mo?" Mariing sabi niWency. Napakunot ako nang noo, concern ba siya o ano?

Hindi ako umimik. Tsk. Matagal na din akong hindi nakakaramdam nang pananakit nang ulo at pagkahilo, so ibig sabihin wala talaga akong sakit, tsk, wala namang naging negative result ang general check up na ginawa non sa school, alam ko namang wala kahit hindi pa lumalabas talaga ang resulta. Tsk. I know myself, I know when it has something different and ngayon I know I don't have any illness.

"Tsk. Bakit pa ba namin tinatanong alam naman namin ang sagot." Biglang bulalas ni Wency. Napabuntong hinga na lamang ako at naglakad na uli palabas nang unit.

Tsk. Alam kong susubukan nila akong pigilan pero wala naman talaga silang magagawa kahit ano pang gawin nila. Pero I feel glad kasi nagawa nila akong tanungin, kausapin pero ayoko lang kasing makipag-usap ngayon at ang awkward pa nang sitwasyon namin, tsk naiinis pa din ako, sa Captain Jerk na iyon, sa mga tao, sa epal girl.

Aist, nung kahapon marami ang nangyari, feeling ko pumapangit na ako sa kakafrustrate sa mga tao.

Napabuntong hinga ako, I don't want to stress myself. Bahala sila.

Binuksan ko na ang pinto nang sasakyan ko nang may bumusina, ulo ni Arvin ang lumabas mula sa bintana nang kotseng bumubusina.

"Gel, sabay ka na sa akin." Ngiting sabi niya. Napatango naman ako at mabilis na sinara ang pinto nang kotse ko at agad na sumakay sa kotse niya.

"Isang distinasyon lang ang pupuntahan natin kaya mas mabuting sabay na tayo." Aniya.

"Buti naman, ayaw ko naman kasing magmaneho." Turan ko.

Habang bumibiyahe kami nagkukwentuhan kami sa mga bagay bagay.

Inabot din kami nang isang oras sa biyahe, tsk, traffic, problema nang pilipinas. Kailan pa kasi masusulosyunan? Tsk.

Mabilis akong lumabas nang kotse nang marating namin ang Sports complex kung saan ang registration nang football league.

Maraming tao, iba't ibang school ang nandito base sa mga uniforms, may mga babae may mga lalaki, mix nga pala ang league na 'to, pwedeng magkaharap ang babae at lalaki sa laro, nakaramdam ako nang excitement.

This will be the most exciting part of joining football team, isipin mo iyon masasali ako sa puro boys na team tapos mapapasali pa kami sa league tapos makikipaglaban kami sa mix boys, puro boys, o puro girls. Diba sobrang exciting.

Iba't ibang school, iba't ibang kalaban.

"Gel." Napaupo ako nang mabunggo ako sa isang tao. F*ck, tatanga tanga Gel.

Tinulungan ako ni Arvin sa pagtayo.

"Ayos ka lang?" Usisa niya.

Tsk. Sakit kaya nang puwet ko. Tsss.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon