STANLEY'S POV
Bumalik na nang Pinas ang team namin sakay nang Private Plane ni Mr. Serano. Halos mapuno ang eroplano dahil sa dami namin.
Malayo palang kita na namin ang mga reporters, pero hindi ako magpapainterview hahayaan kong sina Coach gagawa non.
"Wency, Danila, Jane, sabay na kayo sa akin, pupuntahan ko si Gel." Seryosong sabi ko pagkababa palang namin nang eroplano.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Sige." Ani Danila.
"Sasama na lang kami." Ani Bernie. Hindi na ako nagsalita, nauna akong nagtungo sa kotseng naghihintay sa amin malayo sa mga reporters.
"Psh, makisabay din." Ani Arvin na sumakay kasunod ang lima (Wency, Danila, Jane, Bernie at Solyie).
Tahimik lang ako habang nagmamaneho, habang ang anim nagkukwentuhan nang kung anu-ano. Nang dumating ang kami sa bahay nila Gel, agad akong bumaba.
Bubukasan ko na sana ang gate pero nakapad lock ito. Nakapadlock? It means walang tao sa loob?
"What? Hindi sila dito dumiretso?" Bulalas ni Wency.
"Nasaan?" Danila asked. Tiningnan ko silang tatlo. Talaga bang walang alam ang tatlong 'to? Mga kaibigan sila at pinagkakatiwalaan, imposibleng wala silang alam. Hmm.
"Tell me, asan sila? Nasa Davao ba?" Seryoso kong tanong. Nagkatinginan sila.
Kinuha ni Wency ang phone niya.
Nagcross arm ako habang nakatingin kay Wency, ilang sandali may kausap ito. Sa davao ba umuwi sina Gel? Tsk, kapag nakumpirma ko hindi ako magdadalawang isip na puntahan siya.
"Sa Davao? Ang sabi ni Gel dito sila didiretso." Ani Jane naman. Wala ba talagang alam? O nagmamaang maangan lang?
"Maybe nagbago nang isip para hindi mapuntahan." Sagot naman ni Arvin, nilingon ko ito.
"Just shut up." Bulyaw ko, nginisihan niya ako.
"Psh, wala kasing lovelife." Aniko. Natahimik ito, tss tinamaan ang luko.
Binaba ni Wency ang hawak niyang phone tapos napatingin sa akin.
"Ano?" Danila asked.
Napabuga nang hangin si Wency.
"Wala din sila don. Geeez, saan sila nagpunta?" Ani Wency na laylay ang balikat. Pinagmasdan ko ito nang mabuti, nagsasabi ba nang totoo?
"Ehh saan sila nagpunta?" Jane said.
"Stanley pasensiya na wala talaga kaming alam, tulad mo hindi din naman inaasahan 'to." Ani Wency.
Napabuga ako nang hangin. Now saan ko siya hahanapin.
"Bro, maybe wait for her to call you." Anang Solyie.
Tumalikod ako at bumalik sa kotse. Pabagsak akong sumandal at napabuga na naman nang hangin.
Saan? Saan ka nagpunta Gel? Bakit nagtago ka na naman? Sorry sa ginawa ko, sorry kung nasaktan kita, Gel, please come back, aayusin ko na ang problema natin, hindi ko na iyon uulitin.
Nakuyom ko kamao ko, this is my fault, really my fault, ang tanga ko. Kung sana tinanggap ko na lang paliwanag niya edi sana kasama ko pa siya hanggang ngayon habang buhay.
"Tsk, walang magagawa isang pagsisisi mo. Magmaneho ka na." I gritted my teeth, nabubwisit ako sa Arvin na 'to.
"Bro chill, hahanapin natin siya." Ani Solyie.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
JugendliteraturDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...