ANGELA'S POV
Natapos na din ang opening nang National Football League at bukas na magsisimula ang aming laro. Mabilis akong lumapit kina Aein, kasama niya ang mga batang kalaro ko kahapon, sina Jane at Gessalie.
"Ate." Salubong sa akin nang mga bata. Ngumiti ako at tinapped mga ulo nila.
"Good boy ba kayo? Hindi ba nastress sila Ate at Kuya?" I asked them tapos tumingin ako kay Josh. Ang bata na namatayan nang ama kanina lang, I bring him here para makalimutan man lang niya kahit sandali ang pagkawala nang Papa niya, too young to lost his father. Life, it's unfair right? Mabait ang papa niya pero kinuha ito agad nang Almighty God. Ang bata niya pa para mawalan nang ama, he don't deserve to lost a father. Sana hindi nalang siya ang nawalan, sana ibang ama na lang ang nawala.
It is more painful than what happen to me kasi ako kahit papano andiyan pa. Andiyan pa kahit na hindi niya ako kinikilala ehh siya kailan man hindi na niya ito mahahawakan, hindi na niya ito makikita pa.
Kanina sinadya ko silang daanan para sana bigyan nang mga sapatos at uniform nang football at nalaman ko ang nangyari, parang nawasak ang mundo ko, parang pinipiga ang puso ko. Kita ko ang hagolgol ni Josh at mga kapatid niya habang kinukuha nang funeraria ang bangkay nang Papa nila. Kaya nalate ako nang dating dito sa field dahil tinulungan ko muna ang Mama ni Josh para sa maayos na lamay para sa papa ni Josh. I want to help them, hindi naman ako ang taong mata pobre, I have hearts for poor people.
Nasasaktan ako kapag may nakikita akong taong nahihirapan sa buhay, may iba na kahit matanda na nagtitinda pa din, na kahit may kapansanan gumagawa nang way to get a work, life was so unfair, 'yong mayayaman lalong yumayaman habang ang mga mahihirap lalong nalulugmok kaya I promise myself na kapag nabigyan ako nang pagkakataong makakita nang mga taong nahihirapan at deserving na tulungan ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan and now I found them, sina Josh, ang pamilya niya at ang ibang mga bata.
Hndi niyo alam na malambot ang puso ko for the people who don't have nothing, akala niyo puro pagmamaldita lang ang alam ko pero ngayon I wanted to show people, I wated them to know na may puso din ako.
"Oo naman Ate. Good boy kami." Halos sabay nilang sagot. Ngumiti ako at hinawakan kamay ni Josh, umayos ako nang tayo at tumingin kay Aein.
"Salamat sa pagbabantay sa kanila." Ngiti kong sabi sa kanila nila Jane at Gessalie.
"Okay lang Gel. Masaya naman silang kasama." Ngiting sabi nj Gessalie.
"Kuya Pogi." Anang mga bata, lumingon naman ako sa likuran, si Captain Bipolar Jerk naglalakad papunta sa amin.
"Aein, salamat talaga." Baling ko kay Aein, ngumiti siya.
"No probs basta ikaw. Teka san na pala punta niyo nang mga bata?"- Aein said. Buti nga nagkita kami ni Aein sa labas kaya sobrang thankful ako at inako niya ang responsibilidad na bantayan ang mga bata.
Napasulyap ako sa gilid nang may humawak sa baywang ko, si Captain BJ, tsk acting boyfriend na naman.
" Let's go?" Tanong niya. Binalingan ko sina Aein.
"Pupunta kami ni Stanley sa bahay ni Josh, gusto ko sanang tulungan ang Mama niya. Mauuna na kami." Aniko.
"Wait Gel, I want to help too." Napatingin ako kay Gessalie, tapos siniko-siko niya si Aein, napatingin naman ako kay Aein, kamot-ulo itong napatingin kay Josh.
"Sasama din si Pres, diba Pres?" Ani Gessalie sabay silip sa mukha ni Aein. Ngumiti si Aein.
"Oo, sasama kami if pwede." Ngumiti ako.
"Of course mas maganda 'yon. Ikaw Jane?" Baling ko kay Jane. Ngumiti ito at tumango.
"Geeez, thanks guys." Aniko sa kanila.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...