Chapter 31

4.9K 115 3
                                    


WENCY'S POV

"Ayos lang kaya siya?" I close my eyes at nagcross arm.

"Hindi ka ba nag-aalala?" Anang Danila pa.

Kahit kailan hindi talaga matiis nang isang 'to si Angela. Hindi pa ba siya nasanay na mag-iisang buwan na din na hindi kami nagpapansinan? Nakatira nga sa iisang bahay pero parang hindi lang kami magkakilala at madalas wala din siya at gabi na umuuwi kapag matutulog na lang.

Sa tingin ko hindi na niya kami kailangan. Sina Aein at Arvin na kasi kasakasama niya.

"Haist. Until now hindi ko pa din kayang wala siya." Napamulat ako sa sinabi ni Danila.

"Pwede ba Danila. Kung gusto mo don ka sumama." Inis kong sabi sa kanya. Sumimangot siya at umiling-iling. Kasi naman kapag don siya kay Angela, pagmamalditahan lang din naman siya at ayaw pa non nang kausap.

Napabuntong hinga ako. Aaminin ko, nag-aalala din naman ako sa kanya lalo na nang umiyak siya nang todo sa ibabaw nang stage.

Tsk. Nagulat talaga ako nang malamang siya pala ang substitute sa pageant nang mahimatay daw ang dapat na candidate nang department namin. Well, hindi naman bago iyon kasi lagi naman siyang pinanlalaban pero hindi ko lang expected, kasi nga dati kami ang unang nakakaalam kung sasali siya, iba ngayon, nakakapanibago lang pero ganon talaga kailangan naming tanggapin na magkaaway kami.

But why she cried that way? Look like she's been hurt, kahit pinapatahan nila Aein at Arvin hindi pa din tumitigil. Hindi siya ganon ehh. Hindi iyon dahil sa nanalo siya, wala lang sa kanya kung manalo siya o matalo, well malakas ang kumpiyansa niya na laging mananalo siya, hindi naman iyon magiging imposible because she has a talent, had everything kaya niyang makipagsabayan kahit kanino.

Balik tayo sa pag-iyak niya. Ano nga ba ang dahilan?

Napakunot noo ko nang maalala ang huling taong nagkabit nang sash niya. Si Mr. Serano ang owner nang school namin.

He really look familiar. Tsk. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan.

"Dan, have you already seen Mr. Serano?" Baling ko kay Danila.

Napatingin siya sa akin at kumunot noo.

"Nung nagsimula ang foundation week?" Hindi niya siguradong sagot.

I heave a sighed.

"Hindi iyon. Sa Davao. Nakita na ba natin siya don?"

Napaisip naman siya.

Feeling ko connected kay Angela. Haist. Bakit ko ba sila iniisip. Tsk. Kung ano mang dahilan niya, hindi na namin alam iyon, maliban na lang kung magsheshare siya.

Pero hindi niya iyon gagawin, si Angela pa ba? Lalo na magkaaway kami.

STANLEY'S POV

Napakunot noo ko habang nakatingin sa ibabaw nang stage.

Tsk. Ano namang kaartehan nang babaeng ito? Ang arte talaga.

Ngayon lang ata nakatikim nang korona. I rolled my eyes in my thoughts.

I can't believe siya pa talaga ang nanalo. It's really impossible.

"Kuya, kailangan niya tayo." Anang Ray kay Renjie na ikinalingon ko sa kanila pero pinigilan ito ni Renjie nang akmang aalis.

"Dad is there. Magagalit lang siya." Anang Renjie.

"Tsk. Bakit ganyan kayo makareact? Sino ba talaga siya sa buhay niyo?" Di ko napigilang itanong. Nakakapagtaka kasi mga kinikilos at sinasabi nilang magkakapatid.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon