ANGELA'S POV
Nakakainis talaga ang Captain Jerk na iyon. Akala niya kung sinong gwapo, tsk ang pangit naman.
Magkasalubong ang mga kilay ko habang tinatahak ang classroom ko. May pag-uusapan daw pero lecture lang naman, kesyo huwag daw ganito, maggaganyan, tsss, siya lang naman ang maarte, daming sinabi, bahala siya sa buhay niya.
"Gel." Naparolled eyes ako. Speaking of Captain Jerk heto ang girlfriend niyang mabait sa labas pero may lihim. Tsk. Pero mabait naman talaga, hindi ko itatanggi iyon pero nakakainit nang ulo kapag nakikita ko siya, paano pumapasok sa isip ko ang pangit na pagmumukha nang Jerk na iyon. Pwee. Nakakaumay.
"Hey! Anong problema?" Ngiti siyang lumapit sa akin.
Pinilig ko ulo ko, maling idamay ang malaanghel na 'to sa inis ko sa boyfriend niyang Jerk.
Nagbeso beso kami at nginitian ko siya nang tipid.
"Bakit magkasalubong ang mga kilay mo?" Usisa niya.
Napabuga ako nang hangin. Sasabihin ko bang dahil sa boyfriend niyang jerk?
"Wala lang. Wala ka bang klase?" Balik tanong ko.
"Ahh wala. May pupuntahan kasi kami ni Daddy. Kumusta naman ang new Queen?" Ngiti niya akong pinagmasdan. Okay, maganda siya pero hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na ang Jerk na iyon ang boyfriend niya, tsk. sayang ang beauty pero kakawa si Jerk kasi may hindi siya nalalaman tungkol sa gf, aist. Bakit ko ba iniisip ang tungkol sa kanila, bahala nga sila. Buhay nila 'yon, bakit ko naman proproblemahin?
"Gel." Nabalik ako sa ulirat nang tapikin niya ako sa braso.
"Ahh. Heto nagpapagood example. " aniko.
Ngumiti siya tapos niyakap ako.
"Ang ganda mo talaga." Nanggigil niyang sabi. I know right. Pero ngiti lang sinagot ko. Alam naman niya, alam ko, alam nang lahat nang tao na maganda ako, from head to toe. Ako pa kitang kita.
Tsk. Huwag kang kumuntra please lang baka magsisi ka kapag nagreact ka pa. (Peace)
"Oh, here they are." Sabay kaming napalingon sa likuran namin, here's the squad of bitches, naparolled eyes ako at binalingan si Nica. Kami kasi ang tinitingnan nang mga 'to, I am sure naghahanap sila nang gulo. Walang makita kundi kami. Mga epal talaga.
"Sige na umalis ka na." Aniko kay Nica. Tumango siya at humalik sa pisngi ko bago umalis, tiningnan ko siya habang papalayo pero dadaan siya sa nga squad of bitches kaya hinintay ko munang makadaan si Nica pero napakunot noo ko nang hinarang siya ni Epal girl tapos parang may sinasabi, hindi ko naman madinig dahil medyo malayo ako tapos nagtawanan ang mga kaibigan nang epal girl.
Inaapi nila si Nica. Aba ang lakas nang loob nang mga bitches na 'to.
Naglakad ako palapit sa kanila.
"Anong ginagawa niyo?" Malamig kong tanong. Napatingin sila sa akin, si Nica nakayuko at mukhang umiiyak. Geeez, naiinis ako sa babaeng ito dahil kay Jerk pero ayokong inaapi siya nang mga squad of bitches na ito.
Hinila ko si Nica at tinalikuran namin sila pero hinila ng Epal girl ang buhok ko. Napasigaw ang mga nakakakita.
Tsk. Epal girl talaga. Medyo masakit ang pagkakahila niya pero hindi nakakabawas nang ganda ko, maliban sa gulo na ang buhok ko.
Getting into my nerves huh.
Inalis ko ang kamay niya at hinarap ito ng walang emosyon.
"Talagang lalaban ka sa amin?" Taas kilay niyang sabi. Tinaasan ko din siya nang kilay at tinitigan nang mabuti.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Fiksi RemajaDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...