STANLEY'S POV"Gel." I call her. Kanina pa siya tahimik, himala diba hindi nagyabang, ni hindi din nag-ingay. Napatingin siya sa akin pero agad ding umiwas nang tingin.
Kumunot noo ko. Problema nito? Napataas kilay ko nang maalala ko ang isang bagay. Kaya ba siya tahimok dahil ayaw niyang mag-usisa ako nang tungkol sa operation na inuusisa ko kanina?
Ano bang tinatago niya? Hindi man lang niya kanina sinagot iyon. I heave a sighed, kung ayaw niyang pag-usapan iyon hindi ko siya pipilitin.
"Iuuwi na kita." Aniko.
Napasulyap ako sa kanya, nakatingin siya sa akin pero parang nililipad ang isipan.
Seriously? Anong nangyayari sa kanya?
"Gel. Hey!" Muli kong tawag. Parang natauhan siya.
"Sorry. Ano 'yon?" Tanong niya.
"Sabi ko iuuwi na kita."
"Hu-huh? Huwag muna. Pwede bang ihatid mo na lang ako sa bahay nila Josh?" Sinulyapan ko uli siya. Napailing na lang ako, nasa malayo talaga ang isipan niya.
"Sige."
Wala na kaming imik hanggang sa makarating kami sa bahay nila Josh. Bumaba ako para pagbuksan sana siya pero mabilis siyang lumabas, napabuntong hinga na lang ako.
"Thanks. Ingat ka sa biyahe." She said then mabilis na tumalikod. Napatitig lang ako sa kanya na naglalakad na palayo.
Tsk, bakit parang nalulungkot ako? Geeez, ano ba, bahala siya, kung anong pinoproblema niya wala na ako don.
Bumalik na lang ako sa loob nang kotse ko at pinaandar na ito paalis.
Napakunot noo ko nang makita ang hindi pamilyar na kotse na nakaparada sa garahe nang bahay namin, itong bahay kung saan si Dad nakatira. I have my own unit but sometimes I choose to sleep here lalo na kapag nakakaramdam ako nang boredom.
Tinahak ko na ang pinto nang bahay namin. Nang pumasok ako dinig ko ang ingay nang boses lalaki at boses nang babae.
Sa kusina ko ito naririnig kaya pinuntahan ko ito, natigilan ako nang makita ang kasama ni Dad. Natigilan din sila nang makita ako.
"Stanley." Anang babae tapos mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako. I clenched my fist so hard. Bumabangon ang samo't saring emosyon dito sa loob ko.
Nang humiwalay siya hinawakan niya ang pisngi ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"I am glad to see you. Stanley, anak." Umiwas ako nang tingin at umatras.
"What are you doing here?" Walang emosyon kong tanong.
"Stanley, ano bang klaseng tanong iyan?" Bulyaw ni Dad. Lalo kong nakuyom kamao ko.
"Anak, patawarin mo ako." She said then hold my hand and kiss it. Tinabig ko kamay niya at tinitigan siya nang mabuti
"Patawarin?*smirk* umaasa kang papatawarin kita?"
"Stanley, ano ba. Umayos ka." Sigaw ni Dad pero hindi ko siya pinansin nakatitig lang ako sa babaeng nasa harap ko.
"Stanley, mag-usap tayo, magpapaliwanag ako, I'll tell you everything." Hinawakan niya ako uli sa kamay pero tinabig ko uli ito at umatras nang ilang hakbang palayo sa kanya.
"Wala tayong dapat pag-usapan, wala kanb dapat sabihin. From the start alam ko na, tinanggap ko na." Walang emosyon kong sabi tapos tumalikod ako pero may humila sa akin at sinuntok ako sa pisngi at tumba ako, lasa nang dugo ang natitikman ko sa bumanganga ko.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...