ANGELA'S POVNapabuntong hinga ako, heto na naman ang mga tingin nila. Mga tingin nilang nakakairita, sarap patulan pero huwag na ako lang mapapagod sa kakapatol sa mga taong walang magawa sa buhay.
Tinahak ko na lang ang papunta sa classroom namin pero hindi pa ako nakakaakyat nang hagdan nang may babaeng hinila ako tapos pinagsalitaan nang kung anu-ano.
"Kapal mang mukha, pinapalayas ka na hindi ka padin umaalis." Anipa nito.
Tapos may lumapit uli at nagsalita na naman nang mga kung-ano ano hanggang sa dumami na at dinuduro na nila ako, paulit-ulit na sinasabi tapos pinapalayas ako.
I clenched my fist, papatol na ba ako? Pero ayokong magpagod sa kakasagot sa kanila may laro pa kami mamayang 3pm I need to be relax pero kasi sa sitwasyong ito hindi din ako makakapagrelax.
Humanap ako nang way to escape this situation pero pinapalibutan na nila ako.
Napatakip lang ako nang tainga habang hinahayaan sila sa ginagawa nila. Mga kung anu-anong mga sinasabi, dinig ko pa din kasi.
"Walang hiya."
"Ang kapal nang pagmumukha mo. Pinaaalis ka na nga nang may-ari nang school pero heto ka pa din."
"Hindi ka bagay maging Ms. DASU, nakakahiya ka."
"Ang bastos, walang respeto." Ilan lang 'yan sa pinagsasabi nila. Narinig ko na iyan kahapon kaya sawang-sawa na ako pero as what I've say hindi ako dapat magsasayang nang lakas na patulan ang mga ito.
Nagulat ako nang may sumigaw at pinaaalis ang mga nakapalibot sa akin.
"Mga letche layuan niyo siya." Nasa harap ko na siya.
"Nica? Anong ginagawa mo dito?" Aniko. Hindi niya ako sinagot patuloy lang niyang pinapaalis ang nakapalibot sa amin. At may ilang nanonood mula sa malayo.
"Tumigil nga kayo at magsilayas. Hayaan niyo na siya." Sigaw ni Nica. Hinawakan ko siya sa braso.
"Nica you don't need to do this." Aniko, tiningnan niya ako at nginitian tapos binalingan uli ang mga nakaumpok.
"ANO BA? HINDI KAYO TITIGIL? PWEDE KO KAYONG IREKLAMO." Sigaw ni Nica.
"Kinakampihan mo pa ang babaing iyan? Dapat pinapalayas na 'yan." Anang isa.
"Gusto mo ikaw ang palayasin ko?" Ani Nica. Nakipagtitigan ang babae sa kanya.
"Hoy! Buntis tumigil ka nga diyan, hindi ka namin inaano, si Angela ang kalaban namin dito o baka gusto mong mapansin ka din at mapag-usapan na buntis ka, kaya ka nagpapansin." Anang babae.
"Kaibigan ko si Angela kaya dapat lang na ipagtanggol ko. Mga wala kayong magawa sa buhay. Leave Angela alone." Mariing sabi Nica.
"Akala mo kung sino ka. Dahil gusto mong pag-usapan ka din kaya ka nakikisawsaw? then pag-usapan, ano gusto mong sabihin ko? naglandi ka at nagpabuntis? Iyon ba ang gusto mo?"
Kumunot noo ko tapos hinawakan si Nica at hinila at ako ang humarap sa babae.
"Nagtitimpi lang ako huh, kung ako ayos lang na gawin niyong nakakatawa huwag lang si Nica." Mariing sabi ko. Tinaasan niya ako nang kilay at nginisihan. Tinaasan ko din siya nang kilay.
Nagulat ako nang may tumamang mineral water kay Nica sa likod. I clenched my fist so hard at tumingon sa mga taong nasa likuran ni Nica, nauubos na ang pasensiya ko, mga walang hiya.
"Just tell us whatever you want but NEVER EVER hurt Nica." Mariing sabi ko.
"Gel ayos lang ako." Ani Nica na hinawakan ako sa braso.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...