AEIN'S POVNapakunot noo ko nang makita si Bryan na hinihila si Angela.
"Teka, anong ginagawa nang lalaking 'yon kay Angela? Mukhang kinakaladkad niya." Ani Gessalie. Napatayo ako.
"Gessalie take care of them. Pupuntahan ko sila." Aniko at mabilis na bumaba at tinungo ang dinaanan nila.
Ano bang ginagawa ni Bryan kay Angela? Geeez, wala siya kanina sa laro nila tapos ngayon magpapakita tapos kakaladkarin lang si Angela. Walang hiya.
Nakita ko sila na nasa parking lot, lalapit na sana ako pero I was pause and listen to they're argumentation.
Kunot noo akong nakinig sa palitan nila nang salita, napakuyom ko ang kamao ko nang madinig ang isang bagay na sinabi ni Angela.
The hell. Mabilis akong lumapit at hinila si Bryan at sinuntok, natumba ito sa ground.
"AEIN?" Gulat na bulalas ni Angela. Hinawakan ko sa braso si Angela at nilayo kay Bryan, tinitigan ko matalim si Bryan. Walang hiya ang lalaking ito. Paano niya nagawa iyon kay Angela?
"Aein, tara na, hayaan mo na siya." Ani Angela hinihila ang laylayan nang damit ko pero hindi ko siya pinansin kay Bryan ako nakatitig. Tumayo ang g*go at nakangising tumingin sa akin.
"Nakikinig ka sa usapan nang may usapan, alam mo bang mali iyon?" Anang Bryan. Sinamaan ko siya nang tingin.
"Walang hiya ka. How dare you to disrespect Angela? " mariing sabi ko.
"Aein, hayaan mo na, tayo na." Hawak na ako sa braso ni Angela.
"Angela kailangan niyang maturuan nang leksyon." Aniko.
"Halika na. Walang nangyaring masama sa akin, hindi siya nagtagumpay. Hayaan mo na tayo na."
Nilingon ko si Angela.
"Binastos ka niya Angela, hindi pwedeng hayaan ko lang iyon. Teka, alam ba ni Stanley ito? Alam ba niyang binastos ka nang kaibigan niya?" I asked her pero umiling siya. Geez, sabi na ehh.
"But he needs to know." Aniko. Napalingon ako kay Bryan nang tumawa ito.
"Si Stanley? Ano namang pakialam niya sa nangyari kay Angela?" Kumunot noo ko.
"Anong pinagsasabi mo? Dapat naman talagang malaman ni Stanley ang kagaguhan mo." Mariing sabi ko.
Nginisihan niya ako habang pailing-iling. I really clenched my fist so hard. Walang hiya talaga.
"Alam mo ba kung bakit?"
"Shut up Bryan. Aein let's go, hayaan mo na siya." Hinila ako ni Angela pero hindi ako nagpadala, nagmatigas ako at matalim na tumitig kay Bryan.
Anong kag*guhan ang sasabihin nang lalaking 'to?
"Angela, tell him the truth. Ang pagpapanggap niyo is now over." Kumunot noo ko sa sinabi nito. Pagpapanggap? The truth?
"Anong kalukuhan ang pinagsasabi mo?" Sigaw ko.
Tumingin ito kay Angela tapos tumingin sa akin.
"Nagpapanggap lang silang dalawa, niluko nila tayo. There's no love between them, no relationship."
Natigilan ako sa sinabi niya. Nagpapanggap? Niluko? No love? No relationship?
It means walang Stanley at Angela love story? Nagpapanggap lang sila? So may pag-asa ako kay Angela?
"I told you, noon 'yon hindi na ngayon dahil totoo na relasyon namin. Pwede ba Bryan just leave us alone." Galit na galit na sigaw ni Angela. Napatingin ako kay Angela. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, kung anong mararamdaman ko. Sinabi ni Bryan na nagpapanggap lang sila ni Stanley tapos ngayon sasabihin niyang totoo na relasyon nila, alin ang paniniwalaan ko?
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...