STANLEY'S POVAgad kong nilapitan si Angela nang matapos ang game. Oo panalo kami pero halata sa kilos ni Angela na natetense siya habang nakikipagagawan nang bola. Maybe because dati niyang kateam ang kalaban namin.
Hinawakan ko siya sa braso. Nilingon niya ako na nakakunot noo at agad na tinabig ang kamay ko.
"Lets talk." Seryosong sabi ko. Marami akong gustong itanong sa kanya, marami akong gustong sabihin sa kanya, marami akong gustong malaman sa kanya.
"Wala tayong dapat pag-usapan." Mariing sabi niya tapos tinalikuran ako. Kumunot noo ako at sinundan siya.
"Angela mag-usap tayo." Mariing sabi ko. Muli ko siyang hinawakan sa braso. Puno nang galit ang mga mata niyang tumitig sa akin.
"BITIWAN.MO.AKO." matigas niyang sabi. Hindi ko siya pinakinggan, lalo ko pa ngang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
"Mag-uusap tayo sa ayaw at gusto mo." Mariing sabi ko tapos hinila siya.
"Ano ba Stanley, bitiwan mo ako." Nagpumiglas siya at pilit na inaalis ang kamay ko.
"Excuse me." Harang ng isang taga Green Hyena sa amin pero nilagpasan ko ito habang hila si Angela.
"Stanley, bitiwan mo ako. Nakakahiya sa mga tao." Kunot noo kong nilibot paningin ko, halos lahat nakatingin sa amin pero wala akong pakialam. Bahala sila sa gusto nilang isipin.
"Stanley bitiwan mo siya." Matalim kong tiningnan si Bryan. Pakialamero. Pero hindi ko din siya pinansin.
'Putcha, bitiwan mo ako." Sigaw ni Angela. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Sumama ka nang maayos sa akin at hindi ka masasaktan." Seryoso kong sabi.
Tinaasan niya ako nang kanang kilay.
"Pwede ba tumigil ka, bitiwan mo ako dahil in the first place we don't need to talk, wala tayong dapat pag-usapan. Bago pa ako makagawa nang ikakagalit mo bitiwan mo na ako." Mariing sabi niya.
Tinitigan ko siya nang mabuti.
"Lets talk Angela." Pagkuway mahinang sabi ko. Umiling siya at umatras.
"Stanley, huwag mo siyang pilitin kung ayaw niya." Nilingon ko si Bryan.
"Huwag kang mangialam dito." Aniko dito.
"Bakit di ako mangingialam? Wala kang karapatang pilitin siya. Baka nakakalimutan mong wala na kayo I mean walang kayo in the first place." Pinanliitan ko siya nang mata.
"Wala kang alam." Mariing sabi ko.
"Tumigil kayo. Pwede ba layuan niyo akong dalawa. Ikaw Bryan just leave me alone. Huwag ka munang lumapit sa akin. At ikaw Stanley tigilan mo ako." Napatingin ako kay Angela, sinamaan niya ako nang tingin tapos tinalikuran. Hinabol ko siya at muling hinawakan sa braso.
"Ano ba." Bulalas niya.
"Sumama ka nga sa akin." Mariing sabi ko.
"NO! at hindi mo ako mapipilit." Matigas niyang sabi.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya. Nakatitig siya sa akin, kaya sinalubong ko ito. Pagkuway umiwas siya nang tingin. Napabuga ako nang hangin.
"Please Angela, lets talk." Nahinang sabi ko.
"Tama na Stanley, tigilan mo na ako. Ayokong makipag-usap sa'yo dahil wala naman tayong dapat pag-usapan." Aniya, tapos tinitigan ako nang seryoso.
"Meron Angela. Please lets talk in private. Marami akong gustong sabihin sa'yo." Mahinahon kong sabi. Umiling siya at inalis kamay ko.
"Stanley." Napalingon kaming pareho sa pinagmulan nang boses, nakatayo si Nica at pinagmamasdan kami. Napakuyom ako nang kamao ko. Wrong timing. Bakit siya andito? Sabing pupuntahan ko na lang siya. Geeez.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...