AEIN'S POV"Kailangan pa ba nating iakyat ang problemang ito sa korte?" Tanong nang ina ni Wesley kina Mr. Serano at kay Daddy.
We're here at DASU meeting room. Pinatawag kaming lahat ni Mr. Serano maliban kay Cherry. Para pag-usapan namin ang tungkol sa kaso.
"Bakit hindi? May kasalanan ang anak mo." Mariing sabi ni Mr. Serano.
"May kasalanan din ang anak mo sa anak ko Mr. Ediera, he needs to pay this." Mariing sagot nang Ginang na ina ni Wesley. Psh kasalanan naman iyon nang anak niya kung bakit ko iyon nagawa. Tsk, sino ba namang hindi magagalit sa nalaman at sa nakitang kabastusan non.
"Kaya nga sa korte tayo magkita." Walang emosyong turan ni Daddy, alam ni dad ang kwento at alam kong sa akin siyang naniniwala at isa pa totoo naman lahat nang sinabi ko. Hindi ko kailangang magsinungaling kay daddy para kampihan niya ako.
Ako, seryoso lang na nanonood sa mga magulang namin na nagkakasagutan. Habang si Gessalie, iwas na iwas ang tingin kay Wesley na nasa kabilang bahagi namin pero paharap sa amin. Habang si Wesley matalim na nakatitig sa akin na hindi ko naman inurungan ang mga titig. Siya ang dapat na mahiya kesa sa amin. Tsss. Buti nga bugbog lang inabot niya mula sa akin at nakapagpigil pa ako.
"Bakit di na lang natin areglohin ngayon?" Anang ama ni Wesley.
Areglohin? Ang laki kaya nang kasalanan nang Wesley na ito kay Angela at Gessalie. Areglo, tsss, lalaban ako sa korte hindi ako papayag na areglohin lang 'to. Dapat mapagbayaran niya ang kag*guhang nagawa niya.
"Areglohin? Pagkatapos nang ginawa nang anak mo sa anak ko?" Ani Mr. Serano. Tss, kaya nga hindi maaaring makipag-areglo.
"Oo na may kasalanan ang anak ko but this is all that woman's fault, I mean 'yong Cherry ang pangalan." Turan nang ina ni Wesley.
"Ako na bahala kay Cherry, ang iaakyat natin sa korte ay ang kasalanan nang anak mo." Sinamaan nang ina ni Wesley nang tingin si Mr. Serano.
"Okay fine. Let's met in the court. Mr. Ediera itutuloy na namin ang pagpapafile nang case laban sa anak mo at sisiguraduhin kong makukulong iyang anak mo." Anang Ginang. Tsss. Kung makukulong. May reason ako for that. Hindi ako natatakot, alam kong di ako makukulong at alam ko tama lang ang ginawa ko.
"Mrs. Haharapin muna nang anak mo ang kasalanan niya sa anak ko at sa dalagang ito." Ani Mr. Serano turo si Gessalie.
"Testigo si Aein sa ginawang kamolisyahan nang anak mo." Dugtong pa ni Mr. Serano.
"Malalaman natin iyan kapag nagharap na tayo sa korte." Anang ama ni Wesley.
Talaga, malalaman kung sino ang totoo at sino ang may sala. Kung sino ang makukulong o sino ang hindi.
Naunang lumabas sina Wesley, ang ina at ama nito, papalabas na din sana kami nang magsalita si Mr. Serano.
"Mr. Ediera can I talk to you?" Mr. Serano asked.
Napatingin ako kay Dad kung papayag ito.
"Ofcourse." Sagot ni Daddy, napabuga ako nang hangin.
"Sige na magsilabas na kayo." Utos ni Mr. Serano sa amin ni Gessalie. Tsk. Naglakad na kami ni Gessalie.
"Para sa akin magiging magulo lang itong kaso." Ani Gessalie habang pababa na kami nang hagdan.
"Ang tama ang lalabas Ges, don't worry, sila ang may kasalanan." Aniko tapos inakbayan si Gessalie. No malice, best friend ko siya at wala naman sa amin ito.
Naglakad kami papuntang second floor kung saan ang klase ni Gessalie, hinatid ko muna siya bago ako dumiretso sa aming room. Malayo palang ako sa aming room, kita ko na si Nica na nakatayo don at parang may inaantay. Wala naman siyang ibang kilala don kundi ako lang. Pero anong kailangan niya sa akin?
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...