Chapter 63

3.6K 95 1
                                    


STANLEY'S POV

"Stanley." Napaangat tingin ko kay Coach Gillian. Kumunot noo niya at pinagmasdan akong mabuti.

"What the.. Anong nangyari diyan sa mukha mo?" Mariing usisa niya. Napabuga ako nang hangin. Ilang tao na ba ang nagtanong sa akin niyan?

"Wala 'to coach." Aniko lang at nagpatuloy sa pagwawarm-up.

"Anong wala? Ang daming pasa sa mukha mo. Wala lang iyan?"

Naparolled eyes ako.

"Malayo sa bituka coach." Turan ko pa. Lalong kumunot noo ni Coach.

"Coach, I'm here." Napatingin kami sa tumatakbo palapit kay Coach. Tsk, ba't late ang babaeng 'to? Kanina pa nagsimula ang practice tapos siya late? Aba naman.

"Buti naman dumating ka na. Teka Angela alam mo ba kung bakit madaming pasa si Stanley?"

Tinitigan ko ang babae, huwag na huwag siyang magsumbong kung di kukutusan ko talaga siya.

Nagcross arm siya tapos tinitigan ako at tinaasan nang kilay.

"Nagpakabayani Coach. Nakipagsuntukan kagabi." Nanlaki mata ako at matalim na tinitigan ang walang hiyang babae.

"Damn that. Stanley." Coach said.

"Coach, teka. Kasalanan ko naman pinagtanggol niya lang ako. Sorry coach it is my fault. Huwag mo na lang siyang pagalitan." Ani Angela.

Napabuga nang hangin si Coach

"Okay I get it. Wait. Bakit may pasa ka din?" Tinignan nang mabuti ni Coach ang pisngi ni Angela.

"Wala 'to coach, pumagitna kasi ako so tanamaan din ako." Ngumiti pa ang babae. I rolled my eyes. Tigas kasi mang ulo kaya nabastos. Aist, ano pa bang magagawa ko? Nangyari na ehh.

"Ano ba naman kayo. Mag-ingat nga kayo. Ilang araw na lang magsisimula na ang league kaya pwede ba umayos kayo. Kayong dalawa pa naman inaasahan ko. *sighed* sige na tumabi nalang kayo at manood. Bukas na kayo magpractice."

"Pero coach ay--" Angela was cut off nang sinamaan siya nang tingin ni Coach.

"Psh, ang tigas nang ulo halika na nga don tayo." Aniko at hinila siya papunta sa bleacher.

Binitiwan ko siya at naupo ako sa ground, sa damuhan habang nakasandal sa bleacher ang likod ko.

Tiningnan ko si Angela na nakacross arm na nakatingin sa akin, inirapan ko siya at binaling ang tingin sa mga team mates namin na naglalaro sa field pero napansin ko si Bryan na panay sulyap sa direksyon namin kaya naman hinila ko si Angela paupo sa tabi ko.

"Geeez, letche, umayos ka naman." Singhal niya. Naparolled eyes ako.

"Nakatingin sila sa atin kaya umayos ka." Aniko. Napatingin siya sa mga naglalaro at biglang sumiksik sa akin at pinulupot sa braso ko ang kamay. Tsss. Ang OA umarte pero hindi ako nagreklamo hinayaan ko na lang siya.

"Psh, ang ingay mo kasi." Aniko.

"Nagsasabi lang nang totoo." Sabat niya. Naparolled eyes ako. Nagsasabi nang totoo, edi wow.

"Grabe pala mga pasa mo. Lalo kang pumangit." Bigla niyang sabi. Kumunot noo ko. Pumangit? Aba naman ang ganda niya ehh no.

"Tsss. Eh ano? problema mo ba 'yon?" Singhal ko.

Ngumisi siya tapos napansin kong napatingin siya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya.

"Tinatanong mo kung problema ko? Malamang boyfriend kaya kita, unggoy." Aniya sabay tawa. Unggoy? Kita mo 'tong babaeng 'to makapanlait.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon