AEIN'S POV"Oh, Pres. Di ka na naman mapakali. Siya na naman ba?"
Pabagsak akong naupo at tumitig sa secretary ko.
Ilang araw na akong ginugulo nitong nararamdaman ko para kay Angela. I really really like her pero geeez natotorpe ako kapag kaharap ko siya.
Grabe talaga itong puso ko kapag nakikita ko siya, lalo na nung nasa ibabaw siya nang stage, I am really proud of her.
She's really beautiful, she's talented and smart. Geez, sobrang tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan siya sa ibabaw nang stage.
She's everything. Ang ganda ganda niya.
"Hoy! Pres." Kinalabit niya ako. Napairap naman ako sa kanya at napabuntong hinga.
"Naku naman Pres, ligawan mo na kasi bakit nagpapakatorpe ka pa? Sige ka baka maunahan ka. 'Yong isang kasa-kasama niyong lalaki mukhang type din siya, sige kapag nagpadaig ka sa torpe mo, bahala ka, mawawalan ka."
Napabuntong hinga na naman ako. Si Arvin, mukhang may gusto din siya kay Angela, at ilang beses ko na din itong nakitang nakatitig sa kanya.
Tsk. Sabagay sino ba ang hindi magkakagusto sa isang tulad ni Angela? Beautiful and talented. At hindi maarte tulad nang iba na puro kolorete ang mukha.
"So, anong gagawin ko? Give me an advice."
Napakunot noo ko nang humagikgik siya. Tsk, humihingi nga nang advice anong nakakatawa don?
"Tutulungan mo ba ako o pagtatawanan?" Inis kong singhal sa kanya.
"Relax Pres. As a girl, mas maaappreciate namin kung effort talaga ang lahat nang ginagawa, nang binibigay nang isang lalaki sa amin, we girls wanted a guy to do sweet things, 'yong tipong mahahaplos talaga ang puso namin, 'yong nakakakilig, 'yong grabe ang effect nakakapangilabot na nakakatuwa. Dapat ganon Pres, girls love korny and full of efforts."
Napabuga ako nang hangin, so, anong gagawin ko na makakahaplos nang puso ni Gel? Ang makakapagpakilig sa kanya? Ang magbibigay nang kilabot at tuwa sa kanya?
Geez, wala akong ideya, wala akong maisip. Wala akong mahagilap sa utak ko, sobrang blangko ko sa ganitong bagay.
"Tsk. Huwag mong sabihin na walang laman iyang utak mo Pres, I mean sa mga ganong bagay."
Napatango ako.
"Geeez, sabihin mo kung paano at anong gagawin ko. Wala akong maisip." Inis kong ginulo buhok ko.
Napahagikgik na naman siya.
"Ang inosente mo talaga Pres. Ang cute cute mo." Napakunot noo ko pero ang pisngi ko feeling ko nag-iinit, geeez, nagbablush ata ako, lalo pa nang mangalumbaba siya sa mesa ko at pinagmasdan ako habang nakangiti.
Geeez, minsan nakakainis ang isang 'to. Hindi niya ba alam na sa ginawa niyang 'to naawkwardan ako.
"Stop that. Umayos ka." Singhal ko at tinulak ang ulo niya. Tumawa naman siya at nagpalakpak. Tuwang-tuwa pa.
"Haha, namumula ka Pres. At iyon ang way nang pagpapakita na gusto mo ang isang tao pero FYI hindi kita gusto pinapakita ko lang sa'yo. Diba grabe ang effect sa'yo. Dapat ganon."
Naparolled eyes ako.
"Dapat ganon? Parang tanga?" Kunot noo kong sabi.
Tsk. Parang tanga naman talaga ehh. Ano ba 'yon? Sobrang pahalata? Kulang na lang iprangkang sabihin.
"Sira, ganon talaga kailangan mong magpakatanga sa taong gusto mo. At kung gusto mo iprangka mong sabihin na gusto mo siya mas maganda ang ganon kesa naman magpabebe ka pa, magpakatorpe, wala kang makukuha kung ganon. Hello, this days dapat mabilisan na hindi na pinapatagal, millenials wala nang patagalan."
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...