ANGELA'S POV
Naalimpungatan ako nang kumalam ang tiyan ko.
Kukusutin ko sana mga mata ko nang maramdaman ko ang isang kamay na nakahawak sa kamay ko, gulat ako at nang nang makita na kamay nang lalaki kaya agad akong napatingin sa katabi kong may-ari nang kamay na iyon. Napabuga ako nang hangin.
Katabi ko nga pala ang Jerk. Natutulog ito at ang ulo nakahilig papunta sa akin, napasulyap ako sa kabilang upuan, si Bryan nakatitig sa akin, I gave him smile tapos napatingin ako kay ex-Captain BJ.
Siguro alam nito na katabi naming upuan si Bryan kaya hindi nito hiniwalay mga kamay namin.
Okay naman palang kasosyo sa pagpapanggap ang lalaking 'to, ang galing umakting. Napasimangot ako nang kumulo na maman ang tiyan ko.
Inihiwalay ko kamay namin tapos kumuha nang baon kong pagkain sa bag.
"Anong ginagawa mo?" Kumunot noo kong nilingon ang katabi ko.
"Obvious naman siguro diba? Kakain ako. Nagugutom na kaya ako." Aniko tapos inirapan ito.
Umayos siya nang pagkakaupo.
"kunti lang kainin mo." Aniya na ikinasimangot ko. Problema nang isang 'to kung marami ang kakainin ko.
"Nagugutom ako kay please lang huwag mo na lang akong pakialaman." Singhal ko.
Tiningnan niya ako nang matalim.
"Do it." Matigas niyang sabi.
"Bakit ba? Ehh nagugutom nga ako." Turan ko pa. Bigla niya akong kinurot at nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
"Kapag sumuka ka mamaya malilintikan ka sa akin." Kinurot ko kamay niya aaya napabitaw siya sa pagkakakurot sa pisngi ko. Inirapan ko siya.
"Hindi ako sumusuka no. Nakakainis ka talaga." Inis kong singhal. Nagulat ako nang makitang tumayo ang nasa unahan namin, si Arvin at sumenyas na tumahimik. Arrrg, nakalimutan ko, tulog pala mga kasama namin. Nakakainis kasi ang bwisit na Jerk na 'to.
"Sipain kita diyan eh." Inis kong bulong. Inirapan niya ako. Natigilan ako nang bigla niyang hinawa ang buhok kong nasa pisngi at sinabit niya ito sa tainga ko.
"Kumain ka at siguraduhin mong hindi ka susuka." Seryosong sabi niya. Tinitigan ko siya, bakit ganon? Bakit sa ginawa niyang iyon parang umiba ang pakiramdam ko? Arrgg, no with this Jerk. Ayoko.
Napatitig ako sa nilahad niyang plastic ware, may mga laman itong chocolate at cookies. Damn bigla akong natakam.
Mabilis ko itong kinuha.
"Akin 'to lahat huh? Salamat, yummy." Hindi ko napigilang mapangiti nang malapad.
"Psh, in one condition." Natigilan ako at pagkuway pinanliitan siya nang mga mata.
"What should I expect, you're a total Jerk." Mahina ngunit mariin kong sabi.
He smirk and tapped my head.
"Just tell me na nagugutom na ako, dali." Inis kong sabi.
Napahawak siya sa jaw niya at parang nag-iisip pang pinagmasdan ako. I rolled my eyes. Ang daming arte.
Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at nakangiti akong tinitigan. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko alam kung anong gagawin niya pero sana huwag niya akong hahalikan dahil makikita nang iba.
"I warned you, huwag kang gumawa nang kalukuhan." Mariing bulong ko. Ngumiti siya lalo. Sinamaan ko siya nang tingin, tinabig ko kamay niya pero muli niyang binalik sa pisngi ko ang kamay niya tapos dinikit ang labi niya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...