Chapter 70

4K 95 9
                                    


ANGELA'S POV

Nanlalaki ang mga mata nang mga teammates namin nang makita ako, I just look at them and then ignore, malamang alam nila ang nangyari, kalat kaya ang video ko habang lumuluhod sa harap nang walang pusong iyon, tsk naiirita nga ako sa nagvideo non, walang magawa sa buhay pati ba naman iyon ginawang katuwaan at inupload pa sa social media, maraming comment nang kung anu-ano pero hindi ko na lang pinansin, pakialam ko sa sinasabi nila hindi naman nila alam kung anong puno't dulo non, pagtawanan at kung ano-ano pang gusto nilang sabihin wala akong pakialam.

"Gel, buti at dumating ka na." Ani Arvim tapos niyakap ako. Nginitian ko siya nang humiwalay kami.

"Nice to see you." Anang Bryan tapos mabilis na tumalikod, napatingin naman ako kay Coach na nakaupo at nakatingin lang sa akin, hindi ko siya nginitian, tsk, maling mainis ako sa kanya pero hindi ko maiwasan ehh, ewan feeling ko kasi gusto din niyang wala ako. Na hindi ako mahalaga sa team. Tsk, papatunayan ko ang kakayahan ko.

"Halika." Napalingon ako kay Captain BJ. Hinawakan niya ako sa wrist at hinila papunta sa vaccant na upuan, sumunod naman si Arvim at naupo sa tabi ko.

"About the video pinadelete ko na." Arvin said. Nginitian ko siya at pinasalamatan. Buti pa si Arvin.

"Maiwan muna kita, Arvin samahan mo muna siya." Ani Captain BJ tapos umalis.

"Tinatawagan kita kanina hindi ka sumasagot buti at sinundo ka ni Captain." Aniya. I heave a sighed. Sinundo nga niya ako pero nakakairita, nagpakilala pa kay Lola na boyfriend ko siya tapos nakita pa ang loob nang room ko tapos ang mga bagay-bagay na pinahahalagahan ko at isa pa ang mga nabasa niya sa bola. Hindi ako aware na makikita niya 'yon.

FLASHBACK

"We love you Captain. Get well soon.
You will be fine, trust God.
We pray for your fast recovery after the operation.
We will be here for you Captain."

Nilingon niya ako at tinitigan nang mabuti. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kung anong palusot ang gagawin ko.

"Operation?" Pagkuway tanong niya.

Napaiwas ako nang tingin.

"Wala 'yan. Dati pa 'yan." Hindi ko alam talaga kung paano ko lulusutan ito.

"Dati? Ang dati pa ay last year?" I clenched my fist, ilang sandali akong nag-isip nang isasagot pero wala ehh, to escape from this situation tumalikod ako at kinuha mga gamit ko.

"Let's go." Aniko.

"Saan ka inoperahan?" Natigilan ako sandali pero agad akong nakabawi.

"Hindi naman isyu 'yon." Aniko tapos mabilis na tinahak ang pinto at lumabas.

Ayokong malaman niya, ayokong malaman nila, hindi pwede kaya kung maaari king iwasan ang bagay na 'to gagawin ko, it's better to keep silent than to lie.

Sumunod siya sa akin pababa pero hindi na din siya umimik, sinalubong naman kami ni Lola na ngiting-ngiti. So, okay lang talaga sa kanya na may boyfriend ako. Ano pa bang iisipin ko? Hinayaan nga niyang pumunta ang lalaking 'to sa kwarto ko. May tiwala daw, tsk.

"Nahirapan ka bang gisingin? Pasensiya na mantika kung makatulog eeh." Ani Lola kay Captain BJ. Napasimangot ako, kailangan pa talagang sabihin? Si Lola talaga.

"Aalis na po kami La." Aniko, nilingon siya.

"Kakain muna kayo, hindi ka pa nakapagbreakfast. Halika hijo, dito tayo." Hinawakan pa ni Lola si Captain BJ sa braso.

"Nakapagbreakfast na po ako La." Ani Captain BJ.

"Huwag kang mahiya at bawal tumanggi." Ani Lola talos naglakad na sila papunta sa kusina, naparolled eyes na lang ako, kita mo iniwan nila ako. Pabagsak kong binaba ang bag ko sa couch. Tsk. Okay fine sila na mag-apo. Nagcross arm ako.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon