WENCY'S POV"Geeez, I can't believe it, dito mag-aaral si Abby? As exchange student? At sasali pa nang team nang black tigger?" Bulalas ko. Hindi ako makapaniwalang dito pa talaga pinili niya, that woman, siya ang nangbuhos nang wine kay Gel at minura niya pa si Gel at siya pa ang kinampihan ni Stanley kaysa kay Gel kaya si Gel naunang umalis and worst hindi pa din nagpaparamdam hanggang ngayon, ni wala kaming ideya kung asan na sila ngayon.
"She's a candidates for Ms. Chicago next year pa daw ang coronation and required daw sa kanila na sumali sa team nang pinili nilang sports." Ani Danila.
Napabuga ako nang hangin, seriously? May ganon?
"Tsk, humanda ang babaeng iyon kapag nagkita kami." Sabi ko. Talaga naman ehh. Kakalbuhin ko siya sa ginawa niya kay Gel.
"Sa party siya ipapakilala." Ani Gessalie.
"Tsk, special mention huh. Sana lang dito si Gel at nang hindi maagaw nang Abby na iyon ang pagiging reyna nang football." Inis kong bulalas.
Nanggigil talaga ako, nangigigil sa inis, nakikita ang itsura non dahil ilang araw itong kasama ni Stanley sa chocago pero nakakasiguro akong mas maganda si Gel. Maputi lang naman 'yon ehh.
"Ehh wala ehh, anong magagawa natin?" Ani Jane.
"Asan ba kasi si Gel? Tsk, kung may time lang uuwi talaga ako nang Davao para malaman kung totoo ngang wala siya don." Sabi ko. Baka kasi andoon siya at ang mga tinawagan namin hindi lang umaamin nang totoo. Baka sinabihan sila ni Gel na huwag sabihin na andoon siya. Like what Jane, Arvin and Wesley do before, ang tatlo ngayon paulit-ulit naming kinukulit baka may alam sila pero wala daw, ni hindi nila ito nakokontak.
"Naisip ko din nga 'yan ehh. Baka nagsisinungaling lang sila." Ani Danila.
"Hmmm, basta sa party kapag ipinakilala si Abby dapat epic fail." Aniko.
Napatingin sila sa akin.
"Masama 'yan." Gessalie said. Masama?
"Huwag na Wen, baka masuspende pa tayo." Ani Danila naman. Masuspende?
Napabuga ako nang hangin, nangigil talaga ako na gantihan ang bruhang iyon. Pero mukhang wala akong katulong sa paghihiganti dahil ayaw nang mga 'to. Kung ganon, mag-isa ako.
"Basta kung ayaw niyo ako ang gagawa. Bahala na, nanggigigil ako." Mariing sabi ko.
"Guys." Napalingon kaming lahat, naglalakad palapit si Cherry sa amin kasunod sina Hannah, Elai and Kim.
"Ready for tomorrow? Masquerade Party. " Hannah asked.
I rolled my eyes.
"Of course I am ready to get revenge." Sabat ko.
"What? Anong pinagsasabi mo?" Bulalas na usisa ni Elai.
"Huwag niyo na lang siya pansinin, nanggigil lang iyan sa inis kay Abby." Danila said. Nagcross arm ako.
"Kasi naman di ko maiwasan." Pangatwiran ko.
"Si Abby Lough? Ang mula sa Chicago?" Kim asked.
"Yeah she is." Mariing sagot ko.
"Mahabang kwento, may malaking kasalanan si Abby pero walang magagawa." Kunot noo akong napatingin kay Cherry.
"Anong walang magagawa? Meron gaganti ako bukas." Inis kong sagot.
"Wency, si Tito nagsabi na respetuhin si Abby kahit anoman ang ginawa nito kay Gel." Aniya. Napabuga ako nang maraming hangin, nakakagigil.
"Ano ba yan. Nakakainis." Bulalas ko.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...