Chapter 108

3.1K 49 0
                                    

ANGELA'S POV

"Gel." Niyakap ako nina Wency at Danila. Kakapasok ko palang nang pinto, napatingin ako sa likuran nila, andoon sina Lola, sina Rico, Rey, Renjie, sina Nana at Jane na nag-aalala ang mga mukha.

"San ka galing? Bakit di ka man lang nagpaalam?" Ani Wency. Hindi ko siya sinagot.

Lumingon ako sa likod. Lumapit si Stanley. Kakauwi lang namin mula sa gala namin at hinatid niya ako.

"Stanley." Bulalas ni Wency.

"Stanley? Ikaw ang kasama niya?" Ani Rico na lumapit.

Niyakap naman ako ni Lola.

"Alam kong safe ka. Are you okay?" She asked me. Tipid akong ngumiti at tumango.

"Geeez, sobrang nag-alala kami sa'yo, kasama mo lang pala ang lalaking ito. Hoy! Anong ginawa mo kay Angela?" Ani Wency, nilingon ko naman ito.

"Ako nagyaya sa kanya na gumala." Walang mood kong sabi.

Napatingin sila sa akin.

"I am fine, huwag niyo na siyang pagalitan. Lola, sorry kung hindi ako nagpaalam." Nginitian ako ni Lola at hinaplos sa pisngi while her eyes was full of concern.

"Gel." Napatingin naman ako kay Renjie. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Si Rey naman hinalikan ako sa pisngi.

They were so sweet and caring. Pinag-alala ko na naman sila.

"Sorry sa inyong lahat." Mahinang sabi ko.

"It's fine atleast andito ka na. Nagpapasalamat kami sa'yo Stanley at hindi mo siya pinabayaan." Ani Rico, napatingin ako kay Stanley na nakatitig pala sa akin.

"It's my duty to take care of her." Seryosong sabi niya. Umiwas ako nang tingin. Ang nangyari kanina, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pain, happy, mix emotion. After niyang sabihin ang tatlong words na iyon, walang imikan kami hanggang sa dumating kami dito sa bahay.

I can still remember his exact voice when he told those words. Hindi ko din maintindihan itong sarili ko, ang pintig nitong puso ko parang baliw na nagwawala pero hindi ko lang pinapansin, I mean ayokong pansinin.

Hindi ko pa din nakakalimutan ang nangyari noon, that he leave us behind in the final game, at masakit pa non kasama niya si Nica although he has a reason but how about me and the team? Iniwan niya kami kung kailan kailangang kailangan namin siya. He break my heart nang di man lang siya tumawag o nagtext.

I heave a sighed, ayoko na isipin ang mga bagay na iyon that was past at dadagdagan ko lang ang dinadala ko.

"Ahmmm. Gel aalis na ako, Lola, Rico, Rey, Renjie, Wen, Dan, Nana, Jane, mauuna na po ako." Tumango lang ako saglit then tumalikod na din ako at naglakad paakyat nang hagdan, hindi ko pinansin mga tawag nila.

Pagod ako emotionally and physically.

Pagpasok ko nang room ko, naupo ako sa sahig, kinuha ko ang phone ko at nagdial.

"Thanks for the time. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya but frankly tell you hindi pa din nawawala itong bigat na nararamdaman ko. At iyong nangyaring halik, keep it as memory, and ang sinabi mong last three words sa---"

I was cut off nang magsalita siya.

(Gel, totoo ang sinabi ko. Iyon na nararamdaman ko, maliwanag na sa akin kung bakit mahalaga ka, kung bakit ayokong mawala ka. I won't force you to feel the same basta nasabi ko na sa'yo ang nararamdaman ko ayos na ako.)

I heave a sighed.

"Sorry Stanley, ibaba ko na ito, ingat ka." I said then ended the call.

I put down my Cellphone then hinawakan ko ang ulo ko at pumikit.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon