Chapter 155

2.9K 56 3
                                    


ANGELA'S POV

"Mom please payagan niyo na akong manatili don. Just for three months, aftee babalik naman ako." Pangungulit ko kay Mommy, si Lola kasi pupunta nang Palawan para sa plano nitong magpatayo nang isang branch nang bangko namin.

"Gel, ayokong malayo ka sa akin, sa amin nang Dad mo." Pangatwiran ni Mommy.

"Kasama naman niya ako, you shouldn't worry." Sabat ni Lola.

"Pero Ma, hindi ako makakatulog kapag malayo siya."

"Mom, lagi naman akong tatawag." Sagot ko naman.

"Iba pa din ang nandito ka." Sumimangot ako tapos tumingin kay Lola.

"La, please convince Mom, wala naman ako ginagawa dito, hindi din naman ako papasok nang school." Sabi ko.

"Payagan mo na siya, andito naman ako at si Nana, isasama ko, you don't need to worry." Ani Lola kay Mommy, napabuga nang hangin si Mommy.

"Pag-uusapan namin nang Daddy mo." Napamura ako. Seriously? Mamaya na aalis sina Lola ehh.

"Mom, sinabi ko na kay Dad kagabi." Aniko.

"Ang mga kapatid mo?" Napasimangot lalo ako, si Mommy talaga gumagawa nang reason.

"Edi sumama ka na lang." Nagcross arm ako at lalong sumimangot. Nakakainis. Gusto ko pa namang wala ako dito bukas, bukas na kaya kasal nang Jerk at nang bruhang half half na iyon, ayokong makarinig nang news update tungkol sa kanila, tungkol sa kung ano sila kasaya, kung ano sila ka sweet. Psh, ayoko, oo nasasaktan pa din ako bakit ba? Mali ba?

"That's good idea." Ani Lola. Tiningnan ko si Mommy.

"Mas mabuti nga iyan at least magkakasama kayo at hindi ka mag-iisip sa kanya." Napalingon kami, si Daddy naglalakad palapit sa amin, napangiti ako.

"Sigurado ka ba Honey?" Mom asked.

"Ofcourse at pwede din naman akong bumisita don one week a month."

Ngumisi ako.

"'Yon naman pala ehh, Mom mag-impaki na tayo, baka iwan tayo nila Lola." Aniko at mabilis na iniwan sila at tinahak ang room ko.

Lahat nang importanteng gamit dadalhin ko. Napaupo ako sa kama ko after kong maimpaki lahat.

Napakunot noo ko nang mapansing wala ang box na pinaglagyan ko nang result na nagsasabing buntis ako.

"What the hell." Sabi ko then hinanap ito, sino ang kumuha non? Hindi ko ginagalaw iyon, hindi pwedeng nailipat ko dahil maaalala ko kung saan ko iyon nailagay.

Is someone stole it?

Nakuyom ko kamao ko, hindi maaari.

Mabilis akong lumabas nang room ko at bumaba nang hagdan.

"Angela dahan dahan." Mom shouted.

"Mom is someone get inside my room?" I seriously asked. Kumunot noo niya.

"Why? Something happened?" Dad asked.

"Something lost. Sino ang pumasok sa room ko?" I answered.

"Wala akong napansin." Mom said. Napasapo ako sa noo ko. Sino naman kaya ang pumasok don at kinuha ang box ko. At kanino niya balak ibigay iyon? F*ck I don't want what running inside my mind, hindi maaari.

Kinuha ko ang susi nang kotse ko sa key cabinet.

"Gel where are you going?" Dad asked.

"I need to see Cherry or sila Kuya." Sagot ko.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon